Chapter 10

13 2 0
                                    

"Sigurado ka ba sa gagawin natin, Lari? tanong ni ate Aiza na may pagkabahala sa tono ng boses.

"...Oo," hindi rin ako sigurado.

"Huwag na lang kaya natin ituloy?"

Sa totoo lang, nalilito ako. May parte sa akin na gustong ipagpatuloy ang gagawin namin, pero may parte rin na hindi sumasang-ayon.

"Pero nandito na tayo, ate. Subukan na lang natin."

Bumuntong-hininga siya at tumingala. Ginaya ko rin ang ginawa niya bumungad sa mga mata namin ang isang kulay itim na gate, hindi siya kataasan. Dito pa lang sa labas makikita mo na ang isang malaki-laking bahay, kulay itim ang pintura nito at mukhang fan ang may-ari ng mga stars dahil ang mga dingding ng bahay ay pinuno ng mga bituin. May iba't iba itong porma at ang nakapansin talaga ng atensyon ko ay 'yong mukhang nagkorteng mandirigma. Kahit puno ng liwanag ang kapaligiran ay kapansin-pansin pa rin ang pagkinang ng mga ito na kulay silver. Hindi siya mukhang parol pero... ah 'di ko maipaliwanag ng maayos. Basta maihahanlintulad ito sa gabi kung saan maraming nagkalat na mga tala.

Nandito kami ngayon dahil natukoy namin kung sino ang may-ari ng cellphone na nakuha namin. Kinalikot ko kasi ang bawat kahon na nando'n sa loob ng cellphone hanggang sa mapunta ako sa 'settings' nito at doon ko nakita ang address. Hindi ko nga akalaing sa likod lang 'to ng Graciano Lopez Jeana National High School na may pitong gusali lang ang layo sa Elementary School.

Ibabalik lang naman namin ang cellphone...

Humakbang na kami papalapit pa sa gate. Sinenyasan ko si ate na siya ang sumigaw.

"Tao po? Tao po!" Sigaw ni ate Aiza. Sobrang tahimik ng lugar dito kaya parang nabulabog ang mga ibon kaya bigla silang nagliparan.

Makalipas ng ilang minuto ay wala pa ring lumalabas. Wala bang tao rito? Baka umalis? Ang malas naman ng timing namin. Linggo kasi ngayon at baka nagsimba or namasyal.

Ako na nga lang sisigaw. "Tao po! Tao po kami!" Napatakip ng tenga si ate sa biglang pagsigaw ko, mukhang naghahamon ng away sa kanto. Aba at tinodo ko na ang paghiyaw ko para marinig na ng may-ari.

Wala pa rin! Isa pa. "Tao po! Tao po kami—"

"Sandali, punyeta! Alam kong tao ka, jusko dai," nabitin sa ere ang bunganga ko nang may sumigaw bigla mula sa loob. Hala ka, mukhang nagalit. Nagkatinginan kami ni ate at sabay na napalingon nang marinig na bumukas ang pintuan. Bumungad sa amin ang isang lalaki.... hindi, mukhang kekembot-kembot eh. Matangkad ito at may pagka-chubby.

Pakembot-kembot ang bewang niyang naglalakad papunta sa gate. Nang huminto siya at nakita kong nakataas ang kilay niya. Mukhang masungit 'to ha.

"Anong kailangan niyo? Alam niyo bang nabulabog niyo ang tulog namin? Gosh, 'yong beauty care ko," napaatras kaming dalawa ni ate dahil sa pagtataray ng baklang 'to. Pinupunasan niya ang mukha na parang nagpapahid ng kung ano.

Siya ba may-ari? Imposible. Ka-edaran lang siya ni ate, eh. Baka anak? Siguro.

Mukhang unang naka-recover si ate sa pagtataray ng kaharap namin kaya mas lumapit siya sa gate na hindi pa rin binubuksan. "Ah, kayo po ba ang may-ari ng bahay? Hinahanap lang sana namin," buti na lang talaga si ate ang nagsasalita dahil sa kanyang pagiging kalmado. Kung baka ako... 'wag na lang nating pag-usapan.

Humalukipkip ang bading habang nakataas pa rin ang kilay. Hindi ba napapagod mata niya? "Why are you looking for the owner?" ingleshera si ateng!

"Kakausapin lang sana namin. Diba rito ang Osmeña Residence?"

May nakaukit din kasi sa itaas ng gate na gano'n na parang pina-arte ang paggawa.

"Obviously," at napa-irap pa siya.

Glimpse of the North Star (Constellation Series #1)Where stories live. Discover now