Chapter 12

9 3 0
                                    

Kinabukasan ay maaga kaming nagising dahil na rin sa nakakagulat na alarm clock ni Jessica. 'Yon bang talagang parang lalabas ang puso mo sa matinding beat ng kanta. Kaya mukha akong bangag na pinagmamasdan si Jessica na nagbibihis ng kanyang uniporme. Si ate Aiza ay bumaba na para magluto ng aming agahan at mga baon ng tatlong bubwit at ni Ma'am Bev. Nagpresinta kasi siya kagabi, tinanggihan naman ito ni Shan pero nag-insist si ate kaya nabago ang routine naming lima. Ako ang naghuhugas ng plato ngayon.

"Ate, pakitulong naman sa paglagay ng perdible," sabi ni Jessica na hindi mapakaling tinaas-baba ang kanyang palda. Para akong zombie na pumunta sa kanyang gilid at nilahad ang kamay ko.

"Paano ba?" tanong ko habang pinakakamot ang ulunan ng perdible sa ulo ko. Ang kati, maliligo na talaga ako. Hindi kasi nakaligo kahapon. Buti hindi nila naamoy 'yon.

"Masikip na po kasi sa akin ang palda. Patulong naman sa paglagay ng perdible, ako na po ang magtatantiya kung komportable na ako sa sikip."

Hindi ko na siya sinagot at hinawakan ang palda niya kung nasaan ang zipper at 'yong parang lock ng palda. Binuksan ko iyon at inadjust. Nakita ko ang pagflat ng tiyan kaya pinalo ko siya.

"Relax ka nga. Baka pag-exhale mo matanggal ang perdible," mukhang napansin niya nga pinipilit niya na maging flat ang tiyan niya kaya um-exhale siya mas umajust nga ang paldang hawak-hawak ko.

"Ano bang pinagkakain mo at bigla na lang hindi magkasya 'tong palda mo?"

"Kahit ano po. Kada uwian po kasi namin ay nagmimeryenda kami nila kuya Shan ng mga matatamis kaya po ganadong-ganado akong kumain tapos pag-uwi pa po sa bahay ay lalantak na naman ako tapos uupo agad," paliwanag niya sa inaantok na tono.

"Ah, kaya," pinagpatuloy ko na ang pag-adjust sa kanyang palda. Palagi ko siyang pinapalo dahil ginawa na naman niya 'yon kanina. Hindi kami matatapos nito eh, at baka ma-late pa siya. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa likuran ko, 6:47 na pala, kaya mas binilisan ko pa. Kakain pa naman pala 'to, hays.

"Okay na po 'yan. Sakto lang at hindi masyadong masikip," deklara niya kaya nilagay ko na ang perdible sa palda. Ingat na ingat ako at baka bigla kong matusok ang bewang niya.

Matapos no'n ay inayos-ayos ko na ang nalukot na bahagi ng palda at hinila ko na rin ang dulong bahagi ng kanyang blouse.

"Thank you, ate! Labas na po ako para kumain. Kayo rin po," paalam niya sa akin bago kinuha ang bag niya na nakapatong sa kama. Fan pala 'to ng hello kitty kasi 'yon ang tatak ng bag niya pati na rin ang headband niya sa ulo.

Pagkalabas niya ay nag-inat muna ako sandali bago kinuha sa aparador ang isang kulay asul na tuwalya. Ito na raw ang gagamitin namin, kulay pula naman ang kay ate at siyempre kulay pink na may tatak ng hello kitty ang kay Jess. Naiwan pa pala ng bubwit ang tuwalya niyang basa sa kama. Isasabay ko na nga lang sa akin isampay sa labas pagkatapos kong maligo.

Ni-lock ko ang pinto ng kwarto bago maghubad at dumiretso sa banyo para maligo.

Nadatnan ko sa kusina silang lahat tapos kong maligo at isampay sa labas ang tuwalya namin ni Jessica. Mukhang ako na lang ang hinihintay kaya dali-dali akong tumakbo at tumabi kay ate Aiza. Hala, baka mahuli sila sa klase niyan. Kumain na rin kami ng aming agahan. Tahimik lang siyempre si kuya Sam at si Ma'am Bev. Ang tanging nagbibigay ingay lang ay sina ate Aiza at Shan na nagkukwentuhan.

Gwapong-gwapo tingnan si kuya Sam sa kanilang uniporme. Simple lang naman 'yon. Kulay na parang pinatingkad (royal) na asul ang kanyang slacks at maayos na naplantsa ang puti niyang polo na may tatak ng logo ng GLJNHS-SHS sa bulsa-bulsa nito sa kanang bahagi ng dibdib. Dahil matangkad siya ay agaw pansin talaga siya kapag naglalakad. Maayos ding ang pagkasuklay ng buhok.

Glimpse of the North Star (Constellation Series #1)Where stories live. Discover now