Chapter 19

5 1 0
                                    

Tulala akong naglalakad pauwi. Mahigpit ang pagkakahawak sa kahon. Natuyo na ang luha sa pisngi ko.

H-hindi pa rin ako makapaniwala. Nakita ko ang pigura ni mama. Hinabol ko siya pero hindi niya ako hinayaang makita siya. Nakakalungkot na paskong-pasko pero ito ang nararamdaman ko, lungkot. Akala ko natupad na ang hiling ko....

Natanong ko sa sarili. Bakit ako pa rin 'yong naghahabol kahit ako na nga 'yong iniwan niya basta-basta? Bakit parang ako lang? Ayoko na...

Tahimik ang eskinita. Walang dumadaang mga sasakyan. Wala ring dumadaan na mga tao. Payapa ang tanghali pero 'yong puso at isip ko, sobrang gulo.

"Meow."

Natigil ako sa paglalakad at yumuko nang may marinig. Nadatnan ko ang isang kuting, kulay itim ang balat niya pero ang nakakamangha ay ang mata niya na hindi pareha ang kulay. Ang left eye ay kulay blue and ang right eye ay kulay green.

"Meow," taghoy niya pa ulit.

Umupo ako sa tapat niya at hinawakan ang ulo niya. Agad naman siyang napapikit at mas kinuskos pa sa kamay ko ang ulo niya.

"Dapat hindi ka gumagala sa kung saan-saan," pangangaral ko kahit wala naman talaga siyang maiintindihan. "Baka masagasaan ka, miming."

Patuloy pa rin ang pagkuskos sa katawan niya sa akin kaya binuhat ko na siya at inilagay sa gilid ng kalsada para hindi masagasaan.

"Dito ko lang ha para hindi ka maaksidente," ngiti ko ng tipid bago tinapik nang marahan ang ulo niya. Tumayo na ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Meow, meow, meow," ano namang problema ng pusang 'to? Tumalikod ako at nakita na nakasunod siya sa akin.

"Sinusundan mo ba ako?" tanong ko.

Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin. Para akong nahihipnotismo sa mata niya. Ang rare lang talaga. Para siyang nangungusap. Somehow, nakita ko ang mata ko sa kanya. Sabi ni ate Aiza, ang mata ko raw ay mala-pusa, palaging nagsusumamo ang titig.

Bumuntong hininga ako bago umupo ulit. "Sige na nga, dadalhin kita sa bahay."

Weird kasi parang naintindihan niya ako dahil agad siyang tumakbo papunta sa akin at kinuskos ang katawan niya sa hita ko.

Hinaplos-haplos ko ang malambot niyang balahibo. "Gusto mo ba?"

Mas kinuskos niya pa ang katawan niya. Baka 'yon ang sagot.

Binuhat ko siya at iniharap sa akin ang mukha niya. "Sige, miming. Ako na ang magiging mama mo ha."

Niyakap ko siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Alam mo bang pasko ngayon tapos umiyak ako?" pagkukuwento ko habang naglalakad kami.

Hindi sumagot ang kuting. Malamang. Edi nahimatay na ako 'pag nangyari 'yon.

"Nakita ko kasi si mama kahit 'yong likod niya lang ngayong pasko after nine years. Binigyan niya pa ako ng regalo. Nagtataka lang ako kung paano niya nalaman na nandoon ako nakatira kina Ma'am Bev."

Isa pa 'yon sa tanong ko. Paano niya ako nahanap? Saan siya kumuha ng impormasyon?

"Kaya ikaw miming. 'Wag mo akong iiwan basta-basta ha. Kayo pa namang mga pusa, kapag hindi na kayo napapakain, bigla na lang kayong aalis nang walang paalam," hinaplos ko ang ulo niya. "Huwag gano'n ha. Masama 'yon. Masakit 'yon."

Kinuskos niya pa ulit sa akin ang katawan niya kaya napangiti ako. Meron na akong bagong baby!

Mukhang may powers 'tong kuting na 'to kasi bigla na lang nawala ang bigat sa dibdib ko. Ito siguro ang role nila sa world, ang magpawala ng pain ng mga tao kasi cute-cute nila.

Glimpse of the North Star (Constellation Series #1)Where stories live. Discover now