Chapter 8

8 3 0
                                    

Warning: psychological effect (trauma). If you're sensitive with the topic, please don't read this chapter or just skip the SPG (tema) part. Read at your own risk. Thank you.

Halos hindi ko na maialis ang tingin ko sa natutulog na mukha ni ate Aiza. Bawat paghinga niya ay binabantayan ko. Bagama't nahihimbing ay bakas sa mukha niya ang sakit dahil sa nakakunot niyang noo.

Napapikit ako nang maalala ang nangyari kaninang umaga.

Nang maisugod si ate sa ospital sa tulong ni kuya Juli, hindi ako umalis sa tabi niya. Iyak lang ako nang iyak at walang maupahap na sagot sa mga tanong nila sa akin kaya si kuya na lang ang gumawa no'n. Hindi pa rin maialis sa isipan ko ang nangyari kanina lang madaling araw. Para itong sirang palabas sa telebisyon na patuloy na umuukupa ng isip ko. Hindi ko makakalimutan ang bawat... ang bawat haplos na ginawa ng demonyong iyon sa ilang bahagi ng katawan ni ate at mga halik. Kahit pa'y nailigtas ko ang ate ko sa muntik ng pagkakakuha ng kanyang pagkababae, alam kong hindi na iyon mabubura sa isipan niya. Nababahala ako sa magiging epekto ng nangyari sa kanya.

At hindi nga ako nagkamali.

Dalawang oras simula ng ihatid namin siya sa ospital ay nagising siya. Napaluha na lang ako nang bumalot sa kanyang mukha ang sobrang takot.

"Bitawan mo ako, please! Huwag mong gawin sa akin, 'to! Maawa ka!"

Hindi ko kayang marinig ang sobrang lakas niyang sigaw ng takot nang hawakan siya ng doktor at Nurse upang pakalmahin. Ang pag-iwas niya sa mga hawak nito ang siyang nagpatunay sa akin na sobra ang epekto sa kanya ng nangyari. Bakas sa kanyang hiyaw ang magkahalong takot at pangamba na baka maulit muli, dahil akala niya na ang may hawak sa kanya ay ang demonyong sir Gerardo na iyon. Kumulo na naman ang dugo nang maalala ang lalaking iyon. Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay ate. Walang matinong rason kung bakit niya nagawa iyon kundi ang makamundo niyang pagnanasa at libog.

Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya kasi hindi ko siya kayang nahihirapan. Unang beses ko lang nakita si ate Aiza na ganito. Madalas siyang kalmado sa lahat ng bagay kaya naman... napakagat na lang ako ng labi upang pigilan ang hikbing pilit kumakawala sa bibig ko. Kailangang maging matatag ako para kay ate Aiza. Ako na lang ang inaasahan niya.

Sinabi ng doktor na tapos na siyang turukan kaya naman agad akong tumingin pabalik at nadatnang unti-unti na siyang kumakalma pero may mga luha pa ring lumalabas. Tumakbo na ako papunta sa kanyang gilid at hinawakan ang kamay niya.

"Nandito lang ako, ate. Hindi kita iiwan. Ligtas ka na. Ligtas ka na," tiningnan niya lamang ako ng kanyang matang mababakas pa rin ang takot pero wala siyang sinabi. Hanggang sa tuluyan na siyang mahulog sa pagkakahimbing.

Nang mangyari iyon ay hindi ko na napigilang mapaupo sa sahig at muling humagulgol. Hindi ko na alam, sobrang sakit sa pakiramdam ang nangyari sa amin. Pinaparusahan ba kami ng tadhana? Wala naman kaming ginagawang masama para parusahan kami nang ganito.

"Lari," pilit akong tinatayo ni kuya Juli na nasa tabi ko na pala. Dahil wala na akong lakas, naubos na ito sa nagaganap sa buhay namin, madali niyang akong nabuhat at maingat na inupo sa sofa.

Tulala lang ako. Wala na akong maisip na iba.

"Uminom ka muna ng tubig," walang buhay kong kinuha sa kamay ni kuya ang baso at uminom nang kaunti. Wala akong gana.

Binalik ko iyon sa kanya bago sumandal sa malambot na sofa. Paano na ang susunod na araw?

"I think you need a sleep," aniya.

Umiling ako, "Gusto kong bantayan si ate."

"Ako na ang magbabantay. You're tired."

Glimpse of the North Star (Constellation Series #1)Where stories live. Discover now