Chapter 21

16 1 0
                                    

"Dapat alas 7 ng umaga, nandito na kayong lahat dahil iiwanan talaga kayo ng inarkala na bus ng school kapag na-late kayo," paalala sa amin ni Ma'am Malari. "Oh, don't forget to bring your parents consent. It should have their signatures na pinayagan kayo. Don't forge it. Understood?"

"Yes, Ma'am!" sabay-sabay naming sagot.

"Okay, you may go. Don't stress yourselves, staffers. Matulog nang maaga para fresh ang utak bukas," sabi pa niya ulit bago kami tuluyang pinalabas ng room.

Ipinasok ko na ang notebook sa loob bago inipitan ang maliit kong buhok.

"Tara na, Ate Lari, mag-iimpake pa tayo," sabi ni Jessica habang hinihila ang laylayan ng uniform ko.

"Hoy, OA ka Jess. Dalawang araw lang naman tayo ro'n tsaka uuwi rin tayo. Gaga ka," natatawa kong sambit sabay palo nang mahina sa kamay niya.

Napakamot siya ng ulo. "Excited lang, ate. Malay mo, manalo tayo! Edi magiging totoo na 'yong pag-iimpake natin."

"Huwag mo na muna isipin 'yan, Jess. Kinakabahan tuloy ako sa'yo," nakaismid kong sabi.

"Tara na, Lari and Jess," dumating na pala si ate Aiza sa tabi namin. Kinausap pa kasi siya ni Ma'am Malari kaya natagalan kami kaunti.

Lumabas na kami sa school publication room na katabi lang ng principal's office at sabay na naglakad pauwi. Tumingala ako at nadatnan ang kulay kahel at asul na nag-aagawan ng pwesto sa langit ngunit ang una ang siyang nanaig. In short, magagabi na at papalubog na ang araw.

"Ano-ano dadalhin natin, ate?" tanong ko bigla habang nagsi-selfie habang naglalakad. Tinulak pa nga ako ni Jessica palapit sa kanya kasi may muntik na akong makabanggang estudyante.

Inayos niya muna ang pagkakasabit ng bag niya sa balikat bago ako sinagot. "Pocket money lang, then tubig. Our school will provide for our breakfast, lunch and meryenda naman daw."

Tumango-tango ako habang iniisip kung may nagtitinda ba ng poster ng Seventeen sa tabi ni Cultural Center na pagaganapan ng event bukas at sa Sabado.

Bukas at sa sabado kasi ay sasabak kami sa Division Schools Press Conference. Kalaban namin ang iba't ibang elementary schools ng buong Cavite City.

Grade 4 pa lang ay ni-recruit na kami ni Ma'am Malari na sumali sa publication ng school namin. Ang publication name niya ay Melodious Ink at si Ma'am Malari ang siyang school paper adviser. Siyempre no'ng una, tumanggi ako kasi hindi naman ako marunong ng mga sulat-sulat na 'yan. Pero no'ng nakita ko ang determination ni ate Aiza at Jessica na sumali, sumali na rin ako. Sabi ko sa sarili ko na gusto kong umalis sa comfort zone ko. Baka kasi may hidden talent pala ako sa pagsusulat, mas maganda kung malaman na sa elementary pa lang.

Tinerain kaming mga Grade 3 and Grade 4 noon sa iba't ibang category, like News Writing, Editiorial Writing, Sports Writing, PhotoJournalism at iba pa. No'ng una ay muntik na akong mag-back out kasi gagamit ng English language eh hindi pa naman ako hasa talaga ro'n. Kinausap ko si Ma'am Malari kung pwede bang umalis kasi hindi ko kaya pero sabi niya matututo naman daw ako at may Filipino category rin kaya hindi ko na lang tinuloy ang pag-alis.

Kada matapos naming magklase ay diretso kami sa school publication room. Two hours din kami kaya kadalasan ay alas 5 na ng hapon kami nakakauwi. Bongga nga at may sariling silid. Doon nakalagay ang mga past staff writers, ang tabloid na ni-release every school year, trophies at ilang mga libro. Maliit lang siya pero kasya naman kami.

Somehow, sa pagsali ko ay na-improve ang English ko. Meron pa ring rules na nakakalito pero pilit ko siyang inaaral.

No'ng unang pinasulat nga kami ni Ma'am ng Feature Writing, naiyak ako kasi kailangan ko ng dictionary para maghanap ng mga words na medyo catchy to describe the subject. Nagkaroon tuloy kami ng creative writing na subject sa room. Hindi pa ako masyadong hasa sa English pero confident naman ako sa Filipino.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Glimpse of the North Star (Constellation Series #1)Where stories live. Discover now