Chapter 9

29 3 0
                                    

Ilang araw na din ang lumipas simula nung kinompronta ako ni Ate Kyle tungkol dun sa nangyayari saakin. Pero hindi rin alam pa ng mga kapatid ko dun sa pag-sama ko sa mga rally dahil napilit ko si Ate Kyle na wag na munang sabihin sakanila at subukan kong ayusin ang srili ko bago sila pumasok sa problema ko.

Wala ring may alam sa mga kaibigan ko na alam na ni Ate yung nangyayari saakin. Ayaw ko pa kasing sabihin sakanila kasi dadagdag pa ako sakanila.

Lakad lang ako ng lakad ng hindi ko manlang napansin na may nabangga na pala akong tao. Natumba ako dahil sa impact naming dalawa at nagkalat yung papel na hawak nito. Kaya naman madali akong lumapit para tumulong sa pag-pulot.

Nang makuha na lahat ng mga papel na nakalat ay tumingin ako dun sa nabangga ko para humingi ng tawad.

"Hey, I'm sorry for bumping on you." Pag-hingi ko ng paumanhin dun sa taong nabangga ko.

Narinig ko namang tumawa lang ito kaya naman agad akong tumingin kung sino iyon at ayun naman pala si Theo.

"Hey Theo, sorry talaga." Ulit ko rito.

"It's okay. San ka pala papunta?" Sunod lang nito saakin.

Nagkabit-balikat ako dahil mismong ako ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. I just need a fresh air.

"Wala, kailangan ko lang mag-isip." Simpleng sagot ko rito. I also do not want to answer his questions kung ganun. "Bakit ka pala nandito?"

"Sinamahan ko yung pinsan ko. Wala kasing pwedeng sumama dito at wala rin namang magdradrive for her." saad nito kaya nman ay umupo muna kami sa isa sa mga bench.

Ilang minuto lang ay may narinig kaming sumisigaw.

"Kuya Migs!... Kuya Migs!" Napatingin kaming dalawa ni Theo sa direksyon nito at ang nakita ko ay isang parang 17 year old na babae.

Napansin ko namang kumaway si Theo rito kaya naman I am questioning kung ano ang relasyon nilang dalawa.

"Kuya, tapos na ako. If you are ready to go na pwede na din ako." Naka-ngiti ito mukhang hindi niya pa ako napapansin. Napatingin ako sa features nung dalaga at may mga hintuld silang dalawa ni Theo kaya baka nga ay mag-pinsan silang dalawa.

"Macie, si Carrie pinsan ko. Carrie, si Macie friend ko." Pakilala nito saamin kaya naman agad agad kong inilahad yung kamay ko na agad naman nitong tinanggap.

"Ate, how did you met Kuya?" Usisa nito saakin. Tumawa naman ako ng mahina sa narinig ko at maski si Theo ay tumawa dahil sa pinsan niya.

Tumabi na ito saakin para maging eye to eye kaming dalawa.

"Don't you have a class?" Singit ni Theo bago pa ako makasimula sa sasabihin ko.

Umiling naman ako at tiningnan muli si Carrie.

"We met because of a common friend." Sagot ko rito.

She is looking at us as if she is looking for something that is out place.

"Common friend, huh." Inayos na niya yung gamit niya ulit. "Kuya, let's go." Aya nito sa pinsan nito. Kaya naman tumayo na rin si Theo mula sa pagkaka-upo niya.

Tumayo na din ako para mag-paalam sakanila pero bigla nalang itong bumalik saakin.

"Ate, you do not have a class naman na. Why don't you go with us. Manlilibre si Kuya ngayon kasi prinomise niya sa Mom ko na he'll take care of me." Aya nito saakin.

Natawa ako dun sa pag-aya niya dahil hindi manlang siya nag-sabi sa pinsan niya na kung pwede akong ayain.

"Why don't you ask your Kuya muna." Natatawa kong sagot rito.

Hinatak nalang niya ako sa braso at nag-lakad na.

"I don't need his permission naman. May kasalanan pa siya saakin." She stated kaya naman tumingin ako kay Theo para ako na sana ang mag-paalam at binigyan niya naman ako kibit-balikat.

Malaki yung ngiti ni Carrie while we are going to the parking lot. Walang nag-sasalita pero komportable ito. Theo opened his car upang makapasok kami. Uupo na sana ako sa backseat pero uninahan ako ni Carrie.

"Ate, sa harapan ka na." Malaki ang ngiti nito saakin at sabay sa pag-sara ng pintuan kaya naman napilitan na akong umupo sa harapan. Nang tapos na kami ay we settled down ay nag-drive narin si Theo papunta sa kung saan daw yung pupuntahan.

Hindi ko nga rin alam kung bakit pa ako sumama when in fact hindi ko naman alam kung saan kami pupunta at hindi ko sila kilala.

Nakita kong binabaybay namin ang daan papuntang Pasig City. Nag-titiwala ako kay Theo kaya naman ay nakatulog rin ako habang nasa kalsada kami. Nagising ako dahil sa pag-yugyog ni Theo saakin.

"San tayo?" Looking outside the car ay mukhang parking area. Nakita ko rin na nasa labas si Carrie waiting for us.

"The 30th." Simple nitong sagot saakin sabay labas narin nito. Sumunod din ako sakanya habang sinusuklay ko yung buhok ko gamit ang mga daliri ko.

Naunang nag-lakad si Carrie papasok ng mall habang kasabay ko si Theo.

Kung nasa Pasig kaming ngayon ay proproblemahin ko pa kung paano ako uuwi mamaya. Kasi baka hindi nila ako mahatid. Bawal din akong mag-over night kala Chione ngayon kasi wala siya sa bahay nila ngayon at nasa condo siya niya.

Siguro merong malapit na sakayan dito.

Nakita naming pumasok sa Ramen Nagi si Carrie kaya naman ay sumunod kaming dalawa. Umupo kami sa pang-apatan na upuan. Habang tumabi naman saakin si Theo habang si Carrie ay umupo sa harapan namin.

While looking over the menu, I chose the Original King Ramen while they both chose Red King. I add a soda and a gyoza. While they also added their own side dishes.

Tinitingnan ko yung phone ko to check any kind of notifications or even messages. I saw a message from my sister.

From: Ate Maya

Where are you? Aren't you supposed to be home right now?

Rinig na rinig ko yung tono ng boses ni Ate. After kong mabasa ang text nito ay nag-mamadali akong tumayo para umuwi na. Napatingin naman saakin sila Carrie at Theo. Parehas silang nag-tataka sa kinikilos ko.

Hindi na ako nag-salita pa at tinungo na ang pintuan. Naramdaman kong hinaltak ni Theo ang braso ko.

"Where the hell are you going?" Mahinang demand nito saakin. Nakita ko rin nag-babayad na si Carrie ng kinain namin. I kind of felt guilty about it. Kasi nasira ko yung araw nila.

"I really need to go home." Nag-pumiglas ako sa pagkaka-hawak niya at nagawa ko naman ito kaya madali akong tumungo sa exit ng mall.

"Do you even know how to go to Katipunan?" Hindi ko ito pinansin at patuloy akong naghanap ng masasakyan. "Ihahatid na kita." Hinatak ako nito papuntang parking area.

Hindi ko manlang namalayan na nakarating na kami sa condo ko at nagpaalam nalang ako sakanilang dalawa at nagmamadaling umakyat papuntang unit ko.

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng unit ng mapansin kong may dalawang sapatos na hindi naman saamin ni Ate or kay Ate Kyle.

May mga naririnig din akong pamilyar na boses sa living area.

"Anong oras ba dadating kapatid mo, Maya?" Nakita kong yung nag-salita ay si Papa.

"Papa!" Yakap ko rito.

Hindi ko alam na uuwi na pala siya dito sa Pilipinas. Wala rin namang sinasabi sila Ate saakin sa plano ni Papa.

"Pa, anong ginagawa mo dito?" Masaya kong tanong rito habang umuuupo sa sofa.

Seryoso ang tingin nito saakin.

"Hindi na daw bumubuti ang Mama niyo." Napa-tigil ako sa sinaad niya dahil wala akong alam.

"What do you mean she is not getting better?" Mahina kong tanong. Umupo na din si Ate sa harapan namin na sofa.

"Binigyan na ng taning na ang Mama mo. 3 months nalang daw."

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now