Chapter 15

28 1 0
                                    

Hinahatak na akong paalis ni Chi pero narinig ko pang sumusunod saakin si Papa.

"Macie, anak." Tawag nito saakin pero patuloy lang ako sa pag-lalakad at hindi ko siya pinapansin. Hindi ko rin naman kasi alam kung aano ba yung gusto kong sabihin sakanya.

"Anak naman."

Sunod parin ito nang sunod saamin. Kahit hindi ko na siya gustong makita ay nakabuntot parin ito saakin. Pinipilit nitong pansinin ko siya at pakinggan pero hindi ko nga kaya. Parang akong masisiraan ng bait sa nangyayari.

Parang masyado na kasing sabay sabay yung nangyayari. Hindi ko na alam kung paano ko pa siya uunahin. I am being overwhelmed with the things that are going on.

"Sir, ayaw niya po muna kayong makausap.' Mahinahong saad ni Chione.

Lalagpasan na sana namin ito pero pilit parin akong pinipigilan ni Papa. Pilit akong hinahatk ni Papa papunta sakanya pero hindi rin naman ako binibitawan ni Chi..... and I am thankful for that.

Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala kami ng sasakyan nito. Hindi ako makasakay- sakay dahil nakahawak parin si Papa sa braso ko. Ayaw ako nitong bitawan kahit pa gaano kong pilitin ito.

"Sir, could you please get your hands off her?" Mahina pero nag-babantang pakiusap ni Chione kay Papa.

"She is not your property for you to decide whatever you wanted to happen with her." Dadgdag pa nito.

Napansin kong nag-tama ang tingin nila Ethan and Chione na para nangu-ngusap ang kanilang mga tingin. Tumango si Ethan at sunod nitong ginawa ay binuksan nito ang sasakyan at sinimulan ang kotse.

Sapilitan na tinanggal ni Chi yung kamay ni Papa na nakahawak sa braso at pinapasok niya ako sa passenger seat ng kotse.

Pero hindi agad ito pumasok.

"Mr. Escolanda, I do not care what the heck you are doing in your free time but what you had just done is considered as harassment. It doesn't mean she is your daughter, you have the rights to do that to her." Seryoso ang pagkaka-saad nito. After naman nitong isaad ay agad itong pumasok sa sasakyan. Agad din namang pinaandar ni Ethan ang sasakyan.

Bago kami makalayo ay napansin kong tulala si Papa dahil sa mga sinabi ni Chione. Mabilis naman siyang nawala sa tingin ko.

"Are you okay?" Narinig kong tanong ni Chi saakin pero hindi ko siya sinagot.

Hindi ko na napansin kung nasaan kami ang nakita ko nalang ay yung building ng condominuim ni Chione. Lumipat kasi na ito kaya hindi rin masyadong alam yung daan. Ibinababa na kami ni Ethan sa entrance at siya nalang daw yung mag-papark doon sa designated parking space ni Chione.

Inakay agad ako ni Chi papunta ng elevator and mabilis naman kaming nakarating sa unit nito. Nag-palit naman ako agad ng bagong damit, kasi parang ang bigat bigat ng katawan ko.

"Girl, bumibili daw ng foods si Ethan. May gusto ka daw ba?" Narinig kong tanong ni Chione mula sa kabilang pintuan.

"Kahit ano nalang." Medyo malakas kong sagot rito. Inaayos ko yung marumi kong damit doon sa hamper na nakalagay sa comfort room.

Napaupo nalang ako sa bowl at napaisip sa mgaa nangyayari saakin ngayon. Masyado nang maraming nangyayari at hindi ko alam kung dapat ba akong mag-luksa ngayon dahil kakamatay lang ni Mama o magalit dahil niloko kami ni Papa. Wala rin namang gaanong pakaialam ang mga kapatid ko saakin dahil sa kung sino ako.

"Girl, nandito na si Ethan. He bought some Korean foods." Hinatak na ako ni Chione papunta ng kitchen/dining area niya.

Umupo ako sa isa sa mga stools nang table nito para kumain na at makapag-pahinga na ako. Napansin kong may binulong si Ethan kay Chione at bigla nalang nitong hinampas yung lalaki. Pero hindi ko nalang sila sinita o pinansin dun sa nangyari.

"Bwisit kasi tong si Ethan." Hindi gaanong kalakas ang pagkakasabi nito pero rinig ko parin. "Mace, si Ethan kasi." Napatingn ako dun sa dalawa dahil sa sinabi ni Chione.

"Anong meron kay Ethan?" Napatanong ako dahil narin minsan lang mainis si Chi kay Ethan.

Masama na yung tingin na binibigay ni Chi kay Ethan kaya naman feel ko na may mali atang ginawa ito. Pero hindi ko alam kung anong yung konekta nito saakin.

"Kasi itong lalaki na ito, may binalitaan nung nangyari kanina. Tuloy papunta na yung lalaki para kausapin ko daw." Naiinis na balita nito saakin. Masama parin ang tingin nito sa best friend nito. "Kasi naman, bakit ba hindi yan mapigilan yang bibig mo?" Mapanlait na tanong ni Chi pero tinawanan lang ito ni Ethan.

"Sino ba yung sinabihan ni Ethan? Sila Papa ba? Sila Ate?" Gahol kong tanong rito. Ayaw ko pang makita ang mga pamilya ko.

"Hindi!" Matinding tanggi ni Chione kaya naman napalagay na ang loob ko.

"Si ano kasi... Si ano..." Hindi nito masabi pa saakin.

"Sino ba?" Hindi ako makapag-hintay sa gusto niyang sabihin. Kasi hindi manlang niya mailabas yung mga salita.

"Si..." Bago pa man niya matapos yung sasabihin niya ay may biglang nag-doorbell. Kaya naman ay agad na tumayo si Chione papuntang intercom para pagbuksan ito. Sumunod naman kami rito para makita kung sino yung dumating.

Si Theo.

"Bakit siya nandito?" Napatanong ako kay Chi.

Sa mukha palang ni Chi ay naintidihan ko na kung anong nangyari. Ang kausap ni Ethan kanina ay si Theo.

"He couldn't contact you." Si Ethan na ang sumagot sa tanong ko.

Hindi ko nalang ito pinansin at bumalik nalang ako sa dining area para matuloy ko na yung pagkain ko. Narinig ko namang inaya ni Chione si Theo na kumain. Umupo na kaming apat para kumain. Kumuha naman ako ng isang piece ng chicken and I paired it with a japchae. Medyo weird nga lang yung combination pero okay na din since walang rice.

"Ethan, bakit level 3 yung kinuha mo? Alam mo naman na hindi nakakain ng maanghang si Macie." Bati ni Chi nang matikman niya yung Tteokbokki.

Kanina pa binabati ni Chione yung lahat na ginagawa ni Ethan, alam kong malapit na ay sasabog na yun sa inis.

"Chi, okay lang. Hindi naman ako mahilig sa Tteokbokki at hindi ko rin naman yan kakainin." Saway ko rito dahil sa shadow na nakikita ko doon sa mga mata ni Ethan. Halata na kasing inis na ito.

Nakita ko namang may binulong si Chione kay Ethan at after ata nung sinabi nito ay napansin kong tumango si Ethan sakanya.

Tahimik nalang kaming kumain ni Theo habang yung dalawa ay nagkukulitan pa. Namimili kasi ng kakain na parte ng chicken si Chione.

"Ethan, parang kayong nagdadate ni Chione. Sana hindi niyo na kami isinama." Loko ni Theo doon sa dalawa na nagkukulitan sa harapan namin.

Tumawa kaming tatlo dahil sa sinabi ni Theo na mukha siyang seryosong seryoso sa sinabi niya. Ilang minuto ang ang nakalipas at natapos na din kaming kumain.

Nagulat ako nang biglang tumayo si Chione at Ethan.

"Theo, you just need to throw the trash away. May kailangan lang kaming puntahan ni Chi."

Ngumiti naman saakin si Chi kaya kumaway nalang ako sa dalawa at naiwan kaming dalawa ni Theo dito sa unit.

Habang nililinis namin yung mga pinag-kainan namin ay alam kong sobrang gusto na ni Theo itanong saakin kung ano ang nangyayari. Since alam kong hindi siya ang unang mag-sasalita kaya ako na ang nauna.

"Nalaman namin na niloloko pala ni Papa si Mama at may anak pa siya doon sa babae niya."

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now