Chapter 22

24 2 0
                                    

Hindi ko nalang pinansin pa yung nakita ko. Its been almost 10 years simula nung huli ko siyang nakita. Ayaw ko narin ungakatin pa ang issue na matagal naman ng natapos. Panigurado rin ay may sarili na itong buhay at hindi na ako kasama doon, pati narin ang anak 'namin'.

"Kailangan mo na ba agad umuwi?" Tanong ni Chi habang nagmamaneho ito.

Tumango naman ako dito. "Si Kuya Allen kasi lang ang nag-babantay kay Poppy. Kailangan ko nadin umuwi kasi susunduin pa namin yung asawa niya sa airport." Naka-simangot kong kwento dahil alam ko na ang madadatnan ko sa apartment ko.

Tumawa naman ng malakas dahil malamang ay naiisip na nito kung anong Poppy ang makikita ko sa bahay ko.

"Bakit kasi kay Allen mo iniiwan? Pwede mo namang iwan din kay Ethan si Poppy since nag-babantay narin naman siya kay Zoe." Sinamaan ko naman ito dahil mas malala pa ang best friend nito kesa sa kapatid ko.

"No thanks nalang. Tanda mo nung nag-babysit si Ethan para saakin, umuwi si Poppy ng kung anu-anong gusto dahil sa office noon pati halos hindi ko ito napatulog kasi kung anu-anong chocolate ata ang pinakain." Naiinis ko paring saad. Kaya ayaw na ayaw ko nang iwan ang anak sa lalaki na iyon.

Mabilis naman akong naihatid sa apartment ko.

"Kiss Penelope Ivy for me ha." Naka-ngiti nitong bilin saakin nang makaka-baba na ako sasakyan nito. Tawa lang ang sinagot ko dito at agad akong pumasok sa loob.

Natadatnan kong nag-lalaro si Poppy sa living room at naririnig ko namang mga kalampag ng kaldero sa kusina kaya alam kong nag-luluto si Kuya ng makakain nila.

"Hello, baby!" Malambing kong bati rito at sabay humalik sa tuktukan ng ulo nito.

"Hi, MAMA!" Malakas na bati nito saakin habang naka-ngiti. Dahil sa lakas ng boses ni Poppy ay narinig ata ni Kuya kaya naman ay lumabas ito lara malaman kung anong nangyayari.

"Hello." Mahina nitong bati saakin na akin namang ibinalik sakanya.

"Baby, what did you with Tito?" Tanong ko rito habang nag-lalaro ng Barbie doll na regalo sakanya ni Alice.

"We play Barbie and Legos!" Hindi nitong nakatingin saakin ang pagkakasabi nito saakin.

Tahimik na muli itong nag-laro kaya alam ko na pwede ko na itong iwan sa living room kasi kuntento na siya.

"Kuya, anong oras daw natin susunduin si Ate?" Tanong ko rito habang nag-luluto ito ng french fries.

Tumingin muna ito saakin. "5 kailangan maka-alis na tayo. Baka mas mauna pa ang eroplano kesa saatin. Nakakahiya naman sa Ate mo diba." Natawa naman ako sa sinabi niya kaya naman ay agad akong pumasok sa kwarto ni Poppy para maghanap ng pagpipilian niya ng damit. As much as possible kasi ay binibigayan ko ng kalayaan na pumili ito ng masusuot. Lalo na't lumalaki narin ito.

Habang inaayos ko ang damit ay narinig kong tinawag ni Kuya si Poppy para kumain na nung French fries na niluto niya. Kaya naman ay lumabas na ako agad para naman maiayos ko yung kinalat nilang mga laruan sa living room. Nagkalat kasi silang mag-tito. Nang matapos na akong mag-ligpit ng mga laruan at pumunta naman ako sa dining area kung nasaan kumakain ang dalawa.

"Mama, yummy yung niluto ni Tito." Naka-ngiti nitong saad saakin kaya naman ngumiti rin ako kay Poppy. Lumapit muna ako sa freezer para kunin yung ice cream para isabay sa French fries.

Nang mailapag ko na ang tub ng ice cream at ang bowl ay nag-unahan ang mag-tito sa pagkuha akala mo naman ay mauubusan sila. Natawa naman ako sakanila at tinulungan nalang si Poppy kumuha ng ice cream niya.

Nang matapos na silang kumain ay hinugasan na iyon ni Kuya habang ako naman ay dinala ko si Poppy sa kwarto to let her choose her outfit.

"Poppy, choose what you are going to wear for later." Turo ko doon sa mga damit na nakalatag. Mabilis naman niyang kinuha yung pink ruffled dress. Pinunasan ko muna ito bago ko sinuot sakanya yung dress, sinuotan ko narin ito ng gold na ballet flats.

"Ang cute naman ng baby ko." Naka-ngiti kong saad habang pinupugpog siya ng halik except sa labi nito. Hindi kasi magandang halikan ang bata sa labi dahil hindi nila matutunan ang personal boundaries and they may also act that way outside of the family.

Nang matapos ko na itong bihisan ay ako naman ang naligo na muna ako dahil galing ako sa arawan kanina. Nakakahiya naman kay Ate na ang susundo sakanya ay napaka-baho. Si Poppy naman ay nag-lalaro sa living room kasama ni Kuya kaya alam ko ring safe ito.

Nag-suot nalang ako ng isang summery ruffled dress to pair with Poppy. Nag-ayos narin ako ng mukha ko at nag-lagay narin ako ng simpleng make up. Para lang hindi ako mag-mukhang kung ano. Nang natapos na ako ay inaya ko na sila umalis, chineck ko narin muna ang lahat na mga saksak baka maiwan at magka-sunog pa. Nung tapos na akong i-check ang mga saksakan ay lumabas na din ako para sumakay na sa sasakyan ni Kuya. Sira kasi rin ang sasakyan ko dahil narin sa kalumaan na din.

"Mace, kailan daw ba maayos yung kotse mo?" Tanong nito saakin habang nagmamaneho.

Nagkibit-balikat naman ako. "Ang sabi daw ay sa isang linggo pero hindi rin nila alam kung maayos pa nila. Sobra na raw luma." Sagot ko naman rito. Tumawa naman ito ng napaka-lakas.

"Hindi ba ang sabi saiyo ni Kayla ay pwede mong hiramin muna yung luma niyang kotse hangga't hindi ka pa nakakabili ng bago." Matagal narin kasi saaking sinasabi ng asawa nito na kunin ko na muna ang kotse nito pero ako na ang tumatanggi. Nakakahiya dahil hindi naman nila ako responsibilidad.

Mabilis narin kaming nakarating at nandun narin sa exit gate si Ate Kayla kaya naman ay lumabas naman ako agad para lumipat sa likuran.

Humalik agad si Ate kay Kuya kaya naman ay napangiti ako dahil sa ginawa nito. Matagal na si Kuya ang kasama ko at ang kapakanan ko at ni Poppy and inuuna nito kaya naman nang sinabi niya na may kasintahan siya ay ganun nalang ang tuwa ko.

Nang matapos na nitong batiin si Kuya ay tumingin naman ito saamin. Ngumiti ako rito at siya rin naman.

"Hello, baby Poppy!" Masaya nitong bati kay Poppy. Tumayo naman si Poppy para humalik sa pisngi nito.

Nang maka-halik na si Poppy ay bumalik narin ito sa upuan nito at nag-drive narin si Kuya to the mall. Doon na din kasi kami kakain. Nang matapos na kaming kumain ay agad rin naman kaming hinatid nila Kuya sa apartment ko dahil gabi na at kailangan nang matulog ni Poppy.

Halos si Kuya na rin ang nag-babantay kay Poppy lalo na kapag wala sa mga kaibigan ko ang pwedeng mag-bantay sa bata.

Nagising na ako sa tunog ng tawag na kung sinong taong naglakas ng loob na tumawag saakin ng maaga.

"Hello? Kung sino ka man ay wag ka ng tatawag ulit saakin ng ganito kaaga. Hindi ka nakaka-tuwa." Bulyaw ko doon sa tumawag saakin. Ang narinig ko ay malakas na tawa kaya agad ko namang alam ay si Chione ito. "Ano nanaman ba, Chi? Ang aga-aga, hindi pa nga gising anak mo."

"[Well, I just called you na may get-together daw tonight according to Patrick and kailangan lahat tayo nandun.]" Balita nito saakin. Napaisip naman ako kaagad kung kanino ko iiwan si Poppy lalo na't kakarating lang ni Ate. Hindi pwede si Kuya Allen ang magbantay habang si Kuya Maki ay hindi rin pwede dahil nasa ibang bansa ito ngayon.

"Hindi ako makakasama, walang mag-babantay kay Poppy mamayang gabi." Sagot ko rito.

"[Si Mom siya na ang mag-babantay kay Zoe, pwede mo naman siyang dalhin sa bahay later. Sabay narin tayong pumunta.]" Pumayag naman ako sakanya at tumayo na rin ako para mag-ayos para sa araw ko.

Buti nalang at saktong weekend itong get-together nina Patrick para hindi hassle na pumasok pa kinabukasan.

Maaga ko ng plinanong hinatid si Poppy kala Chione para narin ay maaga akong makakapag-ayos. Nang mahatid ko si Poppy kala Chione ay inayos ko naman ang bahay namin dahil makalat na ito dahil hindi ko na masyado itong naasikaso.

"Saan daw yung get-together?" Tanong ko kay Chione na naka-upo sa passenger seat habang ako ay nasa likuran.

"Sa bar daw ni Patrick." Ang sumagot naman saakin si Ethan. Mabilis naman kaming naka-dating sa bar ni Patrick.

"Nandyan na pala sila Rei." Turo ko nang makababa na kami at nakita namin silang papasok.

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now