Chapter 8

29 2 0
                                    

Nagiisng nalang ako dun sa sinag ng araw mula dun sa window. Pero sumasakit lang yung ulo ko habang tinitingnan ko ito. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa kama or kung paano ako nakapasok basta ang natatandaan ko nalang ay nag-lalaro pa kami ng Poker pero hanggang doon nalang iyon.

Tiningnan ko naman yung damit ko ay ganun parin kung ano yung suot ko pero natanggal lang yung sapatos ko. So safe ako diba? I mean kahit naman nandito ako kala Alice you never what may happen diba.

Naligo na muna ako sa rest room kasi amoy na amoy ko yung alak at feeling ko ang baho baho ko narin. Mabilis akong natapos at nakita kong kumakain ng breakfast si Alice at Chi.

"Wala na yung iba?" Tanong ko sa mga rito nang makaupo ako sa upuan.

Masama ang tingin na iginiwad nung dalawa saakin.

"Well they are not here anymore because it is already 10 AM! My goodness, sino ba ang nag-sabi saiyo na uminom ng ganun karami?" Naiinis na tanong ni Chi pero tinawanan ko lang siya.

Kumuha nalang ako nung breakfast na nasa harapan ko at nag-simula narin kumain. Pero pinigilan ako ni Alice. At sabay inabutan niya ako ng isang bote ng energy drink at pain reliever. Tinanggap ko naman ito pero binigyan ko naman siya nagtatanong na mukha para saan yan.

"He said to give it you daw to relive your hang over." Simple nitong sagot saakin habang patuloy parin sa pagkain niya.

Nag-tataka ako dun sa 'He" niya.

"He? Who the heck is 'He'?" Tingin ko dun sa dalawa at ang sumagot saakin ay si Chi.

"Yung tumulong lang naman saamin na ayusin ka sa kama kasi hindi ka namin kaya. Kaliit-liit mong tao pero ang bigat mo." Sagot nito saakin pero hindi naman ito yung hinahanap ko.

"Tangina naman Alexandra Chione, sino nga yung He?" Naiinis kong tanong rito, sinabayan narin kasi nung sakit ng ulo ko.

"Hoy, wag kang tataas ng boses mo because I am not the one who drank that fucking 3 bottles of Soju. Hindi ba ang sinabi ko na saiyo na wag ka masyadong uminom ng Soju kasi hindi mo mapapansin na lasing ka na. Pero hindi nakuha mo pang lumaklak ng 3 bote. You are asking who the heck is he? Then he is goddamn Theo, Patrick's friend." Masama ang tingin nito saakin.

Na-guilty naman ako sa sinabi niya kasi totoo naman na sinabihan na niya ako dun sa pag-inom ko ng Soju kasi delikado nga pero syempre hindi ko siya sinunod.

"Theo is here kagabi because of Patrick, sinundo nito yung kaibigan kasi hindi na kayang umuwi sa sobrang kalasingan. Since every guy is drunk kaya nagpatulong nalang kami sakanya. Siya rin yung nagsabi ng bigyan ka daw ng energy drink at pain reliever to ease the hangover." Mahinahon na sabi ni Alice.

Nanghingi ako ng paumanhin sa dalawa dahil ang sabi ko rin na tutulong ako sa mga lasing pero dumagdag pa ako. Pero sabi nila na okay lang daw basta daw handle my liquior na.

Pagkatapos naming kumain at sinundo narin kami ni Ethan. Along the way ay nakatulog rin ako for my crazy attempt to ease off kasi alam kong mamaya pa mag-kikick in yung gamot. Pinabayaan naman ako nung dalawa. After nila akong mahatid sa condo ay natulog rin ako agad sa kwarto ko.

"Hay naku, tulog yan malamang. Ang sabi nung kaibigan lasing daw kagabi." Naalimpungatan ako dun sa boses sa labas.

May mga narinig na din ako kumakalampag na tunog mula sa labas. Kaya naman ay tumayo na din ako para malaman kung sino yung nasa labas.

"Oh gising na pala ito." Bati saakin ni Ate Kyle, yung girlfriend ng ate ko. Nginitian ko naman ito at lumapit sa refigerator para kumuha ng baso ng tubig.

"Hindi ba ang sabi saiyo ni Papa ay bawas-bawasan mo na yung pag-iinom mo. Lalo na ngayon na hindi natin alam kung anong nanyayari kay Mama." Matigas ang tingin ni Ate saakin kaya kahit ano pang gusto kong sabihin ay bumalik lang ito muli sa lalamunan ko. "Tsaka, nag-aaral ka pa ba?" Hamong tanong nito saakin.

Napakislap yung mata ko dun sa sinabi niya. "Oo naman!" Mataas yung boses ko sa pag-sagot.

"Bakit hindi halata? Baka sinasayang mo lang yung scholarship mo? Tandaan mo, kapag kapag bumaba yang grado mo, tanggal ka sa pagiging scholar at hindi na kaya nila Papa na magpa-aral pa sa Ateneo." Paalala nito saakin.

Alam na alam ko na si Ate kasi ayan yung pagkaka-iba nila ni Ate Marie at ni Ate Maya. Si Ate Marie yung panganay pero siya ang umaakto na pinaka matanda dahil lang siya yung na ang may naipundar sa kanilang dalawa. Gustong gusto nitong nag-sasabi ng mga kulang saamin, there were never a time she even bother to say anything praisal to us.

"Maya, stop it. Hindi ka na nakakatulong diyan sa sinasabi mo." Naiinis na saad ni Ate Kyle. "Hindi mo kailangan yan sabihin at alam mo yan, Maya!" Ate Kyle bursted out, siya lang rin naman kasi ang nakakapag-pigil kay Ate sa mga salita niya.

Mas pamilya pa nga kung umakto si Ate Kyle kesa kay Ate.

Masama ang tinginan nilang dalawa bago natalo din si Ate at agad naman itong nag-walk out. nang narinig naman ang pagkalabog ng pintuan ng kwarto nito ay hinarap ako ni Ate Kyle.

"Sabihin mo nga saakin Macie, totoo ba na pinapabayaan mo na talaga yang pag-aaral mo?" Seryosong-seryoso yung pagkakasabi nito. "Yung mga pag-sama mo sa rally, way mo ba yun ng pagrerebelde?"

Napa-awang ang bibig ko ng marinig ko dahil wala akong sinasabihan ng ginagawa ko kundi sila Chi lang.

"I saw you in front of Ateneo nung isang buwan. Nugn una akala ko namalik-mata lang ako pero nalaman ko siya dun sa isang prof mo na sumama ka nga daw."

Hindi ko na alam kung ano yung sasabihin ko kasi ayaw na ayaw ko talaga malaman nila iyon. I am kinda living the double life.

"Ate I rallied pero hindi naman ito nakaka-apekto sa studies ko." Pilit ko rito. "Sobrang hirap lang kasi nung mga nangyayari ngayon. Feeling ko ang bigat bigat na. Yung mga hindi ko naman dapat ginagawa pero pinapagawa parin saakin. Tila ba napapabayaan ko na yung sarili ko. Kasi hindi ko na kilala kung ano ba talaga ako."

Naka-tingin lang saakin si Ate Kyle at hindi ito nag-sasalita.

"Bakit hindi mo saamin sinabi na nahihirapan ka na pala?" Malungkot yung mga mata ni Ate Kyle. Naupo na muna ako bago sumagot sa tanong nito. Umupo narin ito sa harapan ko.

Seryoso ang tingin ko rito. "Kasi alam kong nahihirapan din sila, na hindi lang ako yung nahihirapan. Hindi ko masabi kasi feeling ko wala akong karapatan." Unti-unti ng namumoo yung luha ko na unti-unti ring bumagsak.

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now