Chapter 12

33 1 0
                                    

"[Anak, si Mama mo!]" Umiiyak na yung tunog ni Papa ng masagot ko ang tawag nito saakin. Agad kong pinatay yung tawag. Kaya naman agad akong tumayo mula sa upuan ko at lumabas na. Buti nalang ay hindi pa pumapasok yugn prof namin. Sinabihan ko nalang yung isa kong kaklase na meron akong emergency na kailangan kong puntahan.

Nag-mamadali akong kumaway para sa taxi since mas mabilis ito pero ilang minuto na akong naghihintay pero puro puno ang mga taxi na dumadaan. I also tried booking a Grab pero even that ay walang nag-aaccept saakin. I am now close on breaking down kasi si Mama nung umalis ako kaninang umaga ay okay na okay pa, naka-ngiti pa nga pero bakit ganun naman.

Since wala parin akong ma-book na Grab o kaya naman wave down na taxi, napilitan akong tawagan si Chi kasi baka na UP pa ito.

"[Mace?]" Buti naman at naka-sagot ito agad.

"Chi, nasa UP ka pa?" Nag-mamadali kong tanong rito.

"[Wala na, bakit?]" Nag-aalalang tanong nito saakin.

"Si Mama kasi." Tumutulo na yung luha ko kaya naman ay tumalikod na muna ako mula sa daan para hindi ako makita ng ibang tao.

"[Oh my god! Okay. Ganito. I am with Aki right now pero in about 20 minutes I am there na. Or better yet i'll try to call our other friends kung sino yung pwedeng sumundo saiyo.]" Ibinaba na niya agad ang tawag at gumilid na muna ako to wait for her call again.

Nag-titingin din ako ng mga taxi na dumadaan pero no result padin at puro may mga tao ang dumadaan. Kung minamalas ka nga naman talaga kung kailan kailangan na kailangan ko ay doon pa walang dumadaan na taxi o kaya naman ma-book na grab.

Wala pang limang minuto ay tumawag na ulit si Chi.

"[Girl, wala kala Patrick ang may kayang sumundo saiyo pero there is someone na mag-susundo saiyo diyan. San ka na ba ngayon?]" Tanong nito saakin pero napa-isip ako kung sino yung mag-susundo saakin ng hindi sila Patrick.

"Nandito ako sa may Gate 3." Sagot ko rito. Alam kong hindi nito ako papabayaan kung sino man yung sumundo saakin ngayon.

"[Girl, malapit narin siya ha. Mag-ingat ka. Then susunod ako saiyo sa ospital.]" Nag-paalam na siya.

"Thank you." Pasalamat ko rito pero tinawanan lang ako at binaba na nito ang tawag.

Ako naman ay nag-intay nalang dun sa taong mag-susundo saakin. Lumipas ang sampung minuto ay may nakita akong pamilyar na sasakyan kaya alam ko na agad kung sino ang susundo saakin kaya lumapit naman ako agad rito para makasakay na agad. At tama nga ang hinala ko kung sino ang driver.

Si Theo.

"Theo." Bati ko rito. Bumati din ito saakin pero hindi na ulit kami nag-salita. Tahimik lang kaming dalawa habang binabaybay namin ang daang papuntang ospital. Wala rin akong lakas ng loob na tumawag kala Papa kasi baka kung ano pa yung masabi saakin. Baka hindi ko kayanin.

Mabilis kaming nakarating sa ospital kahit yugn traffic ay sobrang tindi. Hindi na ako nagpaalam pa rito at dumiretso na ako sa loob. Hindi ko na ito napansin pa kung umalis na din ito.

Nag-dirediretso ako sa kwarto ni Mama at nakita ko si Kuya at mga Ate ko na naka-upo sa labas ng kwarto.

"Ate! Kuya!" Takbo ko rito at yinakap ko silang tatlo.

Pinaupo nila ako sa gitna ni Ate at Kuya. Tumutulo na din yung mga luha katulad ng mga luha nila Kuya at Ate.

"Kuya, kamusta na daw si Mama?" Naiiyak ko tanong rito habang nakatingin sa nakasaradong pintuan ng kwarto. Naglalabas masok ang mga tao sa loob ng kwarto pero hindi namin nakikita yung nasa loob kasi palaging may naka-babantay.

"Hindi parin namin alam. Wala saaming sinasabing bagong balita." Saad saakin ni Kuya.

Tahimik kami dito sa harapan ng kwarto at may narinig ako mga mabibigat na yabag ng paa. Kaya napatingin ako dun sa parating. Si Papa pala.

Tumayo ako agad nang makita siya at agad na yumakap rito, tumugon narin naman ito sa yakap. Umupo naman ito sa kanan ni Ate habang hinihintay namin yung balita saamin ng doctor.

Sabay-sabay kaming napatingin dun sa two pairs of footsteps na papalapit saamin.

Nang makita ako ni Chi ay agad itong lumapit saakin at lumuhod sa harapan ko para makita ako ng maigi.

"Do you heard anything na ba from the doctor?" Mahina nitong tanong saakin. Umiling naman ako sakanya bilang pag-sagot rito. Tatayo na sana siya pero pinigilan ko ito para hindi na niya abalahin pa yung doctor. Tumayo ako para lumipat dun sa isang free bench.

Doon ko lang napansin si Theo na nakatayo sa gilid. Nang makita ko siya ay kitang-kita ko yung emosyon na galing sa mga mata nito.

"Macie."

"Theo." Agad akong yumakap rito at doon na talaga tumulo yung luha ko.

Mahigpit ang mga ginawad na yakap nito saakin at pinapatahan ako nito.

"It's okay. It's okay." Bulong nito sa tainga ko. I took comfort dun sa body heat niya. Umupo ako sa tabi niya habang naka-yakap parin ito saakin, habang narin akong umiiyak ng tahimik.

Hindi ko na alam kung ilang minutong ganun ang pwesto namin pero napatayo kami ng marinig naming bumukas ang pintuan at lumabas yung doctor ni Mama.

"Doc, kamusta asawa ko?" Nag-hahalong pagka-kaba at relief ang naririnig ko sa boses ni Papa.

"I advice to say your goodbyes now. Hindi na po namin alam kung kakayanin pa ng katawan niya." Parang tumigil yung mundo ko nang marinig ko yung sinabi ng doctor.

Sabay-sabay ang malalakas na hagulgol namin dito sa hallway dahil maski alam naman na namin na maaring mangyari na ito at handa na kami. Pero nang marinig namin yung mga katagang iyon parang hindi pala namin kaya.

Iyak lang ako ng iyak sa balikat ni Theo, hindi rin ito nag-sasalita kaya naman laking pasalamat ko dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko rito.

Umunang pumasok si Papa at Kuya. Buti na rin na umuna na silang pumasok dahil hindi ko alam kung paano ko aayusin ang sarili ko para hindi ako makita ni Mama sa estado kong ito. After lumabas ni Papa at Kuya na may mga bakas ng luha ay pumasok na din sina Ate. Mahuhuli na ako at mas prefer ko naman ito dahil ayaw kong may makikita saakin na mag-break down.

Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas sina Ate na tumutulo ang kanilang mga luha kaya naman ay tumayo ako agad. Papalapit na ako sa pintuan ng hinawakan ni Theo yung kamay ko kaya naman napatingin ako sakanya.

"Bakit?" Teary-eyed kong tanong rito at wala nitong salitang inabot saakin yung panyo niya. Tumango naman ako dahil naintdihan ko ang gusto nitong sabihin saakin. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at nakita ko si Mama na naka-higa pero naka-tingin ito saakin na may maliit na mga ngiti sa labi nito.

"Mama!" Lumapit ako rito agad habang umiiyak ng todo.

Unti-unti narin akong nahihirapan na huminga parang napuputol yung hininga ko.

"Macie, it is okay." Tahan nito saakin pero hindi parin ako mapatigil sa pag-iyak. Nang kumalma na ako ng unti ay doon na nag-salita si Mama.

"Anak, pasensya na ha. Mahina kasi si Mama at hindi ko na kasi kaya labanan pa." Unti-unti nang tumutulo ang luha ni Mama at patuloy lang ito sa pag-hingi ng pasensya. Umiiling ako bilang senyales na ayaw ko na itong marinig pa.

Yakap yakap ko lang ito ayaw kong bumitaaw sakanya kasi baka kapag humiwalay ako ay bigla nalang itong mawala na. Hindi ko kakayanin.

"Anak, Macie Anne Escolanda. I am so proud of you no matter what happens." Mahina nitong saad. Pag-kasabi nito ay unti unti itong lumuwang yung pagkaka-hawak nito sa kamay ko at narinig ko yung mga tunog nung machine ni Mama.

"MAMA! MAMA!" Nag-wawala ako sa loob ng kwarto habang malakas na umiiyak. Mabibilis ang lakad takbo nung mga nurse and doctor. Pinalabas ako at bumalik ako sa yakap ni Theo habang hinihintay namin kung ano ang sasabihin ng doctor.

Nang lumabas ang doctor para kausapin kami ay doon gumuho ang mundo ko.

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now