Chapter 26

29 2 0
                                    

Isang linggo na akong nandito sa lang sa ospital. Napag-usapan narin namin kasi ni Kuya Allen na wag na muna naming ipa-discharge si Poppy because of her chemotherapy. When Poppy first heard about her condition, hindi pa nito naiintindihan kung ano ang nangyayari. Ang alam lang niya ay may mali na sa katawan nito at kailangan niyang magpa-galing.

Pabalik-balik na din sina Kuya Maki at Kuya Allen dito sa ospital. Yung mga oras na kailangan kong pumasok sa trabaho ay isa sakanila ang pupunta para sila na ang mag-bantay. Kung hindi naman sila ang pwede ay si Ate Kayla ang pumupunta. Hindi parin alam ng mga kapatid ko na may sakit si Poppy. Ayaw ko rin kasing ipasabi sakanila kung ano ang nangyayari dahil wala naman silang obligasyon saaming mag-ina. Simula nung kumampi sila sa Papa naming nung mga oras na kailangan ko sila ay wala narin akong contact sa kanila.

Limang araw simula nang ma-test kami nina Chione para sa living donor transplant at ngayon namin malalaman kung nag-mamatch kami.

"Macie, we can now talk to the doctor." Inaya na ako ni Chione papuntang doctor's office. Pwede naming maiwan si Poppy sa kwarto niya dahil meron namang nurse na pwedeng mag-bantay rito. Mostly tulog rin ito dahil nagpapahinga ito para sa una niyang session for chemotherapy the next day.

Sasabihin na kasi ang balita saamin if we are match. Nagmamadali kaming bumaba dahil marami pa saaming naka-sunod. Nag-hintay kami ng mga ilang minuto pa dahil meron pang kausap sa loob ang doctor ni Poppy.

"Good afternoon, po." Bati naman dito. Halos manginig na ang mga kamay ko dahil sa sobrang kaba na hindi ko rin mawari ang sarili ko.

"Good afternoon." Bati nitong pabalik saamin. Binigyan naman kami ng maliliit na ngiti ng mga doctor at nurse na kasama namin sa kwarto.

"Doc, anong balita doon sa test namin. Can we donate our liver?" Agad kong tanong rito. Hindi na kasi ako makapag-hintay. Gusto ko na agad itong malaman.

Biglang sumeryoso ang mukha nito. Hindi ko rin mabasa kung ano ang iniisip nito kaya hindi ko rin alam kung ano ang ieexpect ko.

"Ma'am, I am very sad to say that you and Miss Uy is not compatible to donate for Miss Poppy." Seryoso nitong sagot saakin.

Parang bumagsak ang buong mundo ko nang pumasok na sa utak ko kung ano ang sinabi nito saamin. Naramandaman ko agad ang kamay ni Chione na hawak ang kamay ko para kumalma ako. Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin na sunod.

Unti-unting bumabagsak na ang aking mga luha dahil narin sa hindi ko na ito mapigilan pa.

"Doc, anong pwede naming gawin?" Halos hindi na lumabas ang mga katagang iyon sa lalamunan ko.

"Ma'am, as informed in the medical records. It is only said here that you and Miss Uy are the only ones tested. Maybe you still have other relatives that are willing to donate for Miss Poppy. According to this record, only the mother is registered. Maybe we can ask the father to take a test and if he is willing also to donate some part of his liver. " Suhestyon nito saakin. Tumango naman ako sa suhestyon nito dahil alam ko narin sa sarili ko na wala na akong ibang choice kung hindi ay kausapin ang ama ni Poppy if he is willing.

Nagpasalamat na kami sa doctor at sa mga nurses sa kwarto upang bumalik sa hospital room ni Poppy. Gusto ko rin kasing kausapin na sina Kuya para sa susunod kong mga hakbang.

I also want to talk to Poppy about her condition and I want her to understand what is really happening. What am I going to do and what are the other people going to do for her.

Mabilis naman dumating ang dalawa kong Kuya after ko silang matawagan na nakuha ko na ang results ng tests namin ni Chione. Umalis narin muna si Chione para dahil narin malapit ng mag-gabi at walang kasama si Zoe sa condo nito.

"Anong sabi ng doctor?" Nagmamadaling tanong saakin ni Kuya Maki, pagkaupong pagkaupo nila.

"Diba Chione and I tested for the organ donation. Hindi kami nag-match." Mahina kong kwento sa mga ito. Napasinghap ang mga ito sa narinig nila.

"Kung kailan naman talaga natin kailangan itong katawang ito, ngayon pa tayo di nakiki-ayon." Naiinis na saad naman ni Kuya Allen. Alam ko naman na gusto rin nilang magpa-test for organ donation pero alam naman naming di sila pwedeng dalawa.

"Alam niyo naman na may mga body complications kayo diba. Kaya hindi kayo pwedeng mag-donate." Malungkot kong saad rito. Kasi kung wala itong mga sakit ay malamang sa malamang ay marami kaming naka-test.

"Si Ate Kayla mo kaya?" Nagulat ako sa suhestyon ni Kuya dahil ang alam ko ay hindi rin pwede si Ate Kayla.

"Kuya... Ate Kayla is pregnant with your child kaya tigilan mo ako. Makakasama kay Ate kung mag-dodonate ito ng organ niya." Saad ko rito. Alam ko naman na nasabi lang iyon ni Kuya dahil narin sa kagustuhan lang nitong um-okay si Poppy. Parang narin kasi itong sariling anak.

"What about Poppy's dad?" Mahinang tanong ni Kuya Maki, para narin iwas na marinig ni Poppy ang sinasabi namin.

"That's what I want talk to about. Hindi pa ako sigurado kong kakausapin ko yung dad ni Poppy or what. Suggestion rin kasi ng doctor to ask the father if he is willing to test for compability." Halos bulong ko ng kwento sakanila.

"Nasaan na ba ang ama ng anak mo? Hindi ba dapat nandito siya ngayon!" Nang-gigilait na tanong ni Kuya Maki.

Sa totoo lang ay hindi alam pareho ng kapatid ko kung sino ang ama ni Poppy dahil nadin sa hindi ko sinasabi. Maski mga kaibigan ko ay walang formal confirmation kung sino ang ama , puro haka-haka lang ang meron sila. Halos si Chi lang din ang may malapit na alam, edi bale maski si Ethan ay alam na rin.

"Kuya, hindi ko nga alam kung paano ko sakanya sasabihin na may anak na siya. Kasi all along ang alam niya ay single pa siya na walang anak. Na hawak niya pa ang buhay niya. Kapag nalaman na niya ay baka matakot siya. Pero sino naman ang hindi diba, imagine may anak ka na nga, may sakit pa ito na hindi mo na alam ang gagawin mo sa sarili para lamang gumaling ito." Nalulungkot kong saad sa mga ito.

Hindi sila agad nakasagot saakin. Siguro narin ay hindi nila alam kung ano ang sasabihin nila to comfort me. Hindi ko namalayan na bigla nalang tumayo si Kuya Maki mula sa upuan niya at hinatak ako palabas ng kwarto. 

"Kuya, bakit?" Di ko napagilang mag-tanong rito. Bigla-bigla kasi ang pag-hatak nito saakin. 

"Do you ever regret not getting the abortion?" Napatigil ako sa narinig ko kay Kuya Maki. 

When I first found out that I am pregnant, I am actually weighing on getting an abortion even if it is illegal here in the country. Cause for one, I do not know what am I going to do when I am still a student and badly broke. Buti nalang ay kasama ko ang mga lalaki kong kapatid at sina Alice and Chione. Kasi kung hindi baka hindi na nasilayan ni Poppy ang mundong ibabaw. 

"No, and you know it why. Poppy had been my saving grace when she first got born. She made all the dull colors into these beautiful popping colors." May maliit na ngiti ako nang sinasaad ko ito. 

Tumango naman ito sa narinig niya mula saakin. "Then, make the decision fast because your daughter needs that liver." Pagkasabing pagkasabi nito ay umalis narin ito at hindi na pumasok pa sa loob. Natawa ako sa antics ng kapatid ko. Nang hindi ko na ito makita ay agad narin akong pumasok sa loob ng kwarto. 

"Nasaan na si Kuya?" Nagulat siguro nang wala na akong nakasunod saakin. 

Tumawa naman ako dito. "Umalis na." Kaya naman ay napatawa na rin ito. 

"Mama?" Napangiti ako kaagad kay Poppy. 

"Hi, baby! How's your nap?" Malambing kong tanong rito. 

"Okay lang! Pero Mama, gusto ko ng umuwi. Gusto ko na sa bahay nalang." Biglang lungkot nitong saad nito saakin. Kaya naman ay maski ay nalungkot sinaad nito. 

"Ganito baby. Naalala mo si Lolo Karl next door, he always need to go to the hospital to treat something. Ganun din yung sayo, may mali kasi sa body mo so kailangan natin siyang pagalingin." Seryoso kong sagot rito. Ayaw ko kasi itong biglain sa mga information na masyadong mabigat. 



Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now