Chapter 11

37 2 0
                                    

"Hello Tita." Narinig ko yung boses ni Alice sa pintuan kaya naman napatingin agad ako sakanya. "Ay tulog pala si Tita." Tawa nito nang mapansin niyo hindi naman gising si Mama.

"Girl, friday palang ngayon. Hindi ba ang sabi mo sasabay ka nalang kay Chi kapag may oras ka na?" Tanong ko rito nang maka-upo na ito sa tabi ko.

Kinuha ko yung dala niya prutas at inilagay ko dun sa maliit na dining table.

"I have something to do na kasi next week. Lalo na finals week na. Ayaw nila Mommy na umalis pa ako ng finals week na." Sagot nito saakin. Kumuha ako ng soda sa loob ng refigerator para sana ibigay kay Alice pero tumanggi ito.

"Nakakausap mo ba si Chi? Hindi ko pa kasi nakakausap simula nung birthday mo." Curiosado kong tanong rito. Totoo namang hindi ko pa siya nakakausap ng matino except nalang nung nagkasalubong kami.

Kumuha naman ito nung chips na kinakain ko bago ito sumagot saakin.

"Well, busy siya sa mga papers na kailangan niyang tapusin. Also nag-sisimula narin ata yung thesis writing niya kaya hindi narin masyadong ma-contact." Sagot nito saakin.

Umupo ako sa harapan niya while kumakain nung dinala niyang mansanas.

Napaisip ako dun sa sinabi niya. "kung hindi mo siya ma-contact then paano mo nalaman yan?" Hindi ko napigiligan na itanong rito.

"Kanino ko pa ba malalaman iyon edi dun sa taong palagi niya kasama." Natatawa nitong sagot saakin kaya naman ay natawa din ako kasi isang tao lang naman ang palagi nitong kasama at si Ethan yun. "Girl, may problem ka ba ngayon?"

Napatingin ako agad sakanya dahil sa narinig ko.

"Huh?"

"What I mean is, baka may mga na-encounter ka na bagay na nahirapan ka pero hindi mo saamin sinasabi." Dahilan nito saakin.

Napatahimik ako dun sa sinabi niya. Nakatingin lang ito saakin at maski ako kay nakatingin lang din sakanya. Pero alam ko naman na she won't give me her pity dahil lang sa nangyayari saakin.

"Baka mawalan ako ng scholarship kung hindi ako kikilos sa finals ko. Sabi nila masyado na daw akong behind compare dun sa iba pang scholars na kaklase ko. Alam mo naman na hindi ako pwedeng mawalan ng scholarship kasi ayun lang din naman yung inaasahan ko." Kwento ko rito. Pagka-tingin ko rito ay seryoso ang mukha nito.

"So, it means if ever na hindi mo makuha yung scholarship for the next sem ay titigil ka muna?" Dahan dahan nitong tanong saakin. Tumango naman ako dun sa sinaad niya dahil ayun talaga ang mangyayari. "Then what's your plan?"

Nagkabit-balikat naman ako sakanya dahil maski ako ay hindi ko alam kung ano yung gagawin ko.

Nag-stay pa siya ng mga ilang minuto bago ito tumayo para umalis na din since may gagawin pa daw siya after nito. Hindi ko narin ito hinatid sa baba dahil walang kasama si Mama.

Palabas na dapat ito ng bigla itong lumingon saakin.

"Mace, sagutin mo daw tawag ni Theo." Hindi pa man ako naka-react ay umalis na din ito agad na parang wala lang siyang sinabi. Totoo kasi na hindi ko sinasagot yung mga tawag o text ni Theo. Hindi ko rin alam kung bakit.

Nag-ring ulit yung phone ko and si Theo nanaman yung tumatawag. Kaya naman dahil sa sinabi ni Alice ay sinagot ko na ito.

"[Finally! You answered!]" Parang nakikita ko yung ngiti mula sa mukha niya.

"Hello." Mahina kong bati rito.

Nag-pakawala muna ito ng buntong hininga bago ito nag-salita.

"[Why are you not answering your phone?]" Demand nito saakin. Biglang-bigla yung pag-palit nung tunog ng boses niya.

"Naging busy kasi." Palusot ko pero rinig na rinig ko yung pag-snort niya sa narinig niya galing saakin. Alam kong hindi ito naniniwala sa sinabi ko kasi maski ako ay hindi rin makapaniwala sa sinaad ko.

"[Kamusta na yung Mom mo?]" Biglang tanong nito after a long silence.

Nagpakawala ako ng buntong hininga at tumingin muna ako kay Mama na natutulog.

"Ganun pa din." Maikli kong sagot rito. Hindi ko na masyado dinetalye yung kwento ko dahil hindi ko alam kung bakit ko pa ito sasabihin sakanya.

"[Gusto mo bang mag-dala ako ng food dyan? I can do it like right now or in an hour.]" Napatilig ako sa sinaad niya saakin mula sa kabilang linya. Hindi ako agad naka-sagot sakanya.

"[Or I can ask Patrick to bring you food. Baka hindi ka na nakaka-kain ng maayos.]" Suhesyton nito saakin. Doon na ako natauhan pa.

"Bahala ka sa gusto mong gawin." Nag-paalam na ako agad rito at pinatay ang tawa.

"Anak, sino iyon?" Gulat kong napatingin kay Mama na ngayon ay nakatingin na saakin.

"Ma, gising ka na pala." Tayo ko at lumapit sa kama niya para ayusin yung kama niya.

"Macie, sino nga iyon?" Ulit nito saakin.

"Friend ko Ma." Hindi ako tumitingin rito at patuloy lang sa pag-ayos ng gamit niya.

"Si Theo ba iyon, yung kaibigan mong nag-hatid saatin sa bahay?" Diretsong tanong nito kaya naman napatitig ako sakanya.

"MA!" Tumaas yung boses ko rito kasi baka biglang may pumasok marinig pa yung mga sinasabi nito.

"Hija, dati din ako ganyan. Alam na alam ko na yung mga ganyang galawan ng lalaki. Ganyang ganyang ang Papa mo saakin nung nanliligaw pa lamang ito. Kaya sinasabi ko iyan si Theo na kaibigan mo. Naku, may gusto iyon saiyo." Tumawa naman ako ng mahina sa sinabi ni Mama kasi kung ano-ano yung lumalabas sa bibig nito.

"Sino si Theo?" Napatingin ako sa likuran ko at si Papa yung lumantad.

"Pa! Akala ko ba mamaya ka pa po?" Tumaas yung boses mula sa dapat na normal kong lakas ng boses.

"Ma, sino si Theo na sinasabi mo?' Direktang tanong nito kay Mama. Napatitig ako kay Mama at sumesenyas na wag nitong sabihin pero wala e'

"Si Theo, yung kinekwento ko saiyong kaibigin nito ni Macie. Yung nag-hatid saamin galing sa ospital." Saad nito at napatigil ako sa narinig kong "kinukwento" dahil hindi ko alam na sinabi pala ni Mama kay Papa iyon.

"Anak, kaibigan mo ba ito?" Tanong nito saakin pero nagkabit-balikat lang ako rito dahil maski ako ay hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Pa, feeling may gusto si Theo sa anak natin." Kwento pa nito kaya naman ay sinamaan ko ito ng tingin.

"Ma naman." Grumble ko rito kaya tumawa lang ito ng malakas at maski si Papa ay naki-tawa nadin sa expression ko.

Dahil nandun na din Papa ay nag-paalam na din ako at lalabas na muna ako para humanap ng isang coffee shop para uminom ng kape doon. Bumaba na muna ako dinala ko narin yung laptop at isang note pad para gawin ko rin video na dapat kong tapusin sa pag-edit then papasa ko ito para makita kung may babaguhin pa rito.

Nag-order ako ng isang large size ng Iced Americano para gising na gising ako throughout the time na mag-eedit ako. Medyo nahirapan ako sa pag-bawas nung background noise pero wala naman ako masyadong naging problema.

Siguro mga ilang oras pa ako tumagal sa coffee shop at naka-ubos ako ng isa pang large size ng Iced Americano at isang order ng isang pesto pasta. Umakyat na din ako after kong masave yung file at sa room na ni Mama ako mag-aayos pa nung iba. Lalo na yung mga subtitles niya.

Be For You and Me (Friends Series #2)Where stories live. Discover now