Chapter 22:

14.8K 334 6
                                        

Aubrey's POV:

Nasaktan si Elise ng dahil sakin. Kasalanan ko lahat ng ito. Kailangan kong gumawa ng paraan kung paano ko sya mailalabas sa lugar ito.

"Elise." tawag ko sa kanya. May nagbubukas na naman ng pinto. "Dyan ka lang sa likod ko." dagdag ko pa. Humawak lang sya ng mahigpit sa damit ko.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto, tumakbo agad palapit samin yung tatlong lalaking kidnappers. "Bitawan nyo ko! Wag nyong hawakan si Elise!" Sigaw ko sa kanila.

"Aubrey... Aubrey.." Sigaw ni elise habang umiiyak. Iniupo nila si Elise sa isang upuan at iginapos siya doon. Ang kamay at paa nya ay mahigpit na itinali ganun din ang katawan nya para di sya makaalis sa upuan.

"Elise. Sshhhh. Wag kang umiyak. Pangako, ilalabas kita dito." Mahinahon kong sabi sa kanya, nasasaktan ako sa tuwing umiiyak sya at nasasaktan. Tumango na lang sya sakin, punong puno ang mga mata nya ng takot at pangangamba.

Hawak ako ngayon ng dalawang kidnappers sa makabilang tabi. Nagpupumiglas ako pero lalo lang nilang hinihigpitan yung kapit nila sa akin.

"Si Elise o ako?" Biiglang sambit ni sarah pagkapasok nya sa pintuan. "Pumili ka Aubrey." dagdag pa nya. Habang lumalapit sya kay Elise.

"Si Elise. Hinding hindi magbabago ang sagot ko kahit anong mangyari!" Sigaw ko sa kanya.

"Tingnan natin." May sinenyas sya dun sa dalawang kidnapper na nakahawak sakin. "Ikaw ang nagbibigay lalo ng dahilan para gumamit ako ng dahas." dagdag pa nya.

Hinigit ako ng dalawang kidnappers papunta sa poste at itinali. Pagkatapos nun iniwan na nila ako at lumapit kay Elise. Tumango sa kanila si Sarah na para bang may inutos sa kanila. "A-anong gagawin nyo sa kanya?!" Sigaw ko.

"You leave me with no choice, Aubrey." nakangiting sagot ni sarah.

"Aubrey.." sigaw ni Elise bago lumapat sa kanyang katawan ang bawat suntok at sipang pinapakawalan ng tatlong kidnappers. "ah!----.. ugh!.." Yun lang ang paulit ulit kong naririnig kay Elise.

"Wag! Tigilan nyo na yan.. Para nyo ng awa. Wag- wag nyo syang saktan!" Pagmamakaawa ko sa kanila habang umiiyak.

"Tigil!" Sigaw ni sarah. Agad namang humito yung tatlo sa pambubugbog kay Elise. Nakatungo na lang ngayon si Elise, umaagos yung dugo galing sa kanang parte ng noo nya. "Magdesisyon ka na, Aubrey." sabi ni Sarah habang humahakbang papalapit sakin. "Ako, o sya?" dagdag pa nya.

"Elise." Sabi ko. Ngumiti lang si sarah at sumenyas muli sa mga kasamahan nya. Sinimulan na naman nila na sipain at suntukin si Elise.

Thud! Bumagsak na yung upuan kasabay ni Elise. Nababalot na yung braso nya ng sugat, at ang maamo nyang mukha ay napupuno na ng dugo na nagmumula sa noo at likod ng ulo nya. "Tama na. Pakiusap." Umiiyak kong pagmamakaawa. "Sarah. Itigil mo na to. Pakiusap." dagdag ko pa.

"I love you, Aubrey. Just chose me and I'll stop this shit." Nakayap sakin ngayon si sarah. Pero patuloy pa rin sila sa pagpapasakit kay Elise.

"Stop them. And I'll do what you want. Just please. Stop hurting Elise." Sabi ko kay Sarah.

"Let her go." Utos ni sarah sa tatlo nyang kasamahan. Agad naman silang lumayo mula sa walang malay na si Elise. Hindi ko na kayang makita syang masaktan pa ng dahil sakin.

"Loosen me from this tie sarah and i'll come with you." mahinahon kong sabi kay sarah.

Agad naman nyang tinanggal yung tali sa kamay at paa ko, ganun na din yung nasa katawan ko. "Can I atleast say goodbye to her before I go to hell?" Dahil para na din akong nasa impyerno kapag kasama ko si sarah.

"Its heaven Aubrey. Heaven." Sabi nya tapos hinalikan nya ko. Di ako tumugon sa mga labi nya, dahil si Elise lang ang gusto ko. Inilayo ko sya sakin para lapitan si Elise.

Bawat hakbang na ginagawa ko papalapit sa nanghihina at sugatang si Elise, di ko mapigilan na lalong umiyak. Para akong sinaksak ng paulit ulit nung makita ko yung mukha nyang duguan at sugatan, pero nakuha pa nyang ngumiti ng makita nya ko. "A-aubrey.." sabi nya.

"Elise.. Sorry, dahil sakin nangyayari to sayo ngayon. Patawarin mo ko sa desisyon na gagawin ko, para to sa kaligtasan mo. Mahal kita Elise." Then I kissed her.

"Wag.." bulong ni Elise. "a-ayos lang ako, wa-wag kang sa-sama sa knya." dagdag pa nya, umiiyak sya siguro dahil sa sakit ng katawan at nararamdaman nya ngayon. Hindi ko kaya.

"Sarah. Hindi ko kayang sumama sayo." Sigaw ko. "Mahal ko si Elise. Sya lang yung gusto kong makasama, hindi ikaw o kahit na sino pa!" 

Napuno ng galit ang mata ni Sarah matapos kong bitawan ang mga salita na yun. "Kung kailangan kong burahin sa landas ko si Elise para lang piliin mo ko, gagawin ko Aubrey." Sigaw nya, tapos dinukot nya yung baril na nakalagay sa likod ng isa sa mga kasamahan nyang kidnappers at agad na itinutok sa direksyon namin ni Elise.

"Nababaliw ka na Sarah!" Sigaw ko sa kanya.  Pinapanood lang kami ng mga kasamahan nya na nakatayo sa tabi nya. "Ibaba mo yang baril. Walang magandang idudulot sayo ang mga nangyayaring ito sarah. Pakiusap." sabi ko.

"No! I'll do anything just to have you, Aubrey." Sigaw nya. Nanginginig yung mga kamay nya habang hawak yung baril. Lumapit sakin yung isang kidnapper at hinigit ako palayo kay Elise at palapit sa tabi ni Sarah. 

"Please Sarah. Don't do this, I'm begging you." Pagmamakaawa ko habang hawak ako sa likod ng isang kidnapper sa tabi ni sarah. 

"No." Sigaw ni sarah, Itutuon na nya yung daliri nya sa gatilyo kaya ibinuhos ko na lahat ng lakas na meron ako para makawala sa pagkakahawak nung kidnapper.

"Stop!" Sigaw ko habang nakikipag-agawan ng baril sa kanya. Natumba na si Sarah dahil sa pang-aagaw ko sa kanya. Lumayo samin yung tatlo nyang kasamahan dahil natatakot sila na baka matamaan sila ng bala kapag aksidenteng pumutok yung baril dahil sa pag-aagawan namin.

*shoot!* beng! 

Nagkatitigan kami ni sarah parehas kaming nagulat sa biglang pagputok ng baril.

*Police Sirens* 

"Pulis!" Sigaw ng mga kasamahan ni Sarah. Dali dali nilang hinigit si Sarah palabas para tumakas, pero bago nila magawa yun, sinalubong na agad sila ng mga armadong pulis. Lahat sila lumuhod at inilagay yung mga kamay nila sa likod ng ulo nila. 

Elise! Naalala ko si Elise na nakahandusay at nanghihina sa likod ko. Lumingon ako bigla para makita sya, nakaupo na ulit sya, tanggal na din yung tali sa katawan nya sa tulong ng mga pulis, lumalapit sya sakin. Tatayo na sana ako para lapitan sya nung biglang kumirot yung kanan kong dibdib. "ahhhh!" Sigaw ko. Dugo. Puro dugo na yung kamay ko na pinanghawak ko sa dibdib ko.

"A-Aubrey! May tama ka." Kahit sobrang nanghihina na sya, duguan at sugatan, pero nagawa nyang tumayo ng mabilis at tumakbo papunta sakin. Inihaga nya ako sa hita nya habang hinahawakan yung part ng dibdib ko na may tama para tumigil sa pagdurugo.

Wala na akong marinig, Lahat ng nakikita ko sa paligid bumabagal ang galaw, kahit yung bibig ni elise. May sinasabi sya na di ko marinig, lumalabo na yung paningin ko pero nakikita ko pa din yung mga luha nya na patuloy na umaagos sa pisngi nya. Gusto kong punasan ang mga yun, at sabihin na okay lang ako pero di ko nagawa.

"Elise..." Nakangiti kong binanggit yung pangalan nya dahil alam kong ligtas na sya bago ako nawalan ng malay.

--

A/N: I'm working for the last chapter. Sana nag-eenjoy kayo. Thank you. :) xoxo

Ms. Famous(GXG)Where stories live. Discover now