Chapter 14:

15.7K 397 9
                                        

Aubrey's POV:

"Hmmmm.." Ang sarap umunat pagkakagising sa umaga. Teka. Bakit wala na si Elise?

Bumangon agad ako para hanapin sya, "Elise?" Walang sumasagot. Pagpunta ko sa kusina, may iniwan syang note sa may refrigerator.
"Hey. There's a pancake in the table. I need to go to school first. I don't want to wake you up so I didn't mind to say goodbye personally. See you around. -Elise"

8:35 na. 9:15 start ng klase ko.

Dali-dali akong kumain at naligo. 9:00 na. "I only have 15 mins. I need to take scoopy with me." Bulong ko.

Saktong dating ko sa naka assigned na rom ng klase namin, dumating na din yung professor namin. Buti na lang di ako late. Pero sabi nga nila, better late than absent.

Natapos yung 2 units ko ngayon ng mabilis. 3pm na, ichecheck ko lang muna yung mga ginagawa ng mga ka dept. ko. Pagpasok ko sa gym, si Elise agad yung una kong nakita. Tatawagin ko na sana sya kaso pinigilan ko yung sarili ko, nandito din kasi si Sarah. Masyado syang obsessed sakin, minsan nga nakakatakot na sya eh. Engineering student sya, ewan ko lang kung bakit sya nandito? No choice tuloy ako kundi iwasan si Elise, pero nung nagtama yung tingin namin nginitian ko sya di ko kasi mapigilan eh.

Tumutulong ako ngayon sa pagpili ng design na idedecorate sa stage. Nagulat ako nung may biglang umakbay sakin. "S-sarah.."

Nakangiti sya sakin, nakakainis sya. Feeling close kasi masyado. "Hi. Tumango lang ako, hinayaan ko na lang syang umakbay, ayokong makipag-usap sa kanya. Napalingon ako kay Elise, medio malungkot yung mukha nya, siguro pagod lang sya?

--

Elise's POV:

Nandito ako ngayon sa gym, napansin kong wala pa sya. Ilang minuto lang yung lumipas nung narinig ko si Sarah, "Aubrey". Lumingon ako para makita sya, ngumiti lang sya nung nakita nya ko. Iniiwasan nya talaga ako. -_-

Tumutulong ako sa pagpili ng motive na babagay sa stage, napalingon ako nung narinig ko yung boses ni Aubrey para kasing nagulat sya. Paglingon ko, para akong sinampal. Nakaakbay sa kanya si Sarah, di man lang nya tinatanggal yung kamay nun sa kanya. Masyadong masakit yung nakikita ko kaya binaling ko na lang sa iba yung tingin ko. "Siguro sya yung tinutukoy nya." Bulong ko.

Naririnig ko silang dalawa na nagtatawanan. Nahihirapan ako magfocus sa ginagawa ko, gusto ko silang lingunin kaso ayokong masaktan. 'Nagseselos ka' Of course not. Why should I? 'Kasi hindi mo lang sya gusto' Bakit? Ano ba dapat? 'Mahal mo na sya' No. No. No. 'Yes. Yes. Yes' Nagtatalo na naman ako at ang isip ko. Shit!

Ang bigat ng pakiramdam ko, feeling ko sasabog ako. Hindi ko kayang marinig na masaya silang dalawa, nasasaktan ako.

Kinapa ko yung key duplicate na binigay sakin ni Aubrey sa bulsa ko. Binigay nya sakin to para makapasok daw ako sa loob ng bahay kapag mauuna akong umuwi. "Uuwi na ko. Hindi ko kayang magtagal pa dito." Bulong ko sa sarili ko. Nagpaalam na ako kay sir. Garcia, pero bago ako umalis isang malaking pagkakamali ang lumingon para tumingin kay Aubrey. Nakita ko lang kung gaano kasweet sa kanya si Sarah. Pagkakita ko sa kanila, lumabas na agad ako.

10mins lang yung nilakad ko bago makarating sa bahay ni Aubrey. Naisip ko na magluto agad para makakain sya agad pagdating nya. Siguradong pagod sya sa dami ng inaasikaso nya. 'Kasama na ba dun sa inaasikaso nya si Sarah?' Sabi ng isip ko. "Oh shut up!"

--

Aubrey's POV:

"Corny sarah.." Sabi ko sa kanya. Nagbibigay kasi sya ng sweet punchlines sakin. Nakakainis na.

Ms. Famous(GXG)Where stories live. Discover now