Chapter 4:

26.9K 643 25
                                        

Aubrey's POV:

Off namin ngayon pero kailangan ko pa din pumasok para tumulong sa gaganaping event sa school next week. One representative per course ang kailangan under ng CIT. Ibig sabihin 8 representatives ang meron kami.
Boring na araw to.

Mini scooper ang ginagamit ko pag napasok madali kasi akong pagpawisan sa paglalakad saka baka kasi may mga bilhin kaming gamit mamaya sa props na gagawin o kaya utusan ako ng mga head teachers.
Pagdating ko sa TUP, 7 pa lang kami. 30 mins. na ang nakalipas kulang pa din kami.

"Okay guys. Simulan na natin to para matap --" di ko na natapos yung sasabihin ko ng makita ko si Elise, mukha syang pagod at hinihingal habang nakahawak sya sa tuhod nya at bumabawi sa paghinga.

Itinaas nya yung kanang kamay nya. "S-sor-ry I'm late." Nag-aalala ako sa kanya kasi mukhang nahihirapan syang huminga. Di ko na napigilan ang sarili ko at dali dali akong tumakbo papunta sa kanya.

"Ayos ka lang ba? Ikukuha kita ng tubig kung gusto mo. Sag--" naputol yung sasabihin ko nung hinawakan nya ko sa balikat at tumingin sa mata ko. Alam nyo yung feeling na, pag titingin ka sa mata ng taong gusto mo, feeling mo may sasabog na kung ano sa dibdib mo? Yun na yun yung nararamdaman ko ngayon.

Ngumiti sya sakin. "Okay lang ako. Napwersa lang ako sa pagtakbo."

"O-okay. Sigurado ka?" Tumango lang sya at tumayo ng ayos. Binaling ko na lang yung atensyon ko sa kasamahan namin para di nya mahalata na natutulala ako sa kanya.

"Okay. Siguro naman naibigay na sa inyo ni Sir. Garcia kung saan kayo naka-assign? Sino sa inyo yung gumawa ng design para sa society shirt? Sum--" naputol na naman yung sasabihin ko nung makita ko si elise na tumataas ng kamay. Okay. Sabi ko iiwas ako, dios mio!

Wala akong magagawa, ayaw ng pagkakataon na iwasan kita. "Sumama ka sakin, pupunta tayo sa shop para makapagpagawa na tayo. Nasayo na ba yung listahan kung ilan yung gagawin? Saka yung sizes?"tanong ko sa kanya.

"Yap!" Sabay abot sakin nung listahan.

"Okay. Tara na. Para makabalik tayo agad." Nauuna akong maglakad sa kanya, dinaanan ko lang yung isang helmet na inihabilin ko sa guard at inabot sa kanya. "Suotin mo yan."

"H-huh?" Oo nga pala. Akala siguro nya malapit lang yung pagawaan. Hahaha

"Isuot mo yan kasi iaangkas kita. Malayo layo din yung pagawaan ng t-shirt e." Napakamot ulo na lang ako. Iaangkas ko sya, paano?

Kinuha ko yung susi sa bulsa ko, una akong naupo tapos sya nakatayo pa din sa tabi ko. Mukhang di alam ang gagawin.a "Sakay na." Hinigit ko yung kamay nya.

Pagkaangkas nya. Isinuot ko sa kanya yung helmet, tinanggal ko yung salamin nya para sumakto sa kanya. "Marunong ka bang umangkas?" Tanong ko sa kanya.

"H-hindi e. First time ko lang na aangkas." Patay!

"O-osige. Ganito na lang. Humawak ka sakin para di ka malaglag. Okay?"

"Sige. Okay."

Nakahawak lang sya sakin ng parang takot na takot akong hawakan. Binabagalan ko lang yung takbo kaso di kami makakarating agad dun kung ganito kami kabagal. "Humawak ka.."

Binilisan ko yung pagpapatakbo. Nakayapos na sya sakin ngayon. Nararamdaman ko yung kaba nya mula sa likod ko. Focus aubrey. Nagmamaneho ka. Sabi ko sa sarili ko.
47mins. din syang nakayapos sakin ng mahigpit hanggang sa makarating kami dito sa pagawaan.
Tinanggal ko yung helmet sa kanya at isinuot ko ulet yung salamin sa kanya.

"Alam mo, mas bagay sayo ang hindi nakasalamin." okay, di na nakapagpigil ang bibig ko. Nakita kong namula ang pisngi nya. napaka cute nyang tingnan kaya napangiti na lang ako. "Tara na?" 

"Magandang umaga. Anong maipaglilingkod ko sa magagandang dalagang ito?" Bati ni kuya george. Kilala ko sya kasi suki na kami dito, kilala na nga nya ko eh. 

Inabot ko sa kanya yung listahan, tumatango sya habang tinitingnan yung design. "Ang simple pero napaka meaningful nung design." sabi nya. 

"Mga ilang araw po kaya bago yan matapos? may event po kasi kami next week, kailangang kailangan na po namin." tanong ko sa kanya habang nakasandal ako sa counter.

Nag-isip pa muna sya bago magsalita, "Friday ngayon kaya siguro pipilitin namin na matapos to ng thursday." 

"okay na po yun kuya george, kukunin namin yan ng mga friday. Okay ba yun sayo Elise?" tanong ko kay kuya george tapos nilingon ko si Elise.

Napaisip pa sya bago sumagot, "hmm. okay. pero masyadong madami yan para i-pick up natin gamit yung scooter mo." 

"oo nga no. hmm." 

"Ako na bahala kung paano natin yan mapipick up." sabi nya habang nakangiti. "Off naman namin pag friday kaya sabihan mo na lang ako pagkukunin na natin." dagdag pa nya.

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. "Okay. Kausapin mo na lang muna si kuya george para sa kulay na gagamitin."

Pumasok kami sa loob ng opisina ni kuya george. Inabot nya kay elise yung colors brochure. Hinayaan ko lang sila na mag-usap habang nakaupo ako sa harap ni elise. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita sya. Yung boses nya parang musika pag naririnig ko, di nakakasawang pakinggan. Habang nakatingin ako sa kanya, naiimagine ko yung future na kasama sya.

Napabalikawas ako sa upuan at natauhan nung winasiwas nya yung kamay nya sa harap ng mukha ko. "Aubrey? nakikinig ka ba?" 

Kumurap kurap muna ko, nakakahiya ako. "a-eh. oo naman, may iniisip lang ako. a-ano yung sinasabi mo?" 

"Sabi ko, tara na po bumalik sa school." sinabi nya yun ng dahan dahan para maintindinhan ko. para syang bata.

Tiningnan ko muna yung oras sa cellphone ko. Sa pagkakaalam ko, wala na kaming gagawin dun. "Di ba wala na tayo ibang gagawin sa school? Tara na muna kumain, gutom na ko." Gusto ko lang naman sya makasama eh.

"Saan" Tanong nya. Mukhang nagdadalwang isip pa sya kung sasama sya sakin o hindi. 

"Kuya George, balik na lang po kami sa Friday ha? Salamat po." Tumango lang sya at ngumiti. "Tara na." Sabi ko kay elise, di ko na hihintayin yung sagot nya. Hinawakan ko sya sa kamay at hinila hanggang sa labas. "Bawal akong tanggihan lalo na pag nagyayaya ako kumain." Sabi ko sa kanya sa seryosong tono. Tumango na lang sya at inabot yung helmet. Pero di ko binitawan yung helmet, hinigit ko yun ng biglaan, sapat na para mabitawan nya iyon. Ewan ko ba pero gusto ko ako ang magsuot sa kanya nun. "Kapit ka ng ayos, bibilisan ko yung pagpapatakbo bago pa ko mapilitang kumain ng tao." pabiro kong sabi sa kanya.

Humawak lang sya sa damit ko pero hinigit ko yung kamay nya para iyapos nya sakin. Demanding ako e, gusto yung nakayakap sya sakin. 

--

Author's Note: First story ko lang ito. Gusto ko lang magtry gumawa ng story. Pasensya kung medyo boring? Hehehehe. 

Ms. Famous(GXG)Where stories live. Discover now