Chapter 7:

18K 627 33
                                        

Elise's POV:

Hindi ko akalain na magiging ganun yung reaksyon ng mga magulang ko nung sinabi ko sa kanila na may matutuluyan na ko malapit sa TUP.

Sabi nila mas okay daw na dun ako para di na daw ako mahirap sa byahe. Ganun kalaki yung tiwala nila sakin.

"Okay then. My parents let me use their car kaya sa tingin ko makakapaghakot na ko bukas. :)" reply ko sa kanya. Di ako makapaniwala na titira ako sa isang bahay kasama sya. Nananaginip lang ba ko?

Habang magkatext kami, nakatambay lang ako sa wall nya. Nakita ko agad na nag-update na sya ng status.
"Just give me a second to look at you, and then I'll tell you a thousand reasons why I fell for you." Like! Napakaswerte nung babaeng gusto nya. As in. Para na syang nanalo sa lotto ng hindi tumataya!

Pero okay na ko na kaibigan ko sya. Okay lang na kaibigan lang yung turing nya sakin, kahit eto ako at nagmamahal sa kanya ng patago. Masakit isipin pero kung masaya naman sya, bakit di ko na lang sya suportahan?

"Cool! Sya nga pala. Kwarto ko ang gagamitin mo, ibig sabihin isa lang tutulugan natin. Wala kasi kaming extra room. Nakalock pa yung kwarto nila mama at papa pati yung kay kuya. Okay lang ba?" Reply nya. Sa iisang higaan kami mahihiga?? O.O

"Okay lang sakin. Kaso."

"Kaso?"

"Nangyayapos ako pag natutulog. Kahit may unan pa ko. Kaya yung mga kaibigan ko dati ayaw akong katabi." Paano pag nayapos ko sya? Baka pag-isipan nya ko ng masama?

"That's fine with me. The truth is, i do the same thing." nangyayapos din sya? Ibig sabihin malaki yung tendency na magkayapusan kami habang natutulog??

"I think we need a lot of pillows. Hahaha :D" o baka maglagay na ko ng pader sa pagitan namin?

"Why should we? Were both girls. Walang malisya." Sa kanya siguro wala, pero sakin? I'll take the advantage. *evil laugh*

"Well. Okay. Hmm. Can i sleep now? I feel too tired. I need to get up early tomorrow so I can pack up mu stuffs." Medio nakakaramdam na ko ng antok e. Ayaw ko naman sya na makatulugan.

"Sure. Goodnight Elise. See you tomorrow. Send me a message when you're ready. Okay? ;)" i can't wait to be there aubrey. Kung alam mo lang kung gaano ako kaexcited.

"Okay. Thank you. Goodnight to you too Aubrey. :)" di na sya nag-reply. Baka natutulog na din sya? Hmm

Di na ko makapag-intay na matapos ang gabing to. Kanina lang kami nagkasama ng ganun at nagkabonding tapos nag-offer na sya agad na pwede akong tumigil sa bahay nila. Napakabait nya, as in. Swerte talaga nung babaeng gusto nya. Sobra.

--

A/N: Should I continue? Sorry kung di ganun kalakas yung impact ng story ko kesa sa iba. But I'll try my very best to make this exciting. :)

See you to the next chapters. Xoxo

-dreamescaper

Ms. Famous(GXG)Where stories live. Discover now