Chapter 3: Aubrey Salvador

25.2K 650 24
                                        

I'm Aubrey Salvador. 19. 2nd yr. college student of Technological University of the Philippines. Taking up Basic Industrial Technology. Di ko hinahangad ang kasikatan kaso nabiyayaan ako nun. Ayaw ko ng napupunta sakin ang atensyon, kung pwede nga lang mag-isa lang ako.

Sa pamilya wala akong problema, mababait at masisipag na magulang, at kuya na maalaga at mabait. I'm staying at one of our house near TUP, I want to be independent during college so my parents let me. Solo lang ako dito, walang kasambahay o anuman. Gusto ko ng tahimik kaya nagdesisyon ako na dito muna tumigil habang ang mga magulang at kapatid ko ay nasa Baguio.

Sa loob ng university, sabi nila ako daw yung pinakasikat at hinahangaan ng karamihan. Madami din nagcoconfess sakin, mapababae o lalaki, but i don't give a fuck. My heart already belongs to someone. Pag dating sa kanya umuurong ang paa ko, hangga't maaari lumalayo ako sa kanya. Di ko sya inaadd sa facebook, di ko sya pinapansin pag nakikita ko sya sa paligid, binabaling ko agad sa iba ang atensyon ko pag alam kong titingin sya, at di ko pa nababanggit ang pangalan nya sa school. Minsan nga naiisip ko na baka masama na yung tingin nya sakin e. Napakasimple at bait nya kaya nagustuhan ko agad sya. Kaso dahil sa kasikatan na to, di ko sya malapitan.

Ayokong magulo yung tahimik nyang buhay sa tingin ko kasi tulad ko ayaw din nya ng atensyon.

Siguro alam nyo na kung sino sya. Elise Dela Vega. Simula nung unang pasukan nung freshmen pa lang kami, napansin ko na agad sya. Sya lang yung nakakuha ng atensyon ko, pero di ko pwedeng ipahalata. Di ko pwedeng ipaalam sa kanya.

Kaso kahit ano yatang pag-iwas ko sa kanya lalo kaming pinaglalapit ng pagkakataon. Yung pinaka unang beses ko syang kinausap sa loob ng ladies room, ang cute nya kahit may pagka-clumsy sya. At mas bagay sa kanya pag di nya suot yung salamin nya. Ang sarap pakinggan ng boses nya kung pwede nga lang kausapin sya ng mas matagal, gagawin ko.

Sya lang yung nasa isip ko hanggang sa makauwi ako sa bahay. Yung boses nya, nagririnig ko pa din. Para syang kanta na di nakakasawang pakinggan. Nakakatuwa kasi active liker ko sya sa facebook, okay na sakin kahit sya lang yung mag-like sa status ko. Ipagpapalit ko ang libong likes para lang sa like nya.

Nagchat sya. Kaso naseen zoned ako. Busy kaya sya? Pano kung may gusto na syang iba?

"Sorry. May kinuha lang ako sa kusina. :)"15mins. bago sya nakapag reply.

"Ah. Ganun ba. Kamusta nga pala salamin mo? :D" ang tanga mo aubrey. Sya dapat ang kinamusta mo at hindi yung salamin nya.

"Okay naman. Salamat nga pala." Siguro ang weird na ng tingin nya sakin?

"Nag-send ako ng friend request sayo. Paaccept ah. ;)" sana di lang friend request yung pwede kong i-request.

"Okay na. Salamat. ^_^"

"Bakit nga pala?" Baka kasi may itatanong sya o sasabihin. Ngayon lang kasi sya nagchat sakin e

"Ah. E kasi gusto ko lang magpasalamat. Sorry napaka clumsy ko." Naririnig ko na naman yung boses nya sa ulo ko. Damn!

"Ganun ba? Wala yun. Cute nga tingnan sayo e. :)" ang cute nya talaga.

"Cute? Imposible. Mukha akong nerd no." Nerd? Di ba nya nakikita ng ayos yung sarili nya?

"No you're not. Believe me. I gotta go now. Need to take a rest. I'll see you around. Goodnight." Kailangan ko na magpaalam. di dahil sa ayaw ko syang kachat, mas nagugustuhan ko lang kasi sya lalo.

Nag-offline lang ako. Pero di pa ko nag-log out. Nakatambay lang ako sa wall nya. Wala syang picture nya dito kundi yung profile nya lang. Di sya ganun ka socialized na tao.

May isang oras din akong nangstalk sa kanya kaso wala ako masyadong nakita. Nahiga na lang ako pero kahit nakapikit yung mga mata ko, sya pa din yung nakikita ko. Paano kayang pag-iwas ang gagawin ko sa kanya sa mga susunod na araw? Haist.

--

Ms. Famous(GXG)Where stories live. Discover now