She's famous, I'm not. Kahit nga dumaan ako sa harapan nya di sya tumitingin sakin. How will she noticed me? Panget ba ko? Lagi akong nakasalamin, mahilig kasi akong magbasa. Laging naka messy bun yung buhok ko, hinahayaan ko lang na may malaglag na buhok sa mukha ko. Di ako pala-ayos, di ako nagamit ng make-up. Lipgloss lang sapat na, hindi din ako girly girl kung manamit. Long sleeve, t-shirt, polo shirt, at pantalon komportable na ko. Wala naman akong pimples, di din mahaba mukha ko, matangos ang ilong ko at maputi naman ako. Bakit di man lang sya tumitingin sakin?
Ako si Elise Dela Vega. 19. 2nd yr. colloge. I'm taking up Bachelor of Technology in Graphic Arts and Printing Technology here in Technological University of the Philippines located at Manila. Average lang yung pamumuhay namin, di mahirap, di mayaman. Parehas may trabaho mga magulang ko at naibibigay naman nila ng tama mga pangagailangan ko. Alam din nila na, mas gusto ko ang babae kesa sa mga lalaki. Hindi naman sila tutol sa kasarian ko, hangga't masaya daw ako at alam ang tama't mali, susuportahan daw nila ako.
Naglalakad ako ngayon patungong computer library. Isang subject lang kami ngayon, pandalas na ko kasi 5mins. late na ko.
"Ms. Dela Vega." yan agad ang sumalubong sakin. dumiretso lang ako sa pag pasok. "Sorry sir. natraffic lang." buti na lang mabait si sir. garcia.
"hands on tayo ngayon. I want all of you to make a design for our society shirt. I'll pick a design from your outputs and send it to our director." ayos! buti na lang di sya magpapaexam or kung ano man.
Habang busy ang kamay ko sa pag pag gawa ng design, busy naman ang isip ko sa pag-iisip kay Aubrey, Basic Industrial Technology student. Parehong under ng Collage of Industrial Technology ang department namin. Kaya naisip ko na pag napili ang design ko ng director namin, baka mapansin na nya ko. *evil smile* Super duper crush ko sya, matalino, active sa mga school activities, kahit di nya ko napapansin, ayos lang. Isa sya sa pinaka sikat at hinahangaang estudyante dito sa buong university. Sa dami ng nagkakadarapa sa kanya, talagang di nya ko mapapansin. tulad ko 2nd yr. din sya.
Nang matapos ako sa ginagawa ko. Dali dali akong pumunta sa cubicle ng professor namin sa loob ng teacher's office. Pagkaabot ko sa kanya ng flashdrive ko nagpaalam agad ako sa kanya at pumunta sa ladies room.
Nasa pinakadulo ako ng stall ng naramdaman kong may pumasok din sa katabi kong stall. Lumabas ako at humarap sa salamin, nilugay ko ang buhok at nagsuklay. Nagpahid ng pabango at inayos ang gamit ko.
"Ayy! Putek naman oh." Napasigaw ako ng malaglag yung salamin ko. Akma ko ng mahahawagan yung salamin ng biglang may dumampot nito.
"Wag ka kasing magmadali. Buti di yan nabasag." Sabay abot sakin ng salamin ko. Pag tingin ko sa mukha nya, napaatras ako at muntik ng matumba, nakakapanglambot ng tuhod ang babaeng to.
"A-aubrey?" Mautal utal kong tanong.
Tumawa sya ng bahagya. "Pano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong nya.
"Pano? Eh kasi, lahat ng estudyante dito kilala ka." Sinagot ko sya ng pabiro habang nakangiti.
Tumango lang sya at ngumiti. "See you around." Sabi nya bago sya lumabas.
Is this really happening? Kinausap nya ko. At hindi sya nang-snob. Kaso, ang tanga ko! Di man lang ako nakapagpakilala. Grr! >...<
--
