Chapter 2:

31.6K 709 46
                                        

Gabi na ng makarating ako sa bahay. Malayo pa kasi pinang gagalingan ko, sabi nung author nito wag ko na lang daw banggitin kung saan at baka mapuntahan pa ko. Haha

Tahimik dito kasi subdivision, di din ako palakaibigan, mas gusto ko lang mag-isa.

"Elise. Kamusta?" Bati ni papa pagkapasok ko ng pinto.

Halatang kakauwi lang nya galing trabaho. Suot pa kasi nya yung uniform nila. "Ayos lang po. Akyat lang po ako sa taas."

Pagkapasok ko sa kwarto ko, humilata muna ko saglit bago magbihis. Inalala ko pa yung nangyari kanina. Yung boses nya, saka yung mga mata nya. Grabe. Kung pede lang sumigaw dito sa bahay, nakasigaw na ko.

"Anak. Nakain na ang hapunan." Sigaw ni mama mula sa kusina.

Habang naglalakad ako papuntang kusina, chinecheck ko yung facebook ni aubrey, liker nya ko e. Baka nakapag-update na sya ng status.

Scroll.
.
.
Scroll.
.
.
Scroll.

"You might just think of me as some girl. But I just want you to know, that I'm the one girl who took one look at you, and fell harder than I ever have in my entire life." Grabe 5mins. ago pero 1645 likes agad. Di talaga sya famous. Di halata.
Like!

Bakit kaya ganun yung status nya? Wala naman akong nababalitang dinedate nya. Baka inlove sya? Ang swerte naman nun kung man yun. Wala na kong pag-asa.

"Lalim ng iniisip." Sabi ni papa. Napansin ata nya na nakatulala lang ako sa pagkain ko.

Kumurap kurap ako na para bang natauhan na ewan. "Ah. Eh. Wala po. Iniisip ko lang po kung mapipili ng director yung design na ginawa ko kanina."

"Mapipili yun. Wag kang mag-alala." Okay. Bumenta yung palusot ko. Hahaha

"Yun nga ba yung iniisip mo? Baka naman kung sino?" Sumingit si mama sa usapan, napakunot noo lang ako, pero ramdam kong namumula na ang pisngi ko.

Nagkatinginan sila, sabay tawa. "May mukhang nagkukulay kamatis oh." Pang-aasar ni mama.

"Okay. Isa na din yun sa iniisip ko." Pag-amin ko.

Tumahimik lang sila at di na ko ginulo. Ayoko ngang ma-interogate ng wala sa oras. Hahaha.

"Ma. Pa. Babalik na po ko sa kwarto. Mag-rereview pa po ko eh." Nagpaalam na ko sa kanila at nagkulong sa kwarto. Napakasinungaling ko. Di naman ako magrereview, magbababad lang ako sa facebook. Stalking time. *smirked*

"Did you ever fall for someone you know you shouldn't? Try hard to fight your feelings, but you just couldn't? You fall deeper with each passing day, But try to hide it in every possible way." Bakit ganito ang status nya? Inlove ba sya? Ang sakit naman isipin nun. May iba nang nagmamay-ari ng puso nya.

Ichat ko kaya sya? Alam kong di dapat pero kung inlove na sya sa iba, ba't di ko na lang sya kaibiganin? Atleast we can get along even if just a friends.
Nilakasan ko na ang loob ko. It's now or never.

Hi. Online naman sya kaya konting intay lang. *crossed finger* "sana magreply ka. Sana magreply ka." Bumaba muna ko saglit pa kumuha ng softdrinks at chips. Pinalipas ko muna ang 15mins. bago ko bumalik sa kwarto, dinampot ko yung unan sa kama tapos humarap na ulet ako sa laptop ko.

"Hello. :)"

Tumakbo ako pababa at tumayo sa harap ni mama. "Ma. Alam kong mahal nyo ko at ayaw nyo kong nasasaktan. Pero kahit ngayon lang, pwede bang kurutin nyo ko?"

"Bakit?" Mukhang naguguluhan si mama. Di ko maipinta yung mukha nya.

"Basta po. Please ma. Pinch me." Sabi ko. She doubted pero wala syang choice kaya pinisil na lang nya yung pisngi ko.

"Awwww." Pag-angal ko. Grabeng sakit naman nun. "Salamat ma." Sabay takbo pabalik sa kwarto.

"Seenzoned?" Nagchat ulit sya. Oh god!

"Sorry. May kinuha lang ako sa kusina. :)"
Sana bumenta sa kanya palusot ko.

"Ah. Ganun ba. Kamusta nga pala salamin mo? :D" naalala nya.

"Okay naman. Salamat nga pala." Buti pa yung salamin ko kinamusta nya.

"Nag-send ako ng friend request sayo. Paaccept ah. ;)" di pa nga pala kami friends, finollow ko lang sya kasi di na sya nagpapaadd.

"Okay na. Salamat. ^_^"

"Bakit nga pala?" tanong nya. Siguro kasi nagchat ako kaya nagtaka sya.

"Ah. E kasi gusto ko lang magpasalamat. Sorry napaka clumsy ko." Di ko masabi na gusto kong tanungin kung inlove sya.

"Ganun ba? Wala yun. Cute nga tingnan sayo e. :)" kill me now. Cute daw?

"Cute? Imposible. Mukha akong nerd no." Kung nakikita nyo lang itsura ko ngayon, siguro mababato nyo ako ng kung ano mang madadampot nyo jan.

"No you're not. Believe me. I gotta go now. Need to take a rest. I'll see you around. Goodnight." Nagpaalam na sya. Offline agad. :(

Well. That's enough for me. Napansin na nya ko. She knows now that I exist. Hell yeah! I turned off my laptop and tossed myself to the bed. Mamamatay na ko sa sobrang kilig. 

--

Ms. Famous(GXG)Where stories live. Discover now