Elise's POV:
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito sa salas kakaisip dun sa nangyari. Dapat magpapalipas oras lang ako dahil nagulat ako sa ginawa nya kagabi. I was about to kiss her back when she retreated. I wonder if she just thought that I'm the girl she loves because she's intoxicated by alcohol. Nalito lang sya.
Nagluto na muna ko ng umagahan para samin, tulog pa sya kaya di ko na muna sya gigisingin. Mag-iiwan na lang ako ng note sa lamesa. 5:45 pa lang, kailangan kong agahan ang pagpasok para makita ko kung okay na yung mga gagamitin para sa event mamaya.
Beep! Beep!
Napatigil ako para tumabi. May van na dadaan, nag short cut ako kaya one way lang. No choice talaga kundi tumigil at hintayin silang makalampas.
Konti na lang at makakalambas na yung van sakin pero bigla silang tumigil. Biglang bumukas yung pinto sa tapat ko at may humila sakin papasok. Natatakpan na ngayon yung bibig ko ng kung anong basang tela. Nagwawala ako para makawala sa pagkakahawak sakin pero nakaramdam ako ng panghihina at pagkaantok. Pinilit kong di makatulog pero di ko kinaya, babae. Isang babae yung nakita ko pero blured na sya pinipilit ko syang makita ng malinaw kaso di ko na talaga kaya..
--
Aubrey's POV:
"Mauna na ko sa school. Eat your breakfast. About what happened last night, don't mind it. I'm not mad. See you around. -Elise"
Nauna na sya sa school. Buti naman at di sya galit. Kumain at nag-ayos na ako agad pagkatapos kong basahin yung note na iniwan nya. 8:30 na nung makarating ako sa school, kailangan kasi ako sa school event. Pag pasok ko sa gym, sinalubong agad ako ni Sir. Garcia mukhang mainit ang ulo nya.
"Aubrey! Where is Elise? She needs here!" Confirm! Mainit nga ang ulo nya.
Pero teka, sabi nya mauuna na sya dito? "I thought she's already here? Nagpaalam pa nga sya sakin na mauuna na sya dito sir."
"Nandito na ko ng 5. Wala akong nakikitang Elise kahit anino nya." Pabulong na sinabi ni sir, pinipilit nyang huminahon dahil may mga bisita na galing sa ibang universities.
"I'll call her sir." Tinawagan ko yung cellphone ni elise, nakailang ring muna bago nya yun sagutin.
"Elise! Nasaan ka? Bakit wala ka dito sa school? Kanina pa kitang hinahanap. Pati si sir. garcia hinahanap ka. Nag-aalala ako sayo. Nasa--" di ko na natapos yung sasabihin ko nung biglang may ibang nagsalita.
"Gusto mo bang makita si Elise? May isesend ako sayong address pumunta ka dun ng mag-isa. Wag mong subukang magsabi sa kahit kanino at sa mga pulis dahil kung hindi. You will never see her again. I have a one word." Tapos pinutol din nya agad yung tawag. Lalaki yung sumagot. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, pero isa lang ang alam ko, nasa panganib ngayon si Elise.
"Sir. May I excuse? It's an emergency. I need to go to Elise." Halatang halata sa mukha ko yung takot at pag-aalala. Mukhang napansin yun ni sir. kaya hinayaan na lang nya ko.
I received a text from unknown number. Nakalagay dun yung adress, isang oras ang layo mula dito sa school hanggang doon. Sumakay agad ako sa scooter ko, kailangan kong makarating agad dun ng mabilis at ligtas.
Weird. He didn't even asked for a ransom. What does he needs? Fuck! Ano bang nangyayari? Bakit sa dinami dami ng pwedeng madukot si Elise pa?
Kailangan kong gawin ang lahat masiguro lang na ligtas sya.After an hour. Nakarating na ko sa address na binigay sakin. Isang lumang pabrika, medyo nasa tagong lugar. Nagpark ako sa di kalayuan, just in case na kailanganin namin na tumakas hindi nila mapapansin si scoopy. Nagsend din ako ng message sa magulang ni Elise. Pinaliwanag ko yung nangyari tapos binigay ko na din yung address.
