07

16 0 0
                                    

Crush

Parehas kami ni Kine nagising sa katok galing sa pintuan ko. I placed Kines down the bed. Agad naman siya pumunta sa play area niya 

 Pagkabukas ko naman iyon ay napangiti ako nang makita ko si Alfonso.

"ALFONSO!" bulyaw ko at yinakap siya

Ilang araw ko rin siya hindi nakita. Nakabase kasi siya sa Blancaflor nung mga nakaraang araw. Parte raw kasi iyon sa training niya.

"Pasok ka na muna" ani ko

"Pwede ba? Baka mapagalitan ako" ani niya at kinamot ang batok.

"Jusmeyo halika na, kwentuhan mo ko" sabi ko at hinila siya papasok

Wala na siyang ginawa kundi mag pahila sa akin. Pinaupo ko naman siya sa sofa.

"SO may aso ka na?" sabi niya nang mamataan si Kines

"oo! pangalan niya Kines hehehehe" ani ko

He scowled. "pambihira pati aso, ang prinsipe pa rin ang iniisip" ani niya, inirapan ko naman siya

"Tss so anyways kamusta ka sa Blancaflor?" tanong ko sa kanya at pinagsalin siya ng tsaa. He leans on the chair and crossed his arms.

Hindi ba siya naiinitan sa suot niya? His wearing a long sleeve vest. At mukhang mabigat pa ito pero kahit man ganon mukhang fresh pa rin siya. Well make sense, kahit nung bata pa kasi kami ay madalang ito napapawisan

"Its was um...fine" sabi niya tumikhim

siningkitan ko naman siya ng mata.

"Anong FINE! Bakit parang blooming ka ngayon Fonso? Naka-iscore ka ba sa Blancaflor?" tanong ko, napaawang naman ang mata niya at walang pag aalinlangan binatukan ako.

"Gago ano pinagsasabi mo?" Bulyaw niya

I scowled."tss, so kamusta ka nga sa Blancaflor? Wala ka bang ganap doon?" tanong ko

"W-Wala" nauutal niyang sabi

"Ulol! Nauutal ka, so may ganap nga" ani ko at lumapit sa kanya.

I clicked my tongue. "Fonso Fonso, ano kaya pinaggagawa mo sa Blancaflor" ani ko, at siningkitan siya ng mata. Napangiwi naman siya at saka hinawakan ako sa balikat para paupuin.

"Wala nga, nakilala ko lang yung Prinsesa" ani niya, napaawang naman ako ng mata

"PRINSESA?!?! Talaga maganda ba siya? Type mo yon noh! Kaya ka pala bloo-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang takpan ni Alfonso ang aking bibig, dinilaan ko naman yon.

"YUCK KADIRI KA TALAGA!" bulyaw niya pagkatanggal niya ng kamay niya sa bibig ko, inirapan ko naman siya.

"Alat ng kamay mo gago, hugas hugas rin pag may time" bara ko

Umirap siya.

"Bago mo anuhin kamay ko, yung dila mo muna linisin mo. Toothbrush toothbrush rin pag may time" ani niya

"Alam mo change topic ka" paninisi ko

"PAANO NAPUNTA SA DILA KO ANG TUNGKOL SA BLANCAFLOR!?"

"AKO PA NAG CHANGE SIGE SINO ANG NAGSABI TUNGKOL SA KAMAY KO!?" pagsagot niya at ipinakita ang kamay na dinilaan ko

"TOTOO NAMANG MAALAT HA!" ani ko, magsasalita na sana siya nang bigang may kumatok sa pintuan ko.

Tinignan ko siya ng masama

"Umayos ka" I mouthed

"umayos ka rin" galit niyang sabi na walang boses.

Pagkabukas ko naman ng pinto, si Kartery ang bumungad sa akin. Napaawang naman ang mata ko. Ilang segundo ako hindi nakapagsalita kaya lumapit na bigla si Fonso.

Together With The Prince ✓Where stories live. Discover now