02

24 2 0
                                    

Cupcake

Agad rin ako pinauwi ni Papq pagkarating ko ng quarter. Pinahatid niya ako kay Alfonso at sinabihang mag-uusap kami pag kauwi niya.

 papunta kami sa parking nang madaanan namin si Prinsesa Kartery.

Katulad ng dati. Walang bahid na ekspresyon siyang nakatingin sa akin. Nag bow pa kami ngunit agad rin kami tumayo ng lumapit sa akin ang Prinsesa.

Tinignan niya lamang ako mula ulo hanggang paa at saka umalis na.

Simula nang magkaisip siya, alam ko nang di niya ako bet

Okay lang sa akin yon, hindi naman lahat ng tao kailangan magkagusto sa akin eh. Alam ko naman na hindi ako bet ng future sister in law ko eh. Ok lang yon, ganon naman rin dati kila Mamq at Papq.

Nung sumunod na araw, hindi pa rin nakababalik si Papq. Hapon na ng sumunod na araw pero wala pa rin akong balita sa kanya.

To be honest, malapit na ngang gumabi eh, or baka mukha lang malapit nang gumabi. Bermonths na rin kasi.

Kamusta na kaya si Joshua? Ok lang kaya siya? Parang bato naman iyon eh, nung tumama nga sa kanya yung pelet parang acting na 'ouch' lang ang sinabi.

Kakabilib nga eh, nung nangyari ng isang beses sa akin iyon, muntik na ata ako mamatay sa kakaiyak dahil sa sobrang sakit non.

♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕

Andito ako ngayon sa aking kwarto. Kakakain ko lang ng meryenda na hinanda ni manang.

Nagscro-scroll ako sa twitter ngunit napatigil na lang ako nang may makita akong tweet na rinetweet ng aking mutual.

Prince Joshua was shot by a pelet omg!

#BanPeletguns

Hays, wala nalang ako ginawa.

Sa nangyari na iyon sa prinsipe, agad umakyat ang pangalan niya sa number 1 sa trend section ng twitter.

Marami rin kasi nakaalam at mukhang may nakakita rin.

Nakakatuwang isipin na maraming humahanga sa kanya ngunit may bahid pa ring takot akong nararamdaman.

Oonga malapit ako sa kanya, pero nakakatakot isipin na baka may araw na dumating na may isang babaeng bibihag sa puso niya sa puntong, ang babaeng iyon na lamang ang gusto niya makasama hanggang kamatayan.

Kung dumating man ang araw na iyon. Edi tapos na. Ayokong mag habol sa isang taong may laman na yung puso.

Hintayin ko nalang sila mag break.

Pinatay ko ang telepono ko at agad na humiga sa akin kama.

Pagkahiga ko, kita sa kisama ko ang mga nag-g-glow in the dark na stars, moon at firefly stickers na inilagay ko dati kasama si Mamq nung bata ako.

"Ilang taon na ang nakalipas nang huli ako makakita ng mga alitaptap sa ilalim ng buwan. Kelan kaya ako makakakita non?" tanong ko sa sarili ko

Nung bata kasi ako, nung buhay pa si Mamq. Libangan namin dalawa ang pag hanap ng alitaptap.

Sa isang mataas na bundok kami umaakyat para masilayan ito. Halos lagi kami andoon ngunit nang mawala si mamq para bang sumama rin ang mga alitaptap.

Bigla rin ito nawala sa gubat na iyon.

Ilang beses na ako bumalik doon nung bata ako ngunit wala na talaga ako nakikitang alitaptap.

Napailing nalang ako.

Bumangon ako sa pagkakahiga at kinuha ulit ang telepono ko para buksan ito.

Agad naman ako pumunta sa contact list ko para i-message ang taong siguradong papasayhin ang araw ko

Together With The Prince ✓Where stories live. Discover now