03

16 0 0
                                    

Tapsilog

Kalahating oras na ako andito sa kwarto ko kapipili ng masusuot na damit para sa kainan mamaya kasama ang reyna.  Binigyan ako ng 3 bestida ng mga bantay rito. Pumili raw ako kung ano susuotin ko kaso mag iisang oras na ata wala pa akong napipili. Lahat kasi magaganda

Unang bestida ay kulay puti. Simple pero elegante kung titignan. Ang pangalawang bestida naman ay  pinaghalong puti at asul na may bulaklak pang desenyo, floral kung tatawagin. Ang pangatlo naman ay kulay itim na mayroong design na nightsky sa ibabang bahagi nito.

Lahat sila magaganda ngunit hindi ko alam kung ano babagay sa akin sa tatlong ito lalo na't  hindi ako masyado nag susuot ng bestida.

Natigil ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Pagbukas ko non bumungad sa akin si Mam Amihan.

"Alynna, mag iisang oras ka na riyan may napili ka na bang susuotin?" tanong niya sa akin.

Napakamot naman ako sa ulo ko. Malapit na siguro mag simula ang kainan kaya andito si Mam Amihan.

"to be honest po, wala pa po ako napipili eh" nagulat naman siya sa sinabi ko.

" Wala pa? Bakit hindi ba magaganda ang mga bestida na ipinakita ko?" tanong niya

agad naman ako umiling

" Hindi po, hindi ko lang po kasi alam  kung ano po babagay sa akin kasi po minsan lang naman po ako mag suot ng ganitong damit " ani ko

"Aahh. Hmm alam ko na, ako nalang pipili para sayo" ngiting sambit niya

"Kayo po?" tanong ko, ngiting tumango naman siya at saka tuloy tuloy  na pumasok sa aking kwarto.

Nang isara ko ang pintuan at tignan ko ang gawi ni Mam Amihan, tinawag nalang niya ako bigla.

"Bakit po?" tanong ko, itinaas naman niya ang kulay itim na bestida

"Eto suotin mo!" ngiting sabi niya at inilahad sa akin ang itim na bestida, nang kunin ko naman yon ay matagal ko iyon tinitigan.

'reminds me of mom'

Nang tignan ko naman si mam Amihan, nginitian ko naman siya.

"SALAMAT MAM!" bulyaw ko, nginitian naman niya.

♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕

Nang masuot ko na ang damit na iyon, pumasok ako sa walk in closet ng kwarto para tignan ang sarili sa salamin na nasa loob non.

Pagkatingin ko sa sarili ko, napanganga ako nang makita ko kung gaano  akong kadisente tignan.

Pare may ikagaganda pa pala ang mukha na toh

Habang tinitignan ko ang sarili ko, narinig kong may kumatok sa pintuan kaya agad rin akong lumabas sa closet para pagbuksan iyon.

Baka si Mam Amihan. Umalis na kasi siya agad kanina dahil tinawag siya ng isang maid.

"Mam Amihan Ok na po ak-" hindi ko na tapos ang sasabihin ko nang hindi si mam Amihan ang bumungad sa pintuan

Pagbukas ko nang pintuan, bumungad sa aking harapan si Joshua nakapang ayos na rin. Ganto ba talaga itsura niya pag kakain ng hapunan. Ang pogi niya tignan. Mukha na siyang hari ng buong asya.

"J-Joshua" nakatingin lang siya sa akin at mukhang gulat pa.

"Joshua?" pagtawag ko sa kanya ulit, mukha naman napabalik siya sa wisyo dahil agad rin niya iniwasan ang titig ko.

"Mom's calling you, you should hurry up" ani niya, at saka umalis na. Agad ko naman sinara ang pintuan ng kwarto ko at tuluyan nang lumabas.

"SANDALI SABAY NA AKO SAYO" sigaw ko at patakbong pumunta sa kanya.

Together With The Prince ✓Where stories live. Discover now