09

14 0 0
                                    

Princess

"Im being dramatic. Bakit ako umalis? Bakit ako nagpaapekto? Kami ba? Hindi naman diba?" paulit ulit ko tong sinasabi habang patuloy pa rin bumabagsak nag luha ko.

Andito ako ngayon sa bayan. Naglalakad patungong Casaina. As much as I want to go home, hindi ako makakauwi dahil nasa Casaina rin naman ang susi ko sa bahay at saka wala rin si Manang doon dahil simula nung lumipat ako sa Casaina ay nagbakasyon na muna siya kasama ang kanyang pamilya sa Hilagafransia o Northern Casafransia kung tatawagin.

My heart is pounding at siguradong kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao.

"Bakit kasi pag magmamahal kailangan pang masaktan." ani ko .

"Bawal bang pure love lang?" mahina kong sambit at napatingin sa itaas.

"Mamq patulong naman oh" ani ko at kinagat ang labi ko para pigilan ang sarili hindi umiyak.

Nag patuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa tapat ng gate ng Casaina. The guards immediately recognized me. Some maids gave me a blanket dahil malamig.

"Iwan niyo muna ako" ani ko sa mga maids na sumusunod sa akin. They hesitated so I gave them a small smile to assure them.

While I was walking down the cold hall of Casaina. I looked up at my side to see the night sky. The halls going to my room are open. It was breezy and chilly.

Sadyang ang mga torches nalang na nakasindi bawat pintuan ang nagbibigay init sa akin.

I'm trying my best not to remember what happened earlier. When I remember it I cry when I cry I question myself, When I question myself I overthink.

Bianca called Jenkins 'baby' and knowing Jenkins, it looks like...sanay na siya. Para bang alam na niya. Napailing nalang ako.

'I should stop thinking about what I saw, I still dont know Jenkin's perspective'

pero paano kung ganon nga? sabi ng likod ng utak ko

Napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman ko muli ang pagbagsak ng mga bagong luha ko. Napayuko ako para bumagsak na sila agad.

'Alam mo Zanie suggest ko lumayo ka nalang kay Jenkins. At the end of the day, princesses well like....me ang makakatuluyan niya. Ist it will be good for both of us and for both kingdoms. Eh ikaw? Pag naging kayo ano mapapala ng iba? Maaawa lang silang lahat kay Jenkins dahil pumatol siya sa isang babaeng katulad mo' -Princess Bianca

'Pinagbigyan ka lang siguro niya' -Princess Bianca

-

'Siguro Jenkins crush mo na ako noh?'  -ako

'What if I am?' -Jenkins

He didn't guarantee it. Why does it all make sense now? Pinaasa lang niya ba ako?

'No Zanie, Ikaw ang umasa wala siyang kasalanan' 

Paulit ulit ko yon sinabi sa utak ko na wag magalit o mainis lang man kay Jenkins o kaya kay Bianca rin dahil katulad ko......nagmamahal rin lang naman sila.

Wala akong karapatang magalit dahil isa lamang ako sa tagapaghanga ni Jenkins. 

"I should...rest my heart noh?" ani ko

"You should rest your body too" napatalon ako sa gulat nang may biglang magsalita galing sa likuran ko. Natatakot pa ako para lungunin kung sino siya ngunit agad rin ako nagpakawala ng hangin nang makita ko si Alfonso lang iyon.

"Bwisit ka talaga, wag ka nga mang gulat tss" ani ko at tumawa ng kaunti, napatigil naman ako kaagad ng hindi siya nag salita o kaya nakitawa lang man.

When I looked at him, he was seriously looking at me. Worriedly. I gave him a small smile.

Together With The Prince ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora