04

12 0 0
                                    

Sister Krama

"HI!" bulyaw ko nang makita ko na ang mga bata.

Nang mamataan nila kami ni Joshua ay agad lumiwanag ang kanilang mukha. Nagsingitian at lapitan sila sa amin.

Bumitaw naman ako sa pagkakahawak kay Joshua. Baka kasi hindi siya komportable sa pag hawak ko sa kanyang braso.

Napatingin naman siya sa akin nang gawin ko yon.

"Sorry baka kasi di ka komportable" sabi ko at ibinalik ang pansin sa mga bata

Lumuhod ako para pantayan ang mga bata.

"HI po!" sabi ng isang batang babae na nasa edad na walo. Napangiti naman ako.

"Hi ano pangalan mo?" tanong ko sa kanya, habang hinahawakan ang kamay ko.

"Marika po" ngiting sabi niya, mas napangiti naman ako.

"Ako naman po si Luna" pag singit ng isang bata.

"Ako po si Rodney!" isa pa

"Angela po!"

"Candice po ako!"

"Janika po!" 

Sunod sunod nilang pagpapakilala. Mas lalo naman akong napangiti. Mag sasalita na sana ako nang magsalita bigla si Sister Krama.

"Mga bata, ano sabi ko sainyo? Maghintay kayo ron at paupuin niyo muna ang Prinsipe at..Prinsesa" ani niya, dahan dahan napawi naman ang ngiti ko.

Prinsesa

Nagsipuntahan naman ang mga bata sa harap ng stage at nagsiupuan sa kani-kanilang mga upuan. Pagkatayo ko inilinga linga ko ang paningin ko para hanapin si Joshua. Nakita ko siyang kinakausap si Sister Krama sa gilid.

Matagal na kaya niya kilala si Sister Krama? 

Nang mamataan niya ako, inexcuse niya ang sarili kay sister at saka lumapit sa akin.

"Halika na! Upo na tayo. Siguradong hinihintay na tayo ng mga bata. Ano ba gagawin natin?" tanong ko sa kanya, napamulsa naman siya.

"We're just gonna talk and give them the toys I bought, bakit may lakad ka ba pagkatapos nito?" tanong niya

"Anong lakad? ano ka ba syempre pag ikaw, clear schedule ko noh" ani ko. 

Matagal pa siya napatitig sa akin hanggang sa huminga siya ng malalim.

"mauna ka na muna, may pag uusapan lang kami ni Sister Krama" ani niya, napangiti naman ako at saka tango.

"Sige sige!" ani ko

♕♕♕♕♕♕♕♕♕♕

Pagkarating ko sa maliit na platform sa harap ng mga bata. Sister Krama and Joshua were in the back of the room, still talking.

 Nagsitayuan naman ang mga bata nang mamataan nila ako at saka nag sabi ng good morning. Kids just melt my heart so fast.

"HI! um Im Zanie Alynna-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may biglang sumingit na bata.

Papagalitan siya sana ng isang bantay nang pigilan ko siya.

"Sige ano tanong mo?" tanong ko

"Um...Prinsesa po ba kayo?" tanong niya, tipid naman akong napangiti.

"hmm technically no. Im just temporarily living in the castle. Simple lang akong babae na nakatira sa bayan hehe" ani ko. Nagsilapitan naman ang mga bata.

"Pwede po ba yon? Mukha po kasi kayong prinsesa eh" namula naman ako sa sinabi ng isa pang bata.

"Naku ikaw talaga bolero!" ani ko at saka pinat ang ulo ng batang lalaki.

Together With The Prince ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora