01

35 3 0
                                    

Pelet Gun

Agad akong napabalikwas ng bangon nang maramdaman ko ang sikat ng araw sa aking mga mata.

It's a new day again.

Bumangon ako sa aking kama kahit man ako'y nakapikit pa rin. Nang dahan dahan kong iminulat ang aking mata, agad dumapo ang paningin ko sa naka-hanger kong bestida sa handle ng cabinet ko.

It was a blue dress. Short sleeved at lampas tuhod ito. Ito ang unang bestida na pinagawa ko sa mananahe sa may palengke. Ngayon kasi ang araw kung saan pupunta ako muli sa Casaina!

Ang tagal ko rin hindi nakapunta ron, 2 linggo ata dahil may exams ako non.

Pero buti nga ay maaga ang exams namin ngayon. May chance na akong makapunta sa Christmas Ball ngayong taon.

Ngayon ang araw na makikita ko siya muli! Si Prinsipe Jen- ay mali, di nga pala kami ganon ka-close. Si Prinsipe Joshua!

ay sandali nga! Nagpakilala na ba ako? Kailangan ko pa ba? de char sige na nga.

I am Zanie Alynna Taliano. Zanie ang tawag sa akin ng lahat, pwede rin Anie, o kaya Alynna, o Ynna, o kaya Aly o kaya Taliano. AY BASTA kayo na bahala basta yon ang pangalan ko. 19 years old na ako pero ang mukha ko baby face pa rin hiHihi. Pinanganak ako dito sa Casafransia nung March 13.

Bata palang ako nang kunin ni Papa God ang magandang kong mamq, 5 years old to be exact nang mamatay siya dahil sa sakit na breast kanser, pero kahit man ganon nanatili sa tabi ko ang pogi pero amoy dahon kong ama na si Knight and shining armer Anesto. He was their beside me during my ups and downs.

I never had real friends, sadyang si Papq lang naaasahan ko sa lahat ng problema ko nung bata ako at nung nawala si Mamq.

He cheered and guided me. LITERAL na knight siya ha!

Ayaw niyo maniwala? Edi wag, basta knight siya.

He is the trusted knight of the Royal Family, yon din ang rason kung bakit kilala ako ng pamilya Zephrillia. Bet pa nga ako ng Reyna eh!

Ayaw niyo maniwala? Bahala kayo basta ako bet ko rin siya, ka-vibe ko ih, pero mas bet ko anak niya hehehe.

Ang pagiging knight ni papa ang naging rason rin kung bakit napalapit ako sa prinsipe. Simula nung bata ako, walang tigil na ako nangungulit sa prinsipe tuwing dumadalaw ako sa Casaina.

Casaina ang tawag sa palasyo kung saan sila nakatira. Ngayong 19 na ako at pa- twenty na si Joshua sa darating na Enero, gusto ko na gandahan ang sarili ko dahil pag patak niya ng bente ay pwede na siya magpakasal.

MAGBEBENTE NA RIN AKO AFTER 2 MONTHS PAGKATAPOS NG KAARAWAN NIYA

Gagandahin ko na sarili ko dahil baka agawin siya pa nung mga prinsesa na galing sa ibat ibang bansa na malapit sa Casafransia.

Sa pogi ng bebeq hindi na ako magtataka kung buong mundo magkagusto sa kanya.

Nang matapos na ako magbihis ay agad akong bumaba para kumain. Doon ko nakita ang aking ama na umiinom ng kape at naka- uniporme na.

"Papq good morning" ani ko at yinakap siya, pagkatapos ay hinalikan siya sa pisngi.

Nang makaupo na ako sa silya sa tapat niya, kumuha na ako agad ng hotdog na inihanda ni Manang.

" Anong meron at napakaganda ng suot mo ngayon?" taas kilay na tanong ni Papq, inirapan ko naman siya.

" duh, baka nalilimutan mo Papq, PUPUNTA TAYONG CASAINA, sa bagay, hindi mo na kailangan mag ayos dahil nasanay na ang mga tao ron sa pangit mong itsura" ani ko sa kanya, napaawang naman ang mata at bibig ni Papq.

Together With The Prince ✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن