06

15 0 0
                                    

Kartery

Ilang oras na akong andito sa kwarto ko. Pati sa pagkain naiwanan ko na dahil kanina ko pa linalaro itong si doggy.

"Ano kaya pwedeng itawag ko sayo?" tanong ko sa kanya, tumahol naman siya na ikinangiti ko.

Marami rin akong binili para sa kanya nung nag-shopping kami ni Queen Joania sa malapit na mall. Syempre pera ko na ang gamit ko non. Ilang pilit pa ang ginawa ko para kumbinsihin siyang ako na bahala sa mga laruan at iba pang bagay para kay doggy.

Doggy muna ang ipinangalan ko sa kanya dahil wala pa akong napipiling pangalan para sa kanya. 

Natigil ang paglalaro namin nang may biglang kumatok sa pintuan ko. Nang tignan ko ang terrace ng kwarto ko nakita kong pagabi na pala. Ber Months na rin kasi kaya maaga pa lang gumagabi na.

"Stay put ka lang diyan ha" sabi ko kay doggy at inilapag siya sa isang cushion or parang bed niya.

Pagbukas ko nang pintuan mas lalo naman akong napangiti kung sino ang may dala ng pagkain ko.

"Joshua!" ngiting sabi ko sa kanya.

He's already in his pajamas. Ang aga aga nakapajama na siya? He's holding a tray with steak and rice on it. Inabot naman niya sa akin iyon.

"They say you didnt eat, pinapaabot nila sa akin sayo" ani niya, nang ikuha ko yon ay pinagkrus niya ang dalawang kamay.

"salama-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang tumahol si doggy.

Parehas kaming napalingon sa aso. Tatakbo na sana ito palapit sa akin ngunit tumigil agad ito sa harap ni Joshua.

"you have a dog?" tanong niya

"ehehehe oo eh" ani ko, binuhat naman niya si doggy. Nang ibuhat niya iyon ay agad itong dinilaan si Joshua.

Parang ang sarap maging aso.

"Pasok ka na muna" ani ko at inilapag sa gilid ang tray. Pumasok naman si Joshua. Pagsara ko ng pintaun nakita ko silang dalawa ni doggy na naglalaro malapit sa area ni doggy.

Parang bata naman akong lumapit at umupo sa tabi nila. Joshua was caressing doggy while I was like a child watching them.

"Mahilig ka rin ba sa aso?" tanong ko, sinagot naman niya ako ngunit nakatingin pa rin siya kay Doggy.

"yeah"

"TALAGA! bakit walang aso dito?" tanong ko

"Ayaw ni Ruby" ani niya

"Si Princess Kartery?" tumango naman siya

"Allergic ba siya sa mga aso?" tanong ko, ibinuhat naman niya si Doggy habang naka-angel seat. Napaupo naman ako sa tapat nilang dalawa ni doggy.

"No. Shes just afraid of dogs" napa- ahh naman ako at saka tango tango.

Habang linalaro niya si Doggy bigla siyang nagsalita.

"Does it have a name?" tanong niya at inilapag si doggy, pumunta naman iyon sa akin.

Yey! Ako naman maglalaro sayo doggy. I started caressing doggy.

"Wala pa nga eh. May ideas ka ba?" tanong ko sakanya

"Lalaki yan diba?"

"OO"

"Hmm...I guess Mark?"

"Hindi ko bet yon, may kaklase akong Mark eh" ani ko

"So what?"

"Basta ayoko non, meron pa bang ideas?" tanong ko sa kanya, at napatingin sa kanya. Nakita ko naman siyang mapaisip.

"Kines?"

Together With The Prince ✓Where stories live. Discover now