BG 22

1.1K 33 1
                                    

Chapter 22: Dinner

*ANGELICA*

Ngayon naman ay nag suot ako ng silk dress color black na ang haba nito ay hanggang hita lamang at tinernohan ng sandals color black. Hindi na ako nag makeup tanging polbo at lip balm lang ang nilagay ko at nag pabango ng favorite kong Victoria Secret (Vanilla lace). Kinuha ko na ang bag ko para bumaba na, alam kong hinihintay na ako ng tatlo sa baba. Nakita ko naman na nakaayos silang tatlo with matching tuxedo pa. Masasabi ko na gwapo talaga itong si Athan, kahit anong damit ata sa kaniya eh babagay naman talaga. Lumapit na ako sa kanilang tatlo.

"Woy! Tara na!" Mukhang nagulat naman silang tatlo dahil sa pag sigaw ko kaya napabalik sila sa wisyo.

"Grabe! Nakakatulala ang ganda mo gurl!" Sabi ni Ivien with matching hampas sa braso ko dahilan para mapairap ako. Nauna na akong nag lakad sa kanila paalis dahil mukhang walang balak ata. Naramdaman ko naman na sumunod silang tatlo sa akin. Bigla namang nag ring ang phone ko kaya naman sinagot ko ang tawag.

"Oh?"

(Where are you now?)

"On the way"

(Okay take care)

"Hmmm"

End call...

Ngayon naman ay papasok na kami sa kotse at pinag buksan naman ako ni Athan ng pintuan kaya pumasok na ako. Saktong pag sara niya nakita ko ang dalawang lalaki na nagmamasid sa amin. Putcha! Sino ang mga yun?? Gusto kong bumaba pero naan dito ang dalawang bakla, hindi ako pwedeng gumawa ng move.

Shoot! Alam ko na!

"Wait! May naiwan ako, saglit lang." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at nagmamadaling lumabas na ng kotse. Mabuti na lamang at may silencer akong dala rito. Yung sandals kong suot may secret knife ito, para just in case kailanganin katulad ngayon. Nag kunwari akong pabalik sa loob pero ramdam kong nakasunod na ang dalawa sa akin, kailangan ko na lang ihanda ang sarili ko. Huminto ako sa paglalakad at huminga muna ng maluwag, mabilis na lumingon at sinipa ang dalawang lalaki sa likod ko. Mabilis ko naman itong pinaputukan ng baril at nilapitan para tignan ang batok nila.

Napakuyom ako dahil sa sobrang galit, kingina mo Franco di ka patas lumaban. Humanda ka sa akin bukas lintek ka ng gigigil na talaga ako sa'yo!

Mabilis ko namang tinawagan ang mga tauhan ni Athan para linisan ang kalat na ito, bumalik na rin ako sa may parking lot. Pagpasok ko ay nagtatakang tumingin sa akin ang tatlo lalo na si Athan.

"Let's go, nandito pala ang kailangan ko." Malamig na sambit ko. Nagsimula na ngang paandarin ni Athan ang kotse at wala ng umimik sa aming apat. Ano ba talagang kailangan mo sa akin Franco? Bakit parang kilala mo na ata ang pagkatao ko? Ako ba talaga ang target? Or si Athan? Bigla namang tumunog ang phone ko kaya tinignan ko ito. Isang mensahe galing sa di ko kilala.

+639-------------

Who the hell are you? Why did you ruined my fucking plan?!

Nanlaki naman ang mata ko dahilan para lingunin ko si Athan, napalingon naman siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Si Athan ang target ni Franco??!!! Bakit?? Biglang tumunog ulit ang phone ko kaya binasa ko ulit ang message niya. Nagsimula naman akong kabahan dahil sa nabasa ko.

The Possessive CEO Owns The Bad GirlWhere stories live. Discover now