BG 25

1K 34 5
                                    

Chapter 25: Mission #1

*ANGELICA*

Naan dito naman kaming dalawa ni Athan sa may pinapaayos na restaurant. Sobrang ganda ng pagkaka gawa, talagang malinis at maayos ito gaya nga ng ini-sketch ko. Aayusin nalang ang pagkakalagay ng mga appliances, at mga kakailanganin sa loob ng restaurant na ito. Talagang nakakamangha ang disenyo nito dahil sa bawat dingding ay makikita mo ang sa bawat paint ang traditional ng mga Pilipino.

Sinunod nila ang pagkakaayos ng mga jeep at tricycle na nag sisilbing lamesa at upuan. Ang jeep ay para sa mag barkada or mag pamilya. Ang tricycle naman ay pang dalawahang tao lamang. Kaya naman ma fe-feel mo talaga ang ambiance dito sa restaurant, at ang mga pagkain na nasa menu ay Filipino food talaga, walang halong iba pa.

Ang mga presyo ng pagkain ay hindi naman nagkakalayo ng presyo sa mga karinderya. Dahil dadagsain ito ng maraming tao at lalo na ng mga turista. Mura talaga dito dahil hindi naman lahat ng Filipino ay afford na makakain sa mamahaling restaurant. Kaya naman naisipan ko rin na pagandahin ang restaurant na kahit cheap ang price eh maramdaman nila nasa mamahaling restaurant sila.

"How's the view?" Tanong sa akin ni Athan. "Mas maganda pa ito sa inaakala ko. Perfect." Seryosong sabi ko sa kaniya. "Thank you so much" napalingon naman ako sa kaniya. Tumango lamang ako tsaka tumalikod na. Kailangan ko ng simulan ang mission ko. Ibabalik ko muna sa puwesto si Lorenzo dahil hindi naman ako papayag na hindi siya maibalik sa pagka CEO. Tinawagan ko muna si Lorenzo para na rin maipaalam na magkikita kami ngayon.

(Hello?)

"It's me, Angelica. Meet me at *****"

(Okay)

End call...

Mag taxi nalang ako dahil wala naman akong kotse. Pumasok ulit ako sa restaurant para ipaalam kay Athan na aalis na muna ako. Nakita ko naman siya na kausap niya ang iba pang mga empleyado kaya naman nilapitan ko na siya. "Mauna na ako sa'yo may pupuntahan pa ako." Kaagad naman siyang lumingon sa akin kasabay ng pagtataka niya. "Where are you going?" Inirapan ko naman siya.

"Curious? Mamatay ka sa curiosity mo." Sabay nilayasan ko na siya doon. Ang kaso ay may humawak sa braso ko at hinatak ako palabas ng restaurant. Kingina! Masama kong tinignan si Athan ng makalabas na kami tsaka ko hinablot ang braso ko.
"Kingina mo Athan! Bakit ka ba nanghahablot??" Iritang tanong ko sa ka niya.

"I am asking you tapos ignore mo lang ako?"

"Do I need to tell you where am I going before I leave??"

"Of course! Because I'm your boss!"

"My job here is done, so may I go now?"

"No" mabilis na sagot niya na kinakunot ng noo ko. Unting-unti nalang mauubusan na talaga ako ng pasensya sa lalaking ito. Bumuga ako ng hangin para pigilin ang sariling masuntok ang boss ko. "Give me a reason why you don't want me to leave?" Seryosong tanong ko sa kaniya. Nabigla naman siya sa tinanong ko at ni isang salita ay walang lumabas sa kaniyang bibig kaya naman umalis na ako ng tuluyan.

The Possessive CEO Owns The Bad GirlWhere stories live. Discover now