BG 27

1K 29 1
                                    

Chapter 27: Continue (Revelation #2)

*ANGELICA*

Naalala ko naman ang pinag usapan namin noon ni Athan. Yung tinanong ko siya about sa kapatid niya if meron siya?

"Wala ka bang kapatid?" Tanong ko sa kaniya. Lumingon naman siya sa gawi ko. "I have one. Pero wala rito nasa America kasama si Mom." Napatango-tango naman ako. "Ilang-taon na?" Tanong ko.

"8 years old. Girl." Parang gusto ko tuloy ma meet ang kapatid niya kaso wala naman rito kaya sayang. Ilang sandaling katahimikan ang namalagi saming dalawa hanggang sa ako na mismo ang bumasag rito. "Alam mo nagtataka talaga ako kung bakit mo ako tinanggap. Hindi naman sa sinasabi ko na ayaw ko ah! Kumbaga iba kasi ugali ko unlike sa iba." Naiilang na sabi ko tsaka nag-iwas ng tingin.

So nag sinungaling si Athan sa akin na isa lang kapatid niya??? Hindi ako galit, naiinis lang ako dahil sa nakakagulat na revelation na ito! Sumasakit lang ulo ko.

Nang makarating ako sa may company ni Athan ay kaagad siyang sumalubong sa daraanan ko. Kaya naman nabigla ako dahil sa biglang sulpot niya, kinilabutan ako sa seryosong titig niya sa akin na tila ba may nagawa akong kasalanan sa kaniya, kaya naman ganiyan nalang makatitig sa akin.

"Where have you been?" Napairap naman ako. "None of your business boss." Aakmang lalagpasan ko na sana siya ang kaso hinawakan niya ang braso ko at pinaharap sa kaniya.

"I am talking to you woman." Mahina pero may diin ang salita niya, dahilan para mas lalong mainis ako. "What the fuck is wrong with you boss?? Pag sinabi kong none of your business, none of your business." Marahas kong inalis ang kamay niya sa braso ko. Ang kaso laking gulat ko na meron siyang mga kasama sa likod kaya naman bigla nalang akong umayos ng tayo at mas lalong naging seryoso.

"Good afternoon, Ms. Angelica." Naiilang na bati nila sa akin. Tinanguan ko lang ito at muling tumingin kay Athan ng masama bago ko lampasan papunta sa office.

Badtrip na lalaking yun kahit kailan!!! Bwiset!!! Pasalamat siya at may mga kasama lang, dahil kung hindi? Kanina ko pa siya nasapak. Nang makapasok ako sa loob ng office ay kaagad akong naupo. Para akong pagod na pagod sa araw na ito dahil sa mga nangyari at nalaman ko.

Half brother lang niya si Athan, ang tunay niyang ama ay si Franco. Tangina! Sasabog na utak ko sa mga nalaman ko! Tinungkod ko ang dalawa kong siko at humawak sa ulo. Itong week na ito masyado na akong problemado at stress sa mga nangyayari. Pero alam kong may mas malala pang mangyayari na ikakasabog ng utak ko.

The Possessive CEO Owns The Bad GirlWhere stories live. Discover now