BG 29

963 37 6
                                    

Chapter 29: What's going on??!

*IVO*

"Pre! Kamusta yung mga pinapagawa say'o ni boss Athan?" Tanong ko sa kaniya dahilan para lingunin niya ako. "Of course, kahapon pa." Mayabang na sambit nito.

Nabigla naman kaming dalawa ni George ng padabog na nag bukas ang pintuan. Sa sobrang gulat namin ay napatayo kaming dalawa. Kita namin ang nag-aalalang mukha na may halong galit, bigla naman akong kinutuban ng masama dahil sa awra ni Athan.

"Angelica is missing." Pagkasabi niya yun ay tila nabingi ako sa sinabi ni Athan kaya naman kinunutan ko siya ng noo. "Baka kumain lang yun o kaya naman nagpapalamig lang?" Pilit kong pinapakalma ang sarili na wag matakot sa posibilidad na nawawala nga talaga si Angelica. Tumatango tango naman si George na tila sumasang ayon sa sinabi ko. "Boss, alam mo naman ang babaeng yun kung saan-saan napupunta. Hindi yun nawawala." Pagpapakalma nito kay boss Athan. Taena para kaming nakaharap sa isang tigre na unti na lang eh lalamunin na kami. Kakabahan at matatakot ka talaga sa awra ni Athan lalo na ngayon.

Pero teka?? May gusto kaya siya kay Angelica?? Ang oa niya kasi maghanap akala mo naman eh nawawalang jowa. Magsasalita pa sana ako ng biglang pumasok si Timothy at Zayn. Ang matalik na kaibigan ni Athan. "There's a smoke bomb inside the elevator. It was full of smoke, hindi namin nakita si Angelica doon." Bigla kaming nagkatinginan ni George dahilan para magsimula ng magtambol ang puso ko. Nawawala talaga si Angelica????

"Fuck!" Biglang sigaw ni Athan dahilan para mapaatras kaming apat dahil sa takot. "Wala kaming nakitang tao na gumawa nun sa kaniya, chineck namin ang CCTV pero wala kaming nakitang may kumuha sa kaniya." Pagpapaliwanag ni Timothy.

"Ivo, George! Pumunta kayo doon sa bahay nila Mrs. Jemerez baka naan doon si Angelica. Call me if she's not there." Nagmamadaling umalis siya rito sa office namin. Napailing-iling naman kaming apat ng makaalis si Athan. "Iba talaga pag in love." Nakangising sabi ni Zayn. Napatingin naman kaming tatlo sa kaniya. May gusto si Athan kay Angelica??? Wala na rin kaming nagawa ni George kun'di ay sundin ang pinag uutos niya. Nang makararing kami sa may bahay nila ay kaagad kaming nag doorbell.

Pinag buksan kami ng isang maid, kilala naman na kami kaya welcome na welcome kaming pumasok sa loob ng bahay nila. Nang makapasok kami ay sinalubong kami ni Alex na mukhang aalis ata. Gulat siya ng makita kaming dalawa ni George na naan dito sa bahay nila.

"What are you doing here?" Takang tanong niya. Nagkatinginan muna kami saglit ni George bago siya mag salita. "Naan diyan ba si Angelica?" Naiilang na tanong ni Ivo. With matching naiilang na ngiti pa yan.

Umiling naman ito dahilan para magka tinginan ulit kaming dalawa ni George at muling humarap kay Alex. Magsasalita pa sana kami ng mag ring ang phone ni Alex dahilan para matikom ang bibig namin at di na muling tinuloy na mag tanong.

"Hmm?... Yeah..." Tumingin naman sa amin si Alex na nakakunot noo dahilan para mapaiwas kami ng tingin sabay sipol. "What?!!! Where is she?!... Alright!... Yeah!... Okay bye!" Bigla naman kaming dalawa napaatras dahil sa takot. Lalaki kami pero pagka harap namin ang dalawang tigre nanlalambot kami.

The Possessive CEO Owns The Bad GirlWhere stories live. Discover now