BG 14

1.3K 45 1
                                    

Chapter 14: Fighting

*ANGELICA*

Ngayon naman ay kumakain ako ng niluto kong ramen. Gusto ko kasi ng may sabaw at para na rin gumaan ang pakiramdam ko. Daming naiisip na posibilidad na mangyari mamaya pero isinantabi muna. Tinawagan ko rin si Alex na mag-ingat sila sa pag punta. Kasabay ko naman mamaya ang dalawang bakla at si Raviel.

Nang matapos ng kumain ay kaaagad ko rin naman niligpit ang pinagkainan. Since mahaba pa oras, nag linis muna ako ng condo. May taga linis naman pero bored ako ngayon kaya mag lilinis na muna ako.

Ngayon naman ay nag-aayos na ako ng sarili ko. Unting makeup lang nilagay ko ayoko ng masyadong makapal. Maganda naman na ako kaya unting makeup lang kailangan. Tsk! Sinuot ko na rin ang gown na nabili namin kahapon. Para ngang haba ng araw kahapon dahil sa daming nangyari. Yung pagkikita naming magkakapatid, yung dinala ako sa hospital, tapos yung pag papadala ni panotskie at yung lalaking pumasok rito sa kwarto ko. Sa loob ng isang araw ang dami ng nangyayari sa buhay ko. Paano pa kaya pag nalaman na namin ang resulta at siya talaga ang nanay ko, edi mas lalong gumulo buhay ko.

Pagtingin ko sa salamin napahanga naman ako sa kaseksihan at kagandahan. Kinulot ko ang buhok para maiba naman ang style lagi nalang nakatali eh. Grabe sobrang ganda at sexy ko. Sinuot ko na rin ang heels at kinuha na ang pouch. Grabe bagay na bagay talaga sa'kin ang red na gown na ito. Hinintay ko muna ang dalawang bakla dahil sabay kaming tatlo at si Raviel ang driver namin.

Maya-maya lang ay nag doorbell na, kaya naman tumayo na ako at pinatay lahat ng ilaw rito. Pagkalabas ko laking gulat ko ng ibang tao sumalubong sa'kin at puro mga nakaitim. Kingina! Not again! Mabilis ko namang sinipa ang dalawang lalaki na may hawak ng injection kaya tumalsik ito kung saan. Sinipa ito sa dibdib at ayun tumagos ang takong ko sa may dibdib niya. Tangina! Wala na!!! May bahid na dugo na ang sandals ko! Bwiset!!!

Mabilis ko naman tinapos ang isang ito tsaka kinuha ang takong ko at binato. Kapol sa ulo! Sakto naman ang dating ni Raviel at ng dalawang bakla na gulat na gulat. "OH SHIT!!! OKAY KA LANG BA ANGELICA?!!" Malakas na sigaw nila kaya naman napailing-iling ako. "Miss Angelica, are you okay? Let's go to the hospital." Sabi ni Raviel.

"Okay lang ako, besides ugh! Wala na akong sandals kingina nitong dalawa eh!" Iritang sabi ko. Binatukan naman ako ni Evien kaya masama ko siyang tinignan. "Nyeta! Takong talaga inintindi mo? Samantalang nag-aalala na nga kami sa'yo!" Paninita sa'kin ni Georgia. "Ang oa niyo ah! Tignan niyo marami ng dugo kadiri." Naiinis na ako na naiiyak dahil may dugo na sandals ko.

"Kingina! Ang ganda mo sana kaso kilos lalaki amputa!" Singhal sakin ni Evien. "Ikaw nga kung manamit lalaki pero bakla naman." Sabay irap. "Tama na nga yan! Intindihin nalang natin yung sandals ng babaeng 'to!" Georgia. Napairap naman ako.

"Tinawagan ko na yung stylist. She will bring sandals here in a minute." Sabi ni Raviel. Tumango na lang ako at napaayos ng upo.

Si Eivien naman kinuha ang sandals para itapon na. Yung mga kalat sa labas ayun pinautos ni Raviel para linisin.

Hindi na rin kami nag patawag ng pulis baka magkaroon ng gulo rito sa condo.  Panay tanong sa'kin ng mga guard at nila Raviel kung ayos lang ba ako? Ako naman puro tango dahil ayokong makipag-usap sa ka nila hangga't maaari. Siguradong pakana na naman ito ni panotskie. Hindi talaga niya ako tatantanan hangga't di siya nakakaganti sa'kin. Napakuyom ang kamao.
Dumating na rin ang stylist na sinasabi ni Raviel. Hindi na ako pumili ng masusuot na sandal basta ko nalang kinuha ang box at ang laman nito ay yung white sandals na may glitters 4 inch. Kaya naman tumayo na ako pagkasuot ko nito ay mas tumangkad ako.

The Possessive CEO Owns The Bad GirlWhere stories live. Discover now