BG 9

1.8K 49 3
                                    

Chapter 9: Information

*ANGELICA*

"Lagi na lang kayong dalawa nag-aaway! Bungad niyo sa aming dalawa away-away! Di ba kayo nag-sasawa dalawa?" Inis na sabi ni Evien. "Hay naku!" Sabay tampal sa noo ni Georgia. Inis ko naman sila nilingon.

"Kayong dalawa manahimik na lang kayo!" Iritang sabi ko sa kanila. Paano ba naman kasi? Naan dito na naman si Athan. Sino ba naman ang hindi iinit ang ulo kung malalaman mo na naan dito siya? Tsk! "Tsk." Yan ang reaction ng loko. Kita niyo na? Kita niyo na!

"Nabalitaan namin nangyari sa'yo kahapon. Ayos ka na ba?" Tanong ni Georgia. Nilapag naman niya ang mga pagkaing niluto nilang dalawa. Every morning pumupunta sila rito sa condo ko para lutuan ako. Na miss raw nilang gawin yun sa'kin ang pagsilbihan. Tsk! Di ko naman sila Yaya para gawin yun. Ang kaso di ko naman sila mapipigilan kaya naman hinayaan ko na lang. "Tsk! Wala yun." Sabi ko sa kanya tsaka nag sandok ng kanin at naglagay ng ulam.

"Nakausap ko Tita mong demonyita kahapon kaya wag ako." Sabi niya. Kaya naman napatigil ako sa pag sandok at inis na tumingin sa kanya. "Wag mo ng mabanggit-banggit yan. Dahil hanggang ngayon ay nanggigigil pa rin ako sa kanya." Tsaka nag sandok ulit at nag simula na kumain.

"Hay naku! May karma naman eh." Sabi ni Evien. Umiling-iling nalang ako tsaka tinuloy na ang pagkain. Napahinto lang ako ng maalala ko yung kagabi. It was my Mom calling me yesterday. Pero hindi ko sinabi na ako yun. Kung totoong hinahanap nila ako gusto ko makita yung effort nila kung totoo nga. "Oh? Bakit ka napatigil?" Takang tanong ni Georgia. Napabalik naman ako sa wisyo at tumingin sa kanya.

"Wala wala." Sagot ko sa kanya at muli ng kumain.

"By the way, tomorrow ay may event sa company natin. We have a visitors and they are the second richest in the world." Sabi ni Athan. Napalingon naman ako sa kanya. "Sino naman sila?"

"Well, you'll know who they are tomorrow. But first, we need to buy what you'll be wearing tomorrow." Sabi ni Athan. Napairap naman ako ng di oras. "Kami na lang bibili." Sabi ko sa kanya. Umiling naman siya. "No, we'll go to my mall, and you'll get to choose what you want to wear tomorrow." Sagot niya.

"Tsk! Sumusobra kabaitan mo Athan. Baka naman mapunta ka niyan sa langit huh?" Pang-aasar na sabi ko sa kanya. Ngumisi naman siya at pinagpatuloy kumain.

Pagkatapos namin kumain lahat, ako na nag insist na mag hugas ng pinagkainan dahil nakakahiya sa dalawa kung sila pa gagawa. Pagkatapos kong maghugas ay nagpunas ako ng kamay. Bigla namang nag ring ang phone ko kaya naman kinuha ko ito sa may lamesa at tinignan kung sino ang tumatawag. Nanlaki naman ang mata ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil si Mommy tumatawag. Bigla ko naman itong dinampot at kaagad na sinagot ang tawag.

The Possessive CEO Owns The Bad GirlWhere stories live. Discover now