BG 19

1.3K 52 2
                                    

Chapter 19: Day Off 2

*ANGELICA*

Halos lahat ng nakapila ay pinag titinginan kaming dalawa pero ignore lang namin. Bumili ng dalawang ticket si Athan, pinili niya ang unlimited rides. Dahil sa excited ko ay hinila ko kaagad siya papasok. Grabe ang ganda rito! Talaga namang nakakamangha. Karamihan ang mga naan dito ay family, friends, and couples. Parang gusto kong i-try yung ekstreme tower bwhahahahahahaha!!! Joke lang syempre baka mamaya mamatay na ako ng di oras. Nakita ko yung Dodgem car/Bumper car kaya naman hinila ko si Athan palapit doon.

"Try natin dito." Masiglang sabi ko. Napakunot noo naman siyang tumingin sakin. "What? We are not kids anymore"

"Alam mo? Ang kj mo! Tara na!" Sabay hinila ko na siya para pumila. Babanggain ko siya mamaya bwahahahahahahah!!! Namili muna ako ng kotseng gagamitin ko, pinili ko ang yellow tsaka sumakay na rito. Nakita ko naman si Athan na halatang ayaw niya sa ganito kaya natawa naman ako. Pasimple kong kinuhanan ng pic si Athan at tinago ko na sa bag ko ang phone ko ng mag simula na. Unang andar ko palang maraming bumabangga sa'kin kaya naman natatawa ako, halos lahat ata ng naan dito ay binangga ko sila. Pero may ilang babae at bakla na nag papapansin kay Athan. Napairap naman ako at nilapitan ang pwesto ni Athan para banggain siya. Napatingin naman ito sa akin sabay ngumisi kaya naman natawa ako at umalis sa puwesto niya. Akala ata nila di kami magkakilala ni Athan dahil panay irap nila sa akin at binabangga rin nila ako.

Nakita ko naman na palapit na sa gawi ko si Athan kaya naman nabangga ako nito. Narinig ko naman siyang mahinang natawa kaya inis na inis kong niloko ito tsaka binangga ang sasakyan niya. Tawa kami ng tawang dalawa dahil sa kabaliwan namin. Nang matapos na ay nauna siyang nakaalis doon sa kotse habang ako naman paalis palang. Tinulungan naman niya ako kaya napangiti ako sabay tawa. May iilan pa kaming narinig na mag jowa pala sila, sayang naman. Jowa??? Hindi ko nga ito jowa eh! Putek!

"Saan mo naman gusto?" Tanong niya sa'kin. Napaisip naman ako at naghanap ng masasakyan na sunod. Pinili ko yung BUMPNSPLASH, mukhang mababasa kaming dalawa rito. May pamalit naman kaming damit dalawa kaya okay lang. Pumila na kami roon tsaka binigay kami ng life jacket para sa safety namin. Inalalayan muna akong sumakay sa boat. Nang okay na ay kaagad akong lumayo sa puwesto ng ibang tao dahil nag umpisa silang tamaan ako ng tubig kaya naman gumanti rin ako sa kanila. Nakakatuwa naman pala ang ganito dahil nakakatanggal ng stress. Nakita ko naman si Athan na para bang walang kagana gana kaya naman tinamaan ko siya ng tubig. Una pa nga nainis siya kaya tinawanan ko naman siya. Gumanti rin ito kaya naman naggantihan kaming dalawa. Napuno ng halakhak ang paligid dahil may iba nakisali sa aming dalawa kaya puro tawa lang kami. After namin dito ay nag palit na muna kami ng damit dalawa pero ako nag pantalon ako tsaka v-neck shirt na color white. Dahil sa init ay tinali ko muna ang buhok ko para naman maging presko.

Sumakay pa kaming dalawa ni Athan sa iba't-ibang rides pero yung pwe-pwede lang sa akin. Hindi ako pwede sa mga matataas dahil nga may phobia ako. Napag pasiyahan namin muna kumain ni Athan ng pizza, nachos at hotdog. Nagutom kasi kaming dalawa at nakakapagod rin naman. "Grabe ang saya pala talaga rito! Gusto ko sanang ma try yang mga yan kaso baka mawala na ako kaagad sa mundong ito. Tsk!"

"Don't... Don't say that again, we can try another games here I mean activities."

"Games? Ano naman klaseng games yan? Chess? Tagu-taguan? Habol-habolan?"

The Possessive CEO Owns The Bad GirlWhere stories live. Discover now