BG 10

1.7K 50 4
                                    

Chapter 10: TRUTH

*ANGELICA*

Naan dito na kami ngayon sa Mall and to be honest nakakairita dahil ang daming mga matang nakatitig sa'min. Tsk! Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang babae na kasama ang boss nila? Tsk! Kung sabagay wala akong magagawa kung ganun nalang sila mag selos. Isaksak nila sa baga nila yang boss nila kakairita! Napansin ko naman na nakatingin sa'kin si Athan. Napaangat ang kanan kong kilay. "Oh? Tingin-tingin mo diyan?" Mataray na tanong ko. "Tinotoyo ka na naman ba babae?" Laglag panga ako sa tinanong niya. Kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong tinotoyong pinagsasabi mo diyan?" Inis na sabi ko. Bumuntong-hininga naman ito. "Kanina pa kita napapansin na masamang nakatingin sa kanila. May problema ba?" Tanong niya. "Nakakairita kaya na titigan ka nilang lahat na akala mo eh aagawin kita sa kanila." Iritang sabi ko tsaka inirapan siya. Narinig ko naman siyang mahinang natawa kaya inis na tinignan ko ito, pero nawala ang inis ko ng tumikhim ang dalawa.

"Dito talaga kayo magbabangayan dalawa?" Tanong ni Evien. "Kahit saang lugar talaga di natitinag yang bangayan niyong dalawa. Walang pinipiling lugar talaga? Huh?" Gatong pa ni Georgia. Inirapan ko lang silang dalawa habang itong isa naman ay napangisi nalang.

Badtrip!

Pumunta kami sa may gown store. Woah! Ang gaganda ng gown!! Tapos ang gaganda ng tuxedo nila rito. Nahihiyang tumingin naman ako kay Athan. "Hmm... Pwedeng mauna na akong tumingin?" Naiilang na tanong ko sa kanya. "Go ahead." Napangiti naman ako tsaka pumasok na sa loob. May mga iilang bumati sa'kin pero di ko pinansin. May mga inaalok rin silang gown sa'kin pero tinanggihan ko. Hanggang sa may nakita akong isang magandang gown na kulay pula. Kaya naman kaagad kong pinuntahan ang pwesto nun at kinuha.

Perfect!

Kaso, kita naman ang dibdib ko rito masyadong expose. Meron din siyang slit sa gilid, at sa may bandang bewang merong golden leaves ito na nag mistulang sinturon.

[This is her gown]


"Bagay po sa inyo yan Ma'am." Napahawak naman ako sa dibdib sa sobrang gulat. Kingina! Bigla-biglang sumusulpot. "Ahhh ehh..." Naputol naman ang sasabihin ko ng sumingit ang dalawa kong kaibigan. "Ay naku girl! Tamang-tama yang pinili mo! Dali tara sukatin mo!" Sabay tulak sa'kin ni Georgia papasok sa may fitting room. Wala na akong nagawa kundi sukatin ang gown na ito. Sinara ko muna ang pinto at tinignan ko muna ang sarili ko kung babagay ba talaga sa akin ito. Nang maisuot ko na ang gown ay humarap ako sa may salamin.

"Woah!" Yan ang naging reaction ko. Grabe! Bagay na bagay sa'kin itong gown! Simple lang ito pero sobrang ganda talaga. Mas lalong lumitaw ang hubog ng dibdib ko, mas lalong expose ang ka seksihan at lalo na ang kaputian. Grabe bagay na bagay pala ito sa'kin!

"Hoi! Angelica! Lumabas ka nga diyan!" Putcha! Nagiging magugulatin na ako ah! "Oo na!!" Kinakabahan ako sa magiging reaction nila baka mamaya di pala bagay sa'kin. Binuksan ko naman ang pintuan at tsaka lumabas na ng fitting room. Pag-angat ko ng tingin lahat sila mga nakanganga at nanlalaki ang mata. Kunot-noong tinignan ko naman sila especially si Athan na grabe yung tulala. Tinignan ko naman ang reaction ng dalawang bakla at same rin ang reaction nila katulad kay Athan. Baka mamaya di bagay pala sa'kin? Kainis! Tinignan ko muna ang kabuuan ko bago tignan ulit sila.

The Possessive CEO Owns The Bad GirlWhere stories live. Discover now