CHAPTER 30

218 4 1
                                    

Mina's Pov

Lumipas pa ang ilang linggo at naging kami na nga ni Chaeyoung. Pinakilala narin niya ako sa pamilya niya, about dun sa kwintas napatawad na niya ako at tinago nalang niya ang kwintas

Lumipat narin ako sa bahay niya dahil gusto niya na magkasama nakaming dalawa. Every week bumibisita ang mga kaibigan namin at nagbobonding kami

"Chaeyoung?" pagtawag ko sakanya na nasa garden nanaman at tulala

Napapadalas na ang ganitong gawain ni Chaeyoung pero kinasanayan kuna rin

"Yes?" tanong niya

"Ano nanaman ba iniisip mo?" pagyakap ko sa braso niya na ipinatong pa ang ulo ko sa braso niya

"Nothing" laging sagot niya nalang sa tuwing tatanungin ko siya

"Hay" biglang pag alis ko sa yakap

"Are you okay?" tanong niya

"Hindi" seryosong sagot ko

"Why?" alalang tanong niya na hinawakan niya ako sa mukha

"Ano ba talaga iniisip mo? lagi ka nalang kasi nandito sa garden" sagot ko


Napabitaw siya at tumingin nanaman sa mga ulap. Tinignan niya ulit ako na napabuntong hininga


"To be honest ....iniisip ko si Yugyeom" sagot niya

"W-what?" gulat na tanong ko

"Nag aalala ako sakanya" sabi pa niya

"P-pwedi ko ba siyang puntahan?" tanong pa niya

I was hurt when i heard that. Talaga bang minahal niya si Yugyeom? nakakainis naman. Napayuko nalang ako at napahakbang ng paatras

"S-Si Yugyeom ..." sabi ko

"Mina promise ko babalik ako ..gusto ko lang siya makita" makaawang sabi niya

"M-mahal mo parin ba siya?" naluluhang tanong kuna

"Hindi, ikaw lang ang mahal ko" paghawak niya sa mukha ko

"Mina ...hindi lang ako mapakali dahil lagi ko siyang napapanaginipan, gusto ko lang siya makita yun lang" sabi pa niya

"Ang sakit kasi eh" pagpatak na ng luha ko

"Trust me please ...pangako babalik agad ako" pagpunas niya ng luha ko



Hindi nagtagal at hinayaan ko nalang siya sa gusto niya. Para malibang ang sarili pumunta nalang ako sa bar para makalimutan ang sakit na nararamdaman


Hindi ko namalayan ang oras na medyo lasing narin ako. Pasuray suray ako kung maglakad pero kaya ko pa naman. Bago pa ako makapasok sa kotse may biglang pumigil sakin


"Ako na magdadrive" sabi pa niya

"Okay sige" sagot ko na pumunta nalang ako sa passenger seat

"Are you okay?" tanong niya bigla

"Bakit ka nanaman naglasing?" tanong pa niya

"Nothing" pagtingin ko nalang sa bintana

"Okay sige" sabi nalang niya


Sa pagbibiyahe namin dalawa nakalimutan ko sabihin na hindi na pala ako nagdodorm ngayon


"Lisa? sa bahay ni Chaeyoung hindi na kasi ako nagdodorm ngayon" sabi ko sakanya na napahinto siya bigla

PANAGINIP "IKAW PARIN" - BOOK 2/ MICHAENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon