CHAPTER 18

188 4 0
                                    

Nagising si Chaeyoung na nasa ibang kwarto na siya, pagbangon niya nakita niya si Jeongyeon na nakaupo sa tabi niya


"Nasan ako?" tanong ni Chaeyoung

"Sa kwarto mo" sagot ni Jeongyeon

"Huh? pano ako napunta dito?" pagtakang tanong pa niya

"Dinala ka namin dito dahil pinatinin ka namin sa doctor" sagot pa ni Jeongyeon

"Bakit? ano nanaman bang nangyare sakin?" tanong pa ni Chaeyoung

"Hindi mo maalala? sinundo ka namin sa bahay ni Mina" sagot pa nito


Doon inilala ni Chaeyoung ang nangyare sakanila ni Mina nung gabi at nung umaga. Naalala narin niya na bigla itong sumakit ng ulo

"Naalala kuna" sabi ni Chaeyoung

"So ...kayo na ulit?" seryosong pagtingin ni Jeongyeon sakanya

"S-sino?" kabang tanong ni Chaeyoung

"Si Mina" sabi ni Jeongyeon

"Huh? ... actually hindi ko pa alam, pero sa tuwing kasama ko siya gusto ko nasa tabi ko lang siya" sagot nito

"Good to know" ngiting sabi ni Jeongyeon

"Mas maganda na may bago kayong memories ni Mina atleast ngayon mas masaya kayo kesa noon" dagdag pa ni Jeongyeon

"Bakit? ano ba kami dati?" tanong ni Chaeyoung

"Okay naman, hindi naman kayo madalas mag away pero hindi ko alam kung bakit pinili mo na makipaghiwalay sakanya" sagot ni Jeongyeon

"Kasalanan ko ba lahat?" alalang tanong pa ni Chaeyoung

"No, basta magpahinga kana muna ngayon" ngiting paghaplos ni Jeongyeon sa buhok ni Chaeyoung tsaka na umalis


Nagpasaya na munang maglakad lakad sa han river si Chaeyoung na iniisip ang mga bagay kung tama ba ang desisyon niya. Sakanyang paglalakad may biglang lumapit sakanya na tinapik ito sa balikat


"Ikaw?" sabi ni Chaeyoung sakanya

"Hi? kamusta?" ngiting tanong ni Yugyeom

"Okay naman bakit ka nandito?" sabi ni Chaeyoung

"Nakita kita kaya pinuntahan kita" sagot ni Yugyeom na sabay silang naglakad ng mabagal

"Nga pala yung nangyare sa restuarant kalimutan nalang natin yun" biglang sabi ni Chaeyoung

"Bakit naman? akala ko ba okay na tayo?  ...magkaibigan naman tayo noon eh" sabi ni Yugyeom

"Pero hindi pa bumabalik ang alala ko" sabi ni Chaeyoung na napatigil ito

"Hindi kuna hinahangad na bumalik alaala mo ang akin lang makasama kita at gumawa tayo ng bagong alala" pagtitig sakanya ni Yugyeom

"A-Ano?" di makapaniwalang tanong ni Chaeyoung

Tinawanan lang siya bigla ni Yugyeom na hinampas niya sa dibdib

"Bakit ka ba tumatawa?" inis na tanong ni Chaeyoung

"Kasi naman yung mukha mo" tuwang sagot ni Yugyeom

"Tumigil ka nga!" inis pa ni Chaeyoung

"Hindi ka talaga titigil?!" babala pa ni Chaeyoung



Naglakad ng mabilis si Chaeyoung at iniwan si Yugyeom na tumatawa pero sinundan niya parin ito. Hanggang sa hinawakan na ni Yugyeom ang kamay ni Chaeyoung

"S-sorry na" sabi ni Yugyeom

"Tss! bakit ka ba kasi tumatawa?!" inis na tanong pa ni Chaeyoung

"Hindi ka parin nagbabago" seryosong sabi ni Yugyeom

"Ano? pano?" pagtakang tanong nito

"Kasi masungit ka parin sakin" sagot ni Yugyeom


Sa pag uusap ng dalawa may biglang tumawag kay Chaeyoung at pareho silang napatingin sa babaeng padating


"Chaeyoung!" pagtakbo niya kay Chaeyoung

"Anong ginagawa mo dito?" pagyakap nung babae kay Chaeyoung na napabitaw si Yugyeom kay Chaeyoung

"Ikaw? anong ginagawa mo dito? diba dapat nagpaphinga ka?" alalang tanong nung babae

"M-Mina .." sabi ni Yugyeom

"Hi Yugyeom~" bati ni Mina

"Kumain kana ba?" ngiting tanong ni Mina kay Chaeyoung

"Hindi pa, kain muna tayo?" ngiting sabi ni Chaeyoung

"Okay tara!" tuwang sabi ni Mina

Samantala nagtataka si Yugyeom kung bakit ganun nalamang ang closeness ng dalawa dahil nung una silang nagkita nagulat si Chaeyoung kay Mina

"C-Chaeng?" pagtawag ni Yugyeom na lumingon naman sakanya si Chaeyoung

"Ano yun?" ngiting tanong ni Chaeyoung

"Bumalik na alaala mo?" seryosong tanong nito

"Hindi pa bakit? diba sinabi ko palang sayo kanina?" sabi ni Chaeyoung

"Yugyeom-ah? tara samahan mo kaming kumain" ngiting pag aya ni Mina

"Oo nga hali kana Yug" ngiting sabi naman ni Chaeyoung



Pumunta na sila sa isang restuarant at makatabi sina Mina at Chaeyoung, sobrang sweet nila at masaya sa isa't isa. Nagsusubuan pa sa harapan ni Yugyeom, wala naman nagawa si Yugyeom kundi pagmasdan ang dalawa



After nilang kumain nagpasya muna silang mamasyal sa isang arcade at doon naglaro sila. Naglaban pa si Mina at Yugyeom sa isang laro sa huli nanalo si Mina at binigay niya ang isang tiger bear kay Chaeyoung na napalanunan niya

"Hatid kuna kayo" biglang sabi ni Yugyeom

"Okay ka lang?" napansin ni Chaeyoung na tahimik at kanina pa hindi ngumingiti si Yugyeom

"Oo naman bakit?" ngiting pilit ni Yugyeom

"Wait lang guys magccr lang ako" biglang alis ni Mina


Biglang tumahimik ang paligid nila Chaeyoung at napansin niya na nakayuko lang si Yugyeom


"Sure ka na okay ka lang?" tanong ulit ni Chaeyoung

"Oo naman" sagot ni Yugyeom

"May problema kaba?" tanong pa ni Chaeyoung

"Wala naman ...pero bakit ganun Chaeng? hindi naman sa inahadlang ko ang kaligayahan mo pero bakit si Mina pa?" malungkot na tanong ni Yugyeom

"Anong ibig mong sabihin?" pagtakang tanong ni Chaeyoung

"Bakit siya pa? bakit hindi nalang ako?" naluluhang tanong ulit ni Yugyeom

"A-ano bang nangyayare sayo? a-anong sinasabi mo?" kabang tanong ni Chaeyoung

"Hindi ko alam kung nagbubulagbulagan ka lang or talagang hindi mo ako gusto .. sa umpisa palang Chaeng ikaw na ..ikaw na ang mahal ko" pagpatak na ng luha ni Yugyeom

"Yug ...hindi ko alam kung ano sinasabi mo okay? pero sana maintindihan mo ako, hindi kita maalala at hindi parin bumabalik alaala ko" sabi ni Chaeyoung

"Yun na nga, pero bakit si Mina na agad? pweding ....pweding minsan ako naman? kahit isang beses lang ..." pag iyak na ni Yugyeom

"I-i'm sorry ..." tanging sabi nalang ni Chaeyoung at biglang umalis si Yugyeom

PANAGINIP "IKAW PARIN" - BOOK 2/ MICHAENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon