CHAPTER 4

197 7 0
                                    

Nung nalinis na lahat ng kalat at inayos na ang mga kaibigan nila na mahimbing ng natutulog sa sofa at ang iba ay sa sahig na may inilagay na kama si Jihyo biglang may tumunog na ulit na phone at nakita ni Mina ang cellphone sa ibabaw ng lamesa

"Son Jungkook?" pagtakang tanong ni Mina

Bago pa mahawakan ni Mina ang cellphone nakuha na ito ni Jihyo at tinignan siya ng seryoso

"Sino siya?" tanong ni Mina sakanya
"Katrabaho ko lang" sagot ni Jihyo tsaka na lumabas ng dorm para sagutin ang phonecall

Nakita ni Tzuyu ang nangyare kaya naman nilapitan niya si Mina


"Okay ka lang?" tanong ni Tzuyu sakanya
"Hindi ko alam, pero iba kutob ko kay Jihyo" sagot ni Mina
"Bakit naman?" pagtakang tanong ni Tzuyu
"Parang may tinatago siya satin" sagot nito
"Huh? mukhang wala naman ah" sabi pa ni Tzuyu
"Kutob ko lang naman" sabi ni Mina


Pagbalik ni Jihyo humiga na ang tatlo kung saan katabi ni Tzuyu si Elkie, at nagtabi sina Jihyo at Mina sa kama na nakalapag sa sahig. Makalipas ang halos kalahating oras nakatulog na si Jihyo at doon naman pagbangon ni Mina


Nung tumayo na siya dahan dahan niyang kinuha ang cellphone ni Jihyo tsaka pumunta sa kusina. Nagulat si Mina sakanyang nalaman at nakita sa cellphone ni Jihyo

- - - - - - - - - - - ->

Kinabukasan pag gising ng mga magkakaibigan na hawak hawak ang ulo nila Dahyun,Nayeon, Jeongyeon at Sana  umupo sila sa kusina at nilapag ni Jihyo ang niluto niyang soup para sakanila

"Ayoko ng uminom" sabi ni Nayeon na minamassage ang ulo nito
"Ang sakit ng ulo ko~" paghawak ni Sana sa ulo niya
"Kumain na kayo" sabi ni Mina


After nilang nag almusal nagpaalam na muna si Mina na aalis siya dahil may kailangan itong tapusin sa trabaho niya. Pumayag naman ang mga kaibigan niya tsaka na muna ito umuwi. Habang naliligo ito hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya dahil sa nalaman niya kagabi


Pagkatapos niyang maligo kinuha na niya ang susi ng kotse tsaka na pumunta sa pinagtatrabahuhan niya. Dumaretso ito sa office ng kanyang boss kung saan abalang pumipirma ng mga files


"Oh Mina? buti andito ka?" tanong ng boss nya
"Payag na po ako" seryosong sagot ni Mina na napabitaw ang kanyang boss sa hawak niyang ballpen
"Sigurado ka?" hindi makapaniwalang tanong ng boss niya
"Opo sir, payag na ako na sa Seoul magtrabaho" nung marinig yun ng boss niya ulit natuwa ito at pinalakpaka  si Mina
"Im glad na pumayag ka, don't worry doble ang sahod mo sakin" tuwang sabi nito





COFFEE SHOP

Naghihintay ngayon si Mina sa coffee shop habang naglalaro sakanyang cellphone, maya maya pa may umupo sa harapan niya at ipinatong ang kanyang ulo sa dalawa niyang mga palad

"Annyeong~" tuwang bati nito kay Mina
"Late ka nanaman Lisa" sabi ni Mina
"Sorry na Babe~ alam mo naman kahit sunday busy sa work" nakangusong sabi ni Lisa na tinignan lang siya ni Mina
"Sowwy na pwease" dagdag pa nito
"Okay sige na i forgive you pero wag kana ulit gaganyan di ako sanay" sabi ni Mina sakanya na ininom ang coffee
"Ang sabihin mo cute talaga ako" tuwang sabi ni Lisa na nagpacute kay Mina
"Aish! tumigil ka nga" iritang sabi ni Mina


Nagorder na muna ng pagkain si Lisa sa counter, pagbalik niya nakita niya si Mina na tulala kaya naman kinaway niya ito


"Hoy! okay ka lang?" tanong ni Lisa sakanya
"A-ahm, Yup" paghawak ni Mina sa coffee niya
"So ...anong ganap? nagdesisyon kana ba?" tanong ni Lisa
"Oo" seryosing sagot ni Mina
"Ano?" kabang tanong ni Lisa na excited marinig ang isasagot niya
"Pumayag ako" sagot ni Mina na hindi yun inaasahan ni Lisa


Iniisip ni Lisa na hindi papayag si Mina sa ganun dahil dito sa Busan siya lumaki at ayaw nitong umalis. Ilang buwan palang sila magkakilala ni Mina pero gumaan na ang pakiramdam nila sa isa't isa kung saan pareho silang nagkukwento sakanilang mga buhay


"S-Sigurado ka?" nauutal na tanong ni Lisa sakanya
"Oo sure na ako" sagot nito
"Akala ko ba susuportahan mo ako kung ano man maging desisyon ko?" tanong pa ni Mina sakanya
"O-Oo, p-pero magkakalayo tayo" nahihiyang sagot ni Lisa
"Don't worry tatawagan naman kita kada week at imemessage kita araw araw" ngiting sabi ni Mina sakanya
"Okay sige ikaw bahala" ngiting sabi ni Lisa


Nagpatuloy na ang dalawa sa pagkukwentuhan na lagi nilang ginagawa kapag magkasama silang dalawa.


Samantala sa dorm nila Nayeon nagpapahinga parin sila kung saan naka higa si Jeongyeon at Nayeon sa sofa, nasa kwarto naman sina Elkie at Tzuyu at nasa Isang sofa rin sina Dahyun at Sana kung saan nagyayakapan ang dalawa. Si Momo naman nasa kusina at hindi pa tapos kumain


"Guys mauuna na akong bumalik sa Seoul" biglang sabi ni Jihyo na napaupo si Jeongyeon at Sana
"Ano? pero bakit?" tanong ni Sana
"May kailangan pa kasi akong gawin" sagot nito
"Work nanaman Unnie? magpahinga ka naman masyado munang inaabuso ang katawan mo eh" biglang sabi ni Dahyun
"Nagpapahinga rin naman ako" ngiting sabi ni Jihyo
"Kung malalaman lang ni Chaeyoung na ganyan ginagawa mo magagalit rin yun" sabi pa ni Dahyun na tumingin lahat sila sakanya at tumahimik ang paligid

Lumabas si Tzuyu sa kwarto nung marinig yun at nakita si Dahyun na may lungkot sakanyang mga mata

"Sobrang miss muna ba siya?" tanong ni Jihyo kay Dahyun
"Lahat naman tayo miss siya" malungkot na sagot nito
"Makakasama rin natin siya" sabi naman ni Jeongyeon
"Sana nga" biglang sulpot ni Momo
"Hoy Chaeyoung! kung andito ka man pwedi ba kahit konti magparamdam ka pero wag mo kaming tatakutin" sabi ni Nayeon na tumingin tingin sa bahay
"Ano ba kayo guys binabantayan naman tayo ni Chaeyoung eh" ngiting sabi ni Jihyo
"I love you Chaeng~" ngiting sabi ni Sana na tumingin tingin rin sa paligid


Hindi nila alam nasa labas na si Mina at narinig ang lahat yun, tinakpan niya ang kanyang bibig para hindi siya marinig na umiiyak tsaka ulit ito umalis


"So pano guys? alis na ako ah?" sabi ni Jihyo na kinuha na ang bag niya
"Sure ka na hindi nakita ihahatid?" tanong ni Jeongyeon sakanya
"Sure ako, sige na alis na ako enjoy kayo ah? babye" ngiting pagkaway ni Jihyo na lumabas na ng dorm
"Mag iingat ka" sabi ni Nayeon
"Magtext ka sami kung nasa Seoul kana ah?" sabi ni Dahyun
"Ingat ka okay?" sabi ni Momo
"Ingat Unnie" sabi ni Tzuyu
"Kayo rin okay? ingat parin kayo" pag alis na ni Jihyo



Pumunta si Mina sa lugar kung saan siya lagi nagpapalipas ng sama ng loob at lungkot, kung saan pwedi siyang sumigaw. Pagpunta niya doon umiyak ito ng umiyak

"Aahhhh!" pagiyaw na sigaw nito

"Chae-chaeyoungah" sabi pa nito

"M-miss nakita" pagluhod niya

PANAGINIP "IKAW PARIN" - BOOK 2/ MICHAENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon