CHAPTER 13

188 7 0
                                    

Mina's Pov

Ang tanga ko ...ang tanga tanga ko na hindi man lang inalam ang totoo. Kaya pala sinabi ni Chaeyoung na pumunta ako sa restuarant para makipagkita kay Eunha. Siguro kung hindi ako umiyak nun ..aamin sakin si Eunha nung time na yun


"Pagkatapos niyong maghiwalay sinundan ko siya sa han river doon umiyak siya ng umiyak" sabi pa ni Yugyeom

Nung marinig ko na ng dahil sakin umiyak si Chaeyoung parang durog na durog ang puso ko

"Nagpasya si Chaeyoung na mauna na siyang bumalik sa Seoul nun, pagbalik namin doon lumipas lang ang ilang araw at binisita ko siya sa bahay nila. Namasyal kami hanggang sa ..." hindi maituloy tuloy ni Yugyeom dahil naluluha ito

"Hanggang sa?" tanong ko

"Hanggang sa may dumating na lalaki at kinidnap kaming dalawa, dinala kami sa isang abandunadong building ...binugbog, sinaktan, hinayaan na magutom at pinahirapan"

Sa narinig ko nagalit at naawa ako, halo halo ng ang emosyon ko ngayon

"T-tapos anong n-nangyare?" tanong ko pa

"Hindi kuna maalala ang nangyare nun dahil pag gising ko nasa Canada na ako" sagot ni Yugyeom

"Kasalanan ko ang lahat" pag iyak na sabi ko at niyakap ang mga tuhod ko

"Ang tanga ko!" galit na pagsisisi ko sa sarili ko

"Tahan na Mina ...nangyare na eh, wala na tayong magagawa doon" pagcomfort sakin ni Yugyeom

"Pero kasalanan ko?! kung sanang pinigilan ko siyang umalis hindi sana mangyayare to!" galit na sabi ko


Niyakap nalang ako ni Yugyeom at umiyak nalang ng umiyak. After nun bumaba nakami ng kwarto para puntahan ang bahay nila Chaeyoung na alam pa ni Yugyeom

Pagdating namin sa lugar may nakita kaming isang lalaki at agad namin itong nilapitan


"Excuse po Sir? dito po ba nakatira si Son Chaeyoung?" tanong ko

Tinignan ako ng lalaki mula ulo hanggang paa na ganun rin kay Yugyeom

"Kayo po ba si Mr. Son Jungkook?" biglang tanong ni Yugyeom

"Anong kailangan niyo sa kapatid ko? sino kayo?" tanong nito

"Mga kaibigan niya po kami nasa po siya?" sabi ko

"Kaibigan? ang alam ko lang sina Jihyo ang mga kaibigan niya" sabi nito

"Jungkook? pwedi bang sabihin mo samin kung nasan si Chaeyoung?" tanong pa ni Yugyeom

"Sino ba kayo? at para sainyong kaalaman patay na ang kapatid ko" seryosong sabi nito na sinira ang gate

"Teka sandali! Mr. Jungkook?!" pagsigaw ni Yugyeom

"Sandali lang po!" sigaw ko pa pero hindi niya kami pinansin at pumasok nalang sa bahay

"Yah! Chaeyoung! alam kong nandyan ka please lumabas ka na" pag iyak na sigaw ko pa

"Kung hindi pa kayo aalis tatawag ako ng pulis!" galit na sigaw ni Jungkook mula sa bintana pagkatapos isinara niya ito



Malakas ang kutob ko na nandito si Chaeyoung alam ko yun at ramdam na ramdam ko pero bakit ganito? bakit pinaglalaruan kami ng tadhana bakit maraming humahadlang samin?!


Wala nalang kami nagawa ni Yugyeom kundi umalis sa harapan ng bahay nila. Bumalik kami sa bahay ni Yugyeom kung saan tulala ako na nasa balcony ng bahay niya


"Mina ...wag mumuna isipin si Chaeyoung" sabi ni Yugyeom

"At bakit naman?" tanong ko

"Pabayaan na muna natin siya" sagot nito

"Si Chaeyoung talaga yun! alam kong siya yun! pero bakit ganun?! bakit nila nilalayo sakin si Chaeyoung?!" galit na tanong ko na lumuluha nanaman ako

"Hindi natin sila masisisi dahil gusto lang nila protektahan si Chaeyoung" sabi nito

"Kasalanan ko ang lahat ng ito! Ahh! bakit ko ba kasi hinayaan na mangyare yun!" galit ko sa sarili ko

- - - - - - -

Lumipas pa ang ilang araw at patuloy parin ako sa paghahanap kay Chaeyoung, paulit ulit rin ako pumupunta sa bahay nila Jungkook na nagbabakasakaling makita siya don.  Sa patuloy kong paghahanap sakanya pati na sina Jeongyeon, Sana, Dahyun at Jihyo hindi na nagpapakita sakin o tumatawag man lang

Hindi ko ito sinabi kanila Nayeon dahil ayoko na makadagdag pa sakanila. Hanggat hindi ko nasisiguro na si Chaeyoung nga yun hindi ko muna sasabihin sakanila

"Isa pa nga~" sabi ko sa bartender na inabutan naman ako ng isa pang basong alak

"Maam? lasing na po kayo" sabi nito

"Hayaan mo gusto ko talagang magpakalasing" sabi ko


Pagkatapos kong ininom nanghingi ulit ako ng isa pang baso, nung iinumin kuna ito may bigla nalang kumuha

"Ganyan  ka ba kadesperada sa taong mahal mo?" tanong nung babae na tumingin sakin ng masama

"A-Ano?" tanging sabi ko dahil nagulat ako

"Halika umuwi kana" paghila niya sa kamay ko


Paglabas namin sa bar isinakay niya agad ako sa kotse niya. Paulit ulit ko siyang sinusulypan na ibang iba na siya, sobrang seryoso ng mukha at malamig sa mga taong nakapaligid sakanya

Bigla niyang inihinto ang kotse na nasa isang tahimik na lugar kami. Napansin ko rin na walang tao kaya tumingin ako sakanya ng nagtataka

"Dito tayo mag uusap" pag alis niya sa seatbelt niya tsaka lumabas na ganun rin ginawa ko

"Alam ko marami kang katanungan pero uunahan nakita ..kaya kong sagutin ang iba at hindi naman ang iba" seryosong sabi nito

"A-anong ibig mong sabihin?" pagtakang tanong ko

"Look ...i really don't know you pero dahil sa sinabi ng mga kaibigan ko mukha kailangan talaga natin mag usap" pagtingin niya sakin

Ang mga mata niya, ilong, labi at mukha wala parin pinagbago

"Magtanong kana" sabi pa niya

"Pw-pweding ...pwedi ba kitang yakapin?" naluluhang tanong ko

"Alam mo-" hindi kuna tinapos ang sasabihin niya ng bigla ko siyang yakapin ng mahigpit

"Miss? hindi mo pweding gawin dahil hindi kita kilala" sabi nito

"Please ...kahit ngayon lang sobrang namiss talaga kita" pag iyak na sabi ko

"Okay sige bibigyan kita ng ilang minuto after nun mag uusap na tayo" sabi niya na mas lalo ko siyang niyakap


"Salamat Chaeng"

Naramdaman ko na dahan dahan niyang hinaplos ang likod ko na ikinatuwa ko. Niyakap ko na umiiyak at paulit ulit na sinasabing namiss ko siya

PANAGINIP "IKAW PARIN" - BOOK 2/ MICHAENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon