CHAPTER 26

214 6 2
                                    

"Bakit ka nagpakita kay Chaeyoung?!" galit na paghawak ni Yugyeom sa damit ni Woojin

"At bakit hindi?! sino kaba para pigilan ako?" tuwang tanong ni Woojin

"Wag muna ulit siyang sasaktan!" babala ni Yugyeom

"Alam mo masyado kang nagpapaka baliw sakanya! alam mo rin sa sarili mo na hindi ka naman talaga mahal ni Chaeyoung!" sabi ni Woojin

"Shut up! ... girlfriend kuna siya at alam ko na ako na ang mahal niya" tumawa lang si Woojin nung marinig niya yun

Dahan dahan na bumitaw si Yugyeom sa damit ni Woojin at hinayaan lang ito tumawa

"Sobrang tanga mo naman" pagtawa parin ni Woojin

"Alam mo Bro ..tigilan muna kakahabol mo sakanya dahil kahit kailan hindi ka niya MA-MA-HA-LIN!" dagdag pa ni Woojin na mas lalong ikinagalit ni Yugyeom

Sa sobrang galit sinuntok niya bigla si Woojin at napaupo sa sahig na dumugo rin ang ilong. Asar na tumawa ulit si Woojin habang tinitignan si Yugyeom na nagagalit



"Isa lang ang hiling ko ...sana hindi kita naging kapatid" pagtayo ni Woojin tsaka na umalis






Yugyeom's Pov

Nagsisisi rin ako naging kapatid ko ang isang tulad mo Woojin! ...napaupo nalang ako sa sofa nung umalis siya. Hindi ko buong kapatid si Woojin, magkapatid lang kami sa Ina pero iba ang Ama. Ako ang mas nakakatandang kapatid at nalaman ko lang na magkapatid kami nung nangyare ang insidente na yun



*flashback

Tangka na akong sasaksakin ni Woojin ng biglang dumating ang mga pulis. Nagulat siya at tinutukan agad siya ng mga pulis, hindi na nanlaban pa si Woojin kundi ipinosas na ito at isinakay sa kotse


Bago ako mawalan ng malay nakita ko na nauna ng nawalan ng malay si Chaeyoung dahil narin sa mga pasa, sakit, at pagod na naransan niya. Pag gising ko nasa hospital na ako, habang nagpapahinga tumawag bigla ang Mama ko


*Bakit po Ma?

*A-Anak ...k-kamusta ka?

*Okay naman ako Ma

*A-Anak may sasabihin ako ...

*Ano po?

*Wag mo ....wag mo papakulong si Woojin p-please ...


Nagulat ako sa sinabi niya, pano niya kilala si Woojin? at bakit ayaw niyang ipakulong ko ito???

*Anak please ...n-nakikiusap ako

*B-Bakit? ..

*D-Dahil ....kapatid mo siya


Parang tumigil ang mundo ko sa sagot niya ..kapatid ko?? sino?? si Woojin?! tama ba narinig ko?! hindi totoo to! gusto niya akong patayin pati na si Chaeyoung kaya bakit ko siya hindi ipapakulong?!

Tatlong araw nung nadischarge ako sa hospital, paglabas ko pinuntahan ko agad kung saan nakakulong si Woojin. Paglabas niya nakaposas ito at nakangiti sakin


"Hey Brother! how are you?" ngiting tanong niya na ikinasusuklaman ko

"Siraulo ka!" tangka kuna sana siyang susuntukin ng paulit ulit lumalabas sa isip ko ang

Kapatid mo siya ...

"Sabihin mo?! sino kaba talaga?!" galit na tanong ko sakanya tsaka ako umupo ulit

PANAGINIP "IKAW PARIN" - BOOK 2/ MICHAENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon