CHAPTER 17

213 6 0
                                    

Chaeyoung's Pov

Pag gising ko may magandang babae na sa tabi ko, napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Hinaplos ko ang mukha niya at hindi ko alam masaya ako sa tuwing kasama ko siya, nung unang makita ko siya iba na talaga naramdaman ko sakanya

Sana bumalik na alaala ko. Habang pinagmamasdan parin ang mukha ni Mina dahan dahan itong gumalaw at binuksan na ang mga mata. Ngumiti ito at niyakap ako ng mahigpit


"Goodmorning" ngiting bati niya sakin na niyakap ko rin siya

"Goodmorning" ngiting bati ko naman

"Bangon na tayo?" pag aya ko pa

"Ayoko pa~ magstay na muna tayo ng ganito" sagot niya



Binigyan ko pa siya ng time na magcuddle kaming dalawa hanggang sa bigla nalang tumunog ang phone ko


"Si Jihyo Unnie" pagtingin ko kay Mina na kinuha ang phone ko

"Sige sagutin mo" sabi nito


Tumango ako sakanya tsaka muna ako lumabas ng kwarto, pagkatapos namin mag usap ni Jihyo pumasok na ulit ako sa loob at nakita si Mina na hinihintay ako


"Anong sabi?"tanong nito

"Tinatanong niya kung nasan ako" sagot ko

"Anong sabi mo?" tanong pa niya

"Sabi ko nasa bahay parin ni Dahyun" sagot ko

"Alam ba ni Dahyun na nandito ka?" tanong pa nito

"Yup, naiintindihan ako ni Dahyun" ngiting sagot ko

"Salamat naman kung ganun" ngiting pagyakap niya ulit sakin

"Sobrang clingy mo pala" ngiting paghaplos ko sa mukha niya

"Sayo lang" sabi niya

"Kiss mo nga ako" sabi ko ns hinalikan niya ako sa labi

"Kiss ko?" nakangusong sabi niya na nakangiti ko rin siya hinalikan

"I love you~" sabi niya

"I love you too~" ngiting sabi ko


Nagpatuloy lang kami sa pagcuddle ni Mina hanggang sa umabot na ng 11am at hindi parin kami bumabangon. Tumawag ulit si Jihyo tinatanong kung nasan nanaman ako, sinabi ko na umalis na muna ako at gusto kong mapag isa


Pagpatak na ng 12pm bumangon nakami ni Mina at paglabas ko sa banyo nakita ko siya na nagluluto. Nilapitan ko at niyakap siya sa likod at inamoy amoy ang leeg niya


"Ang bango naman ng Minari ko~" ngiting sabi ko

"Mas mabango ang Chaeyoungie ko~" ngiting sabi naman niya

"Mukhang masarap ah" sabi ko na tinignan ang niluluto niya

"Mas masarap ako diba?" pabirong tanong niya na hinalikan ko siya bigla sa leeg

"Yah! Chaeyoungie~ nakikiliti ako" tuwang pagpigil niya sakin

"Sabi mo kasi masarap ka eh" ngiting biro ko

"Totoo naman ah?" sabi niya na hinalikan ko ulit siya sa leeg

"Chaeyoung! Yah! n-nakikiliti ako~" tuwang sabi niya ulit



Sa aming paglalambingan bigla nalang ako nahilo at napabitaw kay Mina hanggang sa hinawakan ko nalang ang ulo at napasigaw sa sobrang sakit

"Chaeyoung!" alalang pagsigaw ni Mina

"Aahhhh!" pagpikit ko at napaupo ako

"Chaeng? okay ka lang?" alalang tanong pa niya

"Aaahhhh!!" sigaw ko pa

"T-tawagin m-mo si D-Dahyun" sabi ko

Nakita ko siya na dali dali niyang kinuha ang phone at tinawagan nga si Dahyun after ng ilang minuto bumalik na siya sakin

"Halika Chaeng magpahinga kana muna sa kwarto" pag alalay niya sakin

"A-ang sakit" paghawak ko parin sa ulo ko

"Aahhh!" pagsigaw ko ulit na nasa harap nakami ng kwarto

Hindi ko alam kung ano nangyayare sakin at kita kay Mina ang sobrang pag alala

"Sige na humiga kana muna" pagkumot niya sakin na nakahiga na ako sa kama

"Hintayin mo ako dito kukuha lang ako ng tubig" sabi pa niya


Tangka kuna sanang hahawakan ang kamay niya pero mabilis itong nakaalis. Gusto ko na nasa tabi ko lang siya hanggang sa bumalik na siya na may dalang basong tubig


"Uminom kana muna" pag alalay niya sakin na umupo ako at uminom

"Parating na sina Dahyun dito hintayin mo lang sila" alalang dagdag pa niya

"Salamat" biglang paghabol na hininga ko

"Masakit parin ba?" tanong pa niya na hinawakan ng mahigpit ang kamay ko

"Don't worry headache lang to" ngiting pilit na sabi ko

"Magpagaling ka please" naluluhang sabi niya

"Para sayo magpapagaling ako" ngiting sabi ko







Third Person

Hanggang sa nakatulog na si Chaeyoung at dumating na si Dahyun kasama si Jeongyeon. Pagpasok nila sa bahay dumaretso sila sa kwarto at nakita nila ang kaibigan na mahimbing na natutulog


"Anong nangyare?" tanong ni Dahyun kay Mina

"Bigla nalang sumakit ang ulo niya" sagot ni Mina

"Kumain na ba siya?" tanong pa ni Dahyun

"Nagluluto palang ako" sagot nito

"Hindi niya siguro nainom ang gamot niya kagabi at ngayon kaya siguro siya sumakit ng ulo" biglang sabi ni Jeongyeon

"Iuuwi na muna namin siya Mina" seryosong sabi ni Dahyun na nagulat si Mina

"Huh? h-hindi" paghawak niya sa kamay ni Dahyun

"Mina ...hindi pa totally magaling si Chaeyoung kaya hayaan mumuna na ipatingin muna namin siya sa doctor niya" sabi ni Dahyun

"Tama si Dahyun, pinagbigyan kana namin na magkita kayong dalawa so sana pagbigyan mo rin kami para sa ikabubuti niya" dagdag pa ni Jeongyeon

"K-Kailan ulit kami magkikita?" naluluhang tanong ni Mina

"Kapag magaling na siya, don't worry iuupdate lagi kita sa kalagayan niya" ngiting sagot ni Dahyun


Hanggang sa binuhat na ni Jeongyeon si Chaeyoung at ipinasok ito sa kotse. Wala ng nagawa si Mina kundi hayaan na muna sila para narin kay Chaeyoung


"Mina? wag kang mag alala alam ko na magiging masaya ulit kayo ni Chaeyoung at tutulungan naman kita basta sumunod kalang rin samin" ngiting sabi ni Dahyun na nasa harap na sila ng dorm

"Okay sige maraming salamat sa tulong niyo, kung maaari itext mo ako lagi sa kalagayan ni Chaeyoung" alalang sabi ni Mina

"Pangako iuupdate kita sige na mauuna nakami" ngiting pagyakap niya kay Mina

"Bye Mina~" pagkaway ni Jeongyeon mula sa loob ng kotse

"Ingat kayo okay? ingatan niyo si Chaeyoung" sabi ni Mina tsaka na sila umalis

PANAGINIP "IKAW PARIN" - BOOK 2/ MICHAENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon