CHAPTER 12

175 7 0
                                    

Tatlong araw na nakakalipas at nagpasya si Mina na umalis na sa bahay ni Jihyo. Umalis siya nung time  na nalaman niyang buhay si Chaeyoung. Mula nung nangyare yun hindi na nagusap pa ang dalawa at pilit hinanap ni Mina si Chaeyoung


Alam narin nila Jeongyeon ang nangyare kay Jihyo at kay Mina dahil sinabi ito ni Jihyo sakanila. Nagulat rin sila sa kwento nito pero dahil sa kagustuhan ni Jihyo na ayaw magkita ang dalawa, wala narin nagawa sina Jeongyeon kundi iwasan narin si Mina para sa ikabubuti ni Chaeyoung


"Mina? are you okay?" tanong ng kasamahan niya sa trabaho

"Yup" ngiting pilit ni Mina

"Let's hang out guys!" tuwang pag aya nung isa nilang kasama

"G ako!" tuwang sagot ng iba

"Sama rin ako!" sabi nung iba

"Ikaw Mina? sama kana minsan lang to" ngiting pag aya sakanya ng kasama niya

"No thanks may pupuntahan kasi ako mamaya" sagot ni Mina

"Pero minsan lang to Mina sumama kana" nakangusong sabi nung kasamahan niyang babae

"Okay fine pero saglit lang ah?" pagsang ayon na ni Mina na natuwa ang lahat

"Okay! magpapareserve na ako" tuwang sabi nung isa


After ng work nila sabay sabay na silang lumabas ng building at pumunta sa isang bar kung saan nagpareserve sila doon. Pagdating doon masaya silang nagsiyahan at kumanta pero si Mina nakaupo lang sa sulok habang pinanonood ang mga kasama niya


"Hey Mina? bakit hindi ka uminom?" pag abot sakanya ng beer ng kasama niya

"Oh! thanks" ngiting pagtanggap ni Mina tsaka niya ito ininom

"Ayan!" tuwang sabi pa ng kasama niya

"Tara Mina sayaw naman tayo" pag aya naman nung isa

"Sorry hindi ako marunong sumayaw" sabi ni Mina


Pero dahil mapilit ang mga kasama niya sumayaw ito at kumanta narin. After ng ilang oras nalasing na si Mina na ganun rin ang mga kasama niya nagpaalam na muna ito na magccr at lumabas ng kwarto

Pagdating sa cr doon nagsuka siya ng nagsuka, binasa niya ang mukha niya at pilit na naglakad ng maayos pero hindi niya ito magawa dahil narin sa kalasingan. Paglabas niya ng banyo nakita niya na may naghihintay na lalaki at agad hinawakan ang bewang ni Mina


"S-sino ka?" tanong ni Mina sakanya

"Lasing kana halika doon tayo sa isang kwarto" sagot nung lalaki na tumingin tingin sa paligid

"T-teka~ s-sino kaba?" lasing na pagturo niya sa lalaki na inalis ang pagkakahawak sa bewang niya

"Don't worry alam kong gusto mo rin ito" paghawak ng lalaki sa mukha niya pero sinampal ito ni Mina

"Bastas ka!" galit na pagsampal sakanya ni Mina

"Tss! hard to get kapa ah!" paghila ng lalaki sakanya


Bago pa tuluyan maipasok nung lalaki si Mina sa kwarto may biglang dumating at sinuntok ang lalaki


"Sht! bakit mo ginawa yun?!" galit na tanong ng lalaki sa dumating

"Ikaw?! bakit mo siya pinipilit na isama? kahit ayaw niya?!" tanong nung dumating

"Girlfriend ko siya!" sagot nung lalaki

"Talaga?! sige nga tanungin natin siya" sabi nung dumating at tumingin kay Mina

"Boyfriend mo ba ang lalaki na to?" tanong na pagturo ng dumating sa lalaki

"H-Hindi~ n-ni hindi ko n-nga siya kilala" lasing na sagot ni Mina na nakapikit na ang mata at pasuray suray na nakatayo

"See ..hindi ka naman pala niya kilala" sabi nung dumating at inakbayan niya si Mina palabas ng bar



Sumunod ang lalaki at pilit na kinukuha si Mina sakanya pero malakas ang dumating at sinuntok ito ng malakas na natulog ang lalaki sa sahig. Ipinasok nung dumating si Mina sa kotse niya tsaka sila pumunta sa isang bahay


"C-Chaeyoung-aaah!! nasan kana~" lasing na sabi ni Mina na nakahiga na ito sa kama

"Hinahanap ko rin siya" sagot nung kumuha kay Mina

"N-nasan kana~" sabi pa ni Mina

"Talagang mahal mo siya ah? ...alam mo rin ba na mahal ko rin siya?" pagtitig niya kay Mina

- - - - - - -

Pag gising ni Mina hawak hawak niya ang ulo niya at nakita niya hindi niya ito kwarto. Pagbukas ng pinto nagulat siya sa nakita niya

"Y-Yugyeom?" pagtakang tanong nito

"Goodmorning" ngiting bati nito sakanya na inilapag ang pagkain sa harapan ni Mina

"Anong ginagawa ko dito?" tanong pa ni Mina

"Hindi mo ba maalala ang nangyare kagabi?" tanong ni Yugyeom sakanya

"Ang alam ko nagkayayayaan ang mga kasama ko sa trabaho, uminom kami at nalasing ako ...naaalala ko yung sa cr na may humila sakin na lalaki" sagot nito

"Yup, at alam mo ba na gusto kang irape ng lalaki na yun?" tanong pa ni Yugyeom na napatingin si Mina ng seryoso sakanya

"A-ano?! n-nagalaw b-ba niya ako?" takot na tanong ni Mina

"Syempre hindi, dahil dumating ako para iligtas ka sakanya ...nandun rin ako sa bar na yun pero diko alam na nandun ka"paliwanag ni Yugyeom

"Hanggang sa nakarinig nalang ako ng sigaw at pumunta ako sa cr ng babae at nakita kita na pilit hinihila nung lalaki kaya ayun lumapit ako" dagdag pa ni Yugyeom

"S-salamat sa pagligtas mo sakin" sabi ni Mina

"Sige na kumain kana muna" ngiting sabi ni Yugyeom at tangka na itong lalabas ng kwarto nung tawagin siya ni Mina

"Sandali!" sabi ni Mina

"Yung dun sa restaurant? si Chaeyoung yun diba? pero bakit hindi niya tayo maalala?" tanong pa ni Mina


Hindi nakasagot si Yugyeom na napayuko nalang ito at dahan dahan umupo sa kama. Samantalang si Mina naghihintay siya ng sagot mula sakanya


"Gusto mo ba malaman ang totoo?" alalang tanong ni Yugyeom

"Oo" disedidong malaman ni Mina

"Nandun ako nung nakipag hiwalay siya sayo, narinig ko lahat ng pinag usapan niyo nung time na yun pero alam mo ba kung ano talaga ang dahilan kung bakit niya ginawa yun?" sabi ni Yugyeom

"A-ano?" kabang tanong ni Mina

"Dahil kay Eunha ...may sakit si Eunha at nagpaubaya si Chaeyoung" nagtaka si Mina sa sagot ni Yugyeom

"Ano? hindi ko maintindihan" sabi ni Mina

"Gusto ka ni Eunha nung time na yun Mina ...at sinabi ni Eunha na may sakit siyang cancer kay Chaeyoung, ang tanging hiling nalang niya makadate o maging girlfriend ka niya"


Ngayon nalaman na ni Mina ang totoo nakonsesnya siya sa sarili niya dahil hinayaan niya lang na iwan siya ni Chaeyoung at nagalit ito sakanya

PANAGINIP "IKAW PARIN" - BOOK 2/ MICHAENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon