CHAPTER 9

182 9 1
                                    

"Chaeyoung?!" gulat na sabi nung babae

Pagtingin nila Chaeyoung sa babae nagtaka ito dahil hindi niya kilala ang babae hanggang sa bigla niya nalang niyakap si Chaeyoung ng mahigpit habang umiiyak


"A-ahm, Miss?" sabi ni Chaeyoung na sinusubukan alisin ang pagkakayakap

"I miss you Chaeng" pag iyak pa ng babae

"K-Kilala mo ako?" doon bigla inalis ng babae ang yakap at tinignan si Chaeyoung

"Ano bang sinasabi mo? ako to si Mina" pagpatak ng luha ni Mina nung sinabi niya yun

"S-Sorry hindi kita kilala" seryosong sabi ni Chaeyoung


Nanlambot si Mina at napaatras nalang siya dahil sakanyang narinig. Dahan dahan niyang hinawakan ang mukha ni Chaeyoung kung saan sobra nya itong namiss


"Chaeyoung ...ako to si Mina ang taong mahal mo" sabi pa nito na nagulat si Chaeyoung

"A-ano?" hindi makapaniwalang tanong ni Chaeyoung

"Sandali nga! s-sino ba talaga kayo?!" biglang pagtayo ni Chaeyoung na tinignan sina Yugyeom at Mina

"Chaeng ..." sabi ni Yugyeom

"Chaeyoung a-ano bang nangyayare sayo?" pag iyak ni Mina



Hindi sumagot si Chaeyoung dahil naguguluhan ito sa mga nangyare hanggang sa lumabas nalang siya bigla sa restaurant at iniwan ang dalawa. Tumakbo ito ng tumakbo dahil gusto niyang makalayo sa dalawa, alam ni Chaeyoung na tinatawag siya ng dalawa at sinundan siya ng mga ito kaya naman iniligaw niya ito


Umiiyak na si Chaeyoung na hinahabol ang hininga niya, nasa isang madilim na lugar siya at hindi alam kung saan ito. Kinuha nya ang phone nya para tawagin si Jihyo at sinabi kung nasan siya ngayon. Makalipas ang mahigit ng sampung minutong paghihintay may biglang huminto na kotse sa harapan ni Chaeyoung


"Chaeyoung!" alalang pagbaba ni Jihyo na nakita si Chaeyoung na yakap yakap ang mga tuhod nya at umiiyak

"U-Unnie" pag iyak ni Chaeyoung hanggang sa nawalan ito ng malay

"Chaeyoung?! Chaeng gising?!" alalang sabi pa ni Jihyo


Dali dali na niya itong ipinasok sa kotse at dinala sa bahay nila. Pagdating nila sa bahay idinala na niya si Chaeyoung sa kwarto at tinawag ang doctor


Tinawag rin ni Jihyo ang mga kaibigan nila at pamilya ni Chaeyoung. Isa isa na sila nagdatingan hanggang sa dumating narin ang doctor at tinignan si Chaeyoung na nakahiga sa kama at walang malay


"Doc? kamusta po siya?" alalang tanong ni Jihyo

"Mukhang napagod siya at na stress dapat na muna siyang magpahinga ngayon" sagot ng doctor

"Doc? babalik pa po ba ang alaala ni Chaeyoung?" biglang tanong ni Jungkook na tumingin sila sakanya

"Dahil sa kondisyon niya ngayon, hindi ko pa alam" sagot ng doctor na tumango nalang si Jungkook

"Make sure naiinom niya parin ang mga gamot niya at nakakapagpahinga siya ng maayos bawal rin sakanya ang mastress at kung maaari wag niyo na muna ipaalala sakanya ang bagay na nakalimutan niya" sabi pa ng doctor

"Sige po doc maraming salamat po" sabi ni Jihyo

"Maraming salamat po doc" sabi naman ni Sana at Dahyun

"You're welcome tawagan niyo nalang ulit ako kung may nangyare ulit sakanya" ngiting sabi ng doctor at umalis na

Pagkaalis umupo si Jungkook sa tabi ni Chaeyoung at hinawakan ang kamay niya

"Sorry Chaeng ..kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyayare sayo ngayon ito" sabi ni Jungkook

"I'm sorry" dagdag pa niya


Lumabas na muna sina Jihyo para iwanan muna ang magkapatid. Pumunta sila sa kusina doon nagtimpla ng kape si Dahyun at binigyan ang mga kaibigan niya


"Anong nangyare Unnie?" paglapag ni Dahyun ng kape sa harapan ni Jihyo

"Hindi ko rin alam, tumawag nalang siya bigla sakin at narinig ko na umiiyak sinabi niya na nasa isang madilim na lugar sya" paliwanag ni Jihyo

"Bakit sya nandon?" tanong ni Sana

"Hindi ko alam, si Chaeyoung lang ang makakasagot nun" sagot pa ni Jihyo

"Kailangan natin mag doble ingat dahil hindi pa totally okay si Chaeyoung" sabi ni Jeongyeon

"Tama ka, kaya kayo wag niyo na babanggitin ang mga pangalan nila Mina" babala ni Jihyo sa mga kaibigan niya

"Pano si Nayeon? eh girlfriend ko yun" sabi ni Jeongyeon

"Ewan ko pero kung maaari lang guys wag nanatin ipaaalala sakanya ang mga bagay na lumipas na" pakiusap ni Jihyo

"Pero Jihyo Unnie? nakatira si Mina sa bahay mo pano yun eh malapit lang sila?" tanong ni Dahyun na narealize yun ni Jihyo

"Bahala na pero mas maganda siguro na hindi na sila magkita" seryosong sagot ni Jihyo

"Ano?! pero parte si Mina sa buhay ni Chaeyoung at hindi natin mahahadlang yun" hindi pagsang ayon ni Dahyun

"Noon yun Dahyun-ah ..hindi na ngayon" sabi ni Jihyo

"Sinisira muna ba ang kaligayahan ni Chaeyoung?!" galit na tanong ni Dahyun

"At bakit ko naman gagawin sakanya yun?! gusto kong sumaya si Chaeyoung pero hindi sa paraan na, sasaya siya pero ikakasakit niya rin!" galit na pagturo ni Jihyo kay Dahyun



Tumahimik nalang sila hanggang sa bigla nalang umalis si Dahyun na agad syang sinundan ni Sana. Napatingin nalang si Jeongyeon kay Jihyo at huminga ng malalim



"Naiintindihan ka namin Jihyo pero tama rin naman si Dahyun" biglang sabi ni Jeongyeon

"Intindihin niyo nalang ako please para kay Chaeyoung rin naman ang ginagawa ko" makaawang sabi ni Jihyo

"Pero wala tayong karapatan na pigilan si Chaeyoung sa gusto niya" sabi pa ni Jeongyeon

"Hindi naman natin siya pinipigilan, iniiwasan lang natin siya sa mga bagay na hindi makakapagpabuti sakanya" kita sa mga mata ni Jihyo na maiiyak na to

"Ni hindi nga natin alam kung mahal niya parin si Mina  ...ilan taon na lumipas wag nanatin ibalik ang mga masasamang nakaraan na yun" dagdag pa nito


Hindi na nagsalita pa si Jeongyeon at pumunta nalang sila sa kwarto ni Chaeyoung para tignan ang kalagayan nito. Nadatnan nila si Jungkook na natutulog habang hawak ang kamay ni Chaeyoung

PANAGINIP "IKAW PARIN" - BOOK 2/ MICHAENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon