CHAPTER 3

217 7 0
                                    

"Yah! Jihyo at Sana! bilisan niyo!" pagsigaw ni Jeongyeon sakanila
"Oo heto na patapos na!" pabalik na sigaw ni Jihyo


Maya maya pa lumabas na sina Jihyo at Sana sa kwarto, pagbaba nila nakita nila ang naiinis na si Jeongyeon at natutulog na si Dahyun sa sofa


"Tara na" ngiting sabi ni Jihyo
"Almost 30 minutes kayo nagpapalit ng damit?!" inis na sabi ni Jeongyeon
"Sorry na Jeong" pacute na pagakbay ni Sana sakanya
"Tumigil ka nga! gisingin mo nalang si Dahyun" sabi nito tsaka na lumabas ng bahay ni Jihyo
"Hey Dahyun-ah? gising aalis na tayo" pagtapik sakanya ni Sana na nagising na ito
"Hali nakayo guys bago pa sumabog si Jeongyeon" sabi ni Jihyo tsaka na lumabas na sinundan naman ng dalawa


Pagsakay nila pinaandar na agad ni Jeongyeon ang van tsaka na umalis. Habang nasa biyahe nasila biglang may tumawag kay Sana na sinagot niya agad ito


"Sino yun?" tanong ni Jihyo na nakaupo sa passenger seat
"Si Mina tinatanong niya kung nasan na daw tayo" sagot ni Sana
"Isang oras pa ang biyahe" sabi ni Jeongyeon na wala man lang expression sa mukha
"Hoy Jeongyeon! hanggang ngayon nagagalit ka parin dahil matagal kami?!" tanong ni Jihyo sakanya
"At bakit hindi?! kung binilisan niyo lang edi sana nandun na tayo" inis na sagot nito
"Bakit? makakarating rin naman tayo dun eh!" inis na sabi ni Jihyo
"Kahit na! atleast maaga tayo diba?!" sabi naman ni Jeongyeon


Nanuod nalang sina Sana at Dahyun sa pag aaway ng dalawa habang nasa biyahe sila. Makalipas ang isang oras nakadating na sila sa busan kung saan hinihintay na sila ng kanilang mga kaibigan

Pagbaba ni Jeongyeon at Jihyo napansin nila Nayeon na wala sa mood ang mga ito. Samantala sina Sana at Dahyun isa isang niyakap ang mga kaibigan nila


"Anong nangyare? bakit ganyan mga itsura niyo?" tanong ni Nayeon sa dalawa
"Tanungin mo si Jihyo" inis na pagpasok ni Jeongyeon sa dorm
"What?! ako pa talaga huh?!" inis na pagsigaw ni Jihyo sakanya
"Hey hey calm down wag niyo naman sirain ang araw ko" sabi ni Momo
"Pasensya na, away magkaibigan lang to" sabi ni Jihyo tsaka na rin pumasok sa dorm



Pumasok na ang magkakaibigan sa dorm, habang nasa loob nagpahinga na muna sina Dahyun at Jeongyeon sa sofa na nanonuod ng basketball sa tv. Sina Nayeon at Jihyo naman ang nagluluto sa kusina na kasama rin si Sana at Mina



"Nasan si Tzuyu?" tanong ni Sana sa mga kaibigan niya
"Sinundo niya lang ang girlfriend niya" sagot ni Mina
"Ahh may darating pa?" tanong pa ni Sana
"Wala na, kayo lang mga ininvite ko ayoko ng maraming bisita" biglang sulpot ni Momo habang pinupunasan ang buhok niya dahil kakatapos niya lang maligo
"Ah! Happy birthday Momo-chan!" tuwang sabi ni Sana tsaka niya ito niyakap
"Salamat Sana-chan" tuwang sabi ni Momo


Habang abala ang lahat sakanilang mga ginagawa may biglang nagdoorbell at pinagbuksan naman ito ni Mina. Nakita niya na sina Tzuyu kasama ang girlfriend nito


"Hi Mina Unnie~" pagbati ng girlfriend ni Tzuyu
"Hello, hali kayo pasok na" sabi ni Mina na pumasok na ang dalawa

"Oh! Hi Elkie!" tuwang paglapit ni Nayeon sakanya
"Hi Unnie" tuwang pagyakap ni Elkie sakanya
"Sige upo ka muna don" sabi ni Tzuyu na pinaupo siya sa sofa kung nasan sina Dahyun
"Siya girlfriend mo?" tanong ni Jeongyeon kay Tzuyu
"Oo Unnie" ngiting sagot ni Tzuyu


Samantala nakatitig lang si Dahyun kay Elkie na napansin ito nila Jeongyeon at Tzuyu. Nagtaka ang dalawa kung bakit ganun nalang ang titig niya sakanya

Maganda siya ah ..well magaling talaga magsungkit si Tzuyu ng babae iba rin ..sa mga isipan ni Dahyun habang tinitignan si Elkie



"Hoy Dahyun-ah?!" gulat ni Dahyun nung tinawag siya ni Jeongyeon
"Okay ka lang?" tanong pa ni Tzuyu sakanya
"A-ahm, okay lang" sagot ni Dahyun
"Pasensya na kung ngayon ko palang siya napakilala sainyo galing kasi siya sa US tumira siya don ng mahigit isang taon" paliwanag ni Tzuyu
"Okay lang atleast andito na siya ngayon diba? at masaya kana" ngiting pilit na sabi ni Dahyun
"Oo naman" ngiting pag akbay ni Tzuyu kay Elkie
"Btw im Dahyun" ngiting sabi nito
"And im Jeongyeon" pagkaway nito


Hindi nagtagal at nagsimula na silang magparty kung saan nagdecorate pa sila at nagluto ng maraming pagkain. Naglabas narin ng soju si Momo kung saan siya ang bumili at uminom na sila


"Happy birthday MOMO!" ngiting sabi nila Jeongyeon at Sana na itinaas ang baso na may laman soju
"Happy birthday!!!" tuwang sabi ni Tzuyu at Mina
"Cheers! to the girl who good at dancing" ngiting sigaw ni Nayeon na itinaas ang baso niya tsaka sila nag cheers
"Thank you guys~" ngiting sabi ni Momo
"Ubusin natin ang lahat ng alak na nandito walang magtitira ah? tutal sunday naman bukas" tuwang sabi ni Jeongyeon


At nagsimula na nga silang uminom at magsaya. Kumanta silang lahat at ang iba naman sumayaw, maya maya pa biglang may nagring na cellphone at hinanap kung kanino ito

"Ow! wait lang guys sagutin ko lang" pagtaas ni Jihyo sa cellphone niya tsaka siya lumabas ng dorm

Pagbalik niya seryoso na ang kanyang mukha, bumalik ito sakanyang kinauupuan ng tahimik at uminom ng alak na inubos ang isang baso

"Are you okay?" tanong sakanya ni Jeongyeon
"Yup" ngiting pilit na sagot ni Jihyo

"Guys! cheers!" lasing na sabi na ni Momo
"Cheers!!!" tuwang sabi ng lahat

Biglang tumayo sina Nayeon at Jeongyeon tsaka kinuha ang mic at pumunta sa harapan ng mga kaibigan nila. Doon kumanta at sumayaw sila



🎶🎤 Niga wonhaneun geu mari mwoya Naege malhaebwa - Jeongyeon

Niga museun mareul haejundedo Naneun naraga - Nayeon

Jeil dalkomhan geu mareul Wonhandamyeon nareul bwa  - Jeongyeon



Naghiyawan ang mga kaibigan nila at natuwa, tinakpan ni Sana ang mata ni Dahyun sa pagsasayaw ng dalawa na sobrang sexy



Saranghae - Nayeon  (Saranghae) - Jeongyeon

I love you - Nayeon  (I love you) - Jeongyeon


"Whooaa~" tuwang pagsigaw ni Momo
"Wangya ang sexy ah!" dagdag pa ni Sana
"Woy may bata dito!" pabirong pagsigaw ni Jihyo na tumingin si Dahyun sakanya ng masama
"Ang cool" tuwang sabi ni Elkie
"Yan ang mga Unnies ko" sabi naman ni Tzuyu
"Sana OL!" tuwang sigaw ni Mina

Pagkatapos kumanta ng dalawa hinila ni Nayeon si Jeongyeon palapit sakanya tsaka niya ito hinalikan

"Mga bastos! may single dito hoy!" sigaw ni Jihyo
"Whooaaa! more! more! more!" tuwang sigaw ni Dahyun na sinusubukan siyang takpan ni Sana sa bibig pero hindi niya ito magawa
"Oyyy! birthday party to hindi kissing party!" pagsigaw ni Momo


Bumalik na ang dalawa sakanilang kinauupuan na sobrang saya ng kanilang mga kaibigan dahil sa ginawa nilang performance. Makalipas ang ilang oras nakatulog na ang iba sakanila dahil sa sobrang lasing, sina Jihyo, Mina, at Tzuyu ang natira na hindi gaano nalasing


Pumunta sa kwarto si Tzuyu para kumuha ng mga unan at kumot para sa mga kaibigan niya at kanyang girlfriend na tulog na. Samantala sina Jihyo at Mina ay nagsimula ng maglinis at inilagay sa sofa ang mga kaibigan nila

PANAGINIP "IKAW PARIN" - BOOK 2/ MICHAENGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon