Chapter 16

556 36 86
                                    

Chapter 16

Queen's POV

I felt so uncomfortable sitting next to him inside the car. Diretso lang ang tingin ko sa harap dahil nahihiya akong magkasalubong kami ng tingin. Sa totoo lang ay uuwi na sana ako kanina pero kaagad siyang pumara ng taxi at pinasakay ako.

The only thing that makes me worry right now is that if my parents call me and ask where I am. I'm not good in lying especially when it comes to them. Kahit simpleng paghinga at pag-utot ko ay alam nila ang ibig sabihin. What would you expect for parents?

"Hula ko, nag-away kayo." Pareho kaming napatingin kay manong driver na nagsalita.

"Naku hindi po, manong," sagot ko. Humalakhak naman si manong na para bang isang malaking biro lang ang sinabi ko.

"Ganyan na ganyan din kami dati ng asawa ko. Away bati pero mas lalong tumibay ang pagsasama namin."

Napadiin ang paghawak ko sa damit dahil sa hiya lalo na nang mapansin kong nakatingin sa 'kin si Red. I shifted my attention to the streetlights outside while trying to maintain my composure.

Gusto ko pa sanang magsalita pero pinili ko na lamang na tumahimik. Hindi ko rin alam kung bakit hindi nagreact si Red sa sinabi ni manong driver. I guess he's not interested to react for this nonsense talk.

I don't know how much time it takes bago namin narating ang mismong lugar na sinasabi ni Red. Paghinto ng taxi ay agad siyang nagbayad at bumaba. Bago ako tuluyang makalabas sa sasakyan ay nagsalita si manong driver.

"Trust is the key. Wag mong kalimutan." Napailing na lang ako sa sinabi niya. Iniisip niya pa rin talagang magjowa kami.

Hindi lang naman applicable ang tiwala sa magjowa. Si Manong talaga.

Kumaway ako kay manong driver nang binuhay niyang muli ang sasakyan at umalis. Hinabol ko naman si Red nang makita kong malayo na siya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko pero hindi siya sumagot. Nakapamulsa siyang naglalakad at nakayuko na para bang may malalim siyang iniisip.

Napahinto na lamang ako nang makita ko ang tapat ng gusali. Wait. Ico-condo niya ako? I gulped while thinking about the possibilities of what's going to happen next.

Biglang nagbalik sa isip ko ang sinabi ni manong driver kanina. Ibang trust pala ang tinutukoy niya. Ba't hindi ko agad nakuha 'yon? Waaaah!

"Tatayo ka na lang ba diyan?" Nakuha ang atensyon ko nang magsalita si Red. Hindi ko na naman mabasa ang ekspresyon sa mukha niya. Ang cold na naman ng mga titig niya.

Sumunod na lang ako sa kanya kahit pa may pag-aalangan. Ayoko namang magmukhang napipilitan lalo pa't hindi lang kami ang tao sa paligid. Siguro naman hindi niya ako kakainin ng buo di ba?

Pinagpapawisan ako habang nasa loob kami ng elevator. Pinili kong dumistansiya sa kanya para hindi masyadong awkward. I also manage to control my breathing dahil baka marinig niya ang malakas na pintig ng dibdib ko.

"Do you have candies?" Napaigtad ako sa biglang tanong niya.

"Huh? B-bakit?"

Shit. Umayos ka girl!

"I forgot my lollipop."

Pakiramdam ko ay nahulugan ako ng isang malaking kampana sa ulo. Ano raw? Nakalimutan niya lollipop niya? Hindi ko alam kung bakit iba ang naiisip ko sa naging sagot niya.

Tang*na. Kasalanan ni Molly kung bakit ganito ang mga naiisip ko!

"Ahhmm.. Ahh.. Wala eh. Naubos ko na," pagdadahilan ko.

BROKEN SCALPELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon