Chapter 5

1K 66 30
                                    

Chapter 5

"I'm home," sigaw ko pagkabukas ng pinto. I put my shoulder bag on the sofa before heading my way to the kitchen.

"So the queen of the family is here," nakangising bati ng kapatid ko pero hindi ko siya pinansin. "Are you hungry your highness?" pagbibirong tanong niya habang nasa kalagitnaan ng pagluluto.

"Stop it, King!" saway ko sa kanya. "Wala ako sa mood ngayon para sabayan ka sa kalokohan mo."

Umupo ako sa mesa habang pinagmamasdan siya sa kanyang ginagawa. Unti-unting kumurba ang mga labi niya pagkatapos ay pinanliitan ako ng mga mata. I think he's trying to guess what happened to me at school. Iba rin talaga ang kapilyuhan nito.

"Let me guess. Kayo na ba ni Spencer?" diretsong sabi niya. Alam na alam niya talaga paano ako inisin.

"Kiiiing!" sigaw ko sa pangalan niya. Lalapit na sana ako sa kanya para kutungan siya pero ginamit niyang sandata ang sandok bilang harang para hindi ko siya malapitan.

"Sige, subukan mong lumapit," banta niya pero hindi ako nakinig. "Sinasabi ko sayo tatamaan ka nito. Ate, mainit 'to, " pagpapatuloy niya habang hawak-hawak ang sandok na ngayon ay nakatutok sa' kin.

"Kapag nahawakan kita, ipapalunok ko talaga sa'yo yan ng buo!" galit kong sagot sa kanya.

Kumuha ako ng plastic chair at ginamit ring panangga sa sandok na hawak niya. Does he think he's wiser than me? Ano pang silbi ng pagiging eldest child ko kung magpapatalo rin lang ako. Not now, my dearest brother.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang siya naman ay napapaatras. He tried to hit me with his ladle pero hindi niya ako natamaan dahil sinalag ko agad gamit ang plastic chair na hawak ko.

"Insley King!!" sigaw kong muli sa pangalan niya.

Sa lahat ng ayaw niya ay ang tinatawag siya sa buo niyang pangalan. He prefers to be called Insley than King pero dahil mahilig siyang pagtripan ako kaya "King" ang tawag ko sa kanya lalo na kapag nasa bahay kami.

"Ate Queen? Kuya King?"

Pareho kaming napatingin sa nagsalita. Nasa baba na pala ng hagdan ang kapatid naming si Taylor.

Nag-aaway na naman po ba kayo?" Napa-facepalm ako nang lumabas sa likod ni Taylor ang kambal niyang si Tyler.

"Hindi kami nag-aaway baby Prince at Princess. Naglalaro lang kami ng Kuya King niyo," malumanay kong sagot sa kambal naming kapatid.

Our parents are the weirdest people I've ever met in my whole life. Ano ba kasing nakain nila at nilagyan nila ng royal names ang mga pangalan namin? Dahil ba Elizabeth at Phillip ang pangalan nila kaya nagpasya rin silang lagyan ng Queen, King, Prince at Princess ang mga pangalan namin? Do they think we're living in a world of fairytale? If they only knew how embarrased we are everytime we introduced ourselves.

Hindi na muling nagtanong pa ang kambal at nagtungo agad sa ref para kumuha ng paborito nilang chocolates pagkatapos ay bumalik agad ng kwarto nila. Mabilis ko namang inagaw ang sandok na hawak ni King. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Mama! Si ate, inaano ako. Nagluluto lang naman ako rito tapos basta-basta na lang nanggugulo!" sumbong ng magaling kong kapatid pagpasok ni Mama.

Hindi ko alam na nakarating na pala si Mama. Ang buong akala ko ay busy na naman siya sa trabaho. Madalas kasi late siya kung umuwi dahil sa kailangan niyang mag-overtime sa work niya.

"Ano na naman bang nangyayari sa inyong dalawa? Nag-aaway na naman ba kayo?" tanong ni Mama paglapit sa amin.

"Hindi po, Ma," sagot ko.

BROKEN SCALPELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon