Chapter 24

82 3 7
                                    

Queen's_POV

Kanina pa ako balisa. After what happened earlier, wala na akong ganang dumalo sa bonfire ngayong gabi. I don't know how to say this but my instinct is telling me that something will happen. Kaya after our dinner, I decided na bumalik na lang dito sa room.

Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpalakad-lakad dito sa room namin. My roommates are still on the pavilion. Mukhang doon yata naghintay ang iba bago magpunta sa camp site.

I stopped when I heard footsteps in front of the door.

"Queen? Are you there?" I immediately recognize her voice. It was Molly.

"Everyone is already in the pavilion. Ikaw lang 'yong wala roon. Are you okay? Alam ko andiyan ka sa loob". Ramdam ko pag-aalala sa boses niya.

Hindi ako umimik. Wala kasi talaga akong balak na dumalo roon. Gusto ko na lang matapos itong recreational activity na 'to. I'm emotionally affected sa mga napapansin kong kakaiba sa paligid ko.

"Hindi ka ba talaga pupunta roon?" I thought umalis na siya pero hindi pa pala. Gusto ko magalit sa kanya para tuluyan siyang umalis pero hindi ko magawa.

"Siya nga pala, after our dinner kanina may lalaking naghanap sa'yo. He wanted to talk to you pero sinabi ko na lang na bumalik ka sa room mo dahil hindi maganda pakiramdam mo. Hindi siya nagtagal at umalis din kaagad. Ang sabi pa niya ay kilala mo raw siya."

Nagmistula akong estatwa sa kinatatayuan ko. Bigla na lamang lumakas ang pintig ng puso ko. Ayokong mag-overthink pero isang tao lang ang nagrehistro sa utak ko.

No... no... no... It can't be him. Imposibleng magpunta siya rito.

"Hindi niya sinabi ang pangalan niya. That's why I'm here para sana pag-usapan 'yong tungkol sa lalaking 'yon. Nag-aalala lang ako sa'yo. Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ko kinakausap. So please, open the door!"

Hindi na ako nakatiis at pinagbuksan na lamang siya ng pinto. Bumungad sa akin ang maamo niyang mukha. Bahagya siyang ngumiti bago pumasok at tuluyan akong niyakap.

"Kanina pa ako nag-aalala sa'yo. Akala ko kung napa'no ka na," sabi niya matapos kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"Sumakit lang ulo ko kanina but I'm good now." Pagdadahilan ko.

"Then does it mean, sasama ka na sa amin mag-bonfire?" Biglang lumukot ang noo niya dahil sa hindi agad ako nakasagot. "If you're not going with us then that means my assumption is right na may problema ka nga," pagpapatuloy niya.

I took a deep breath at hinawakan ang magkabila niyang kamay.

"Hindi mo ba talaga namukhaan 'yong lalaking naghanap sa 'kin kanina? At hindi niya ba talaga sinabi ang pangalan niya?" I witnessed how her face reaction changed.

"Hindi eh. I don't think he's one of the students in PU since hindi talaga siya familiar and one thing that caught my attention is the print on the jersey he's wearing which I think his former school." Nakatitig lang siya sa 'kin na para bang inaanalisa ang magiging reaksyon ko. Sana mali ako ng hinala.

"Don't tell me it's West Academy," bulalas ko.

"Yes, Queen. 'Yon nga!" aniya.

Pinaglambutan ako ng tuhod matapos marinig ang sinabi niya. Pareho sila ng former school ni Red. Tama nga ako, siya nga. Is he planning something right now? Bakit niya gustong makipagkita sa 'kin? What does he want?

"Do you know him by chance?" Nag-iwas agad ako ng tingin sa naging tanong niya.

"N-no. Sana nga nakaharap ko siya." I answered before leaving the room.

BROKEN SCALPELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon