Chapter 12

690 34 91
                                    

Chapter 12

Pinagmasdan ko nang mabuti ang sarili kong repleksyon sa salamin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na pinayagan nila akong dumalo sa party ng classmate ko. I don't know if Molly or Billy was the one who convinced them but I'm very much thankful that they gave me the chance to experience this.

I tried to call Molly pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit ang cold niya sa amin. Sana naman pumunta siya sa party mamaya para naman may makausap ako. I give up dialing her number at si Billy na lang ang tinawagan.

"Nasa'n ka na ba?" bungad ko sa kanya when he picks up the call.

"We're on our way to Patterson's residence." Nainis ako bigla sa naging sagot niya. Bakit hindi siya nagsabi? What about me? Ako lang ba mag-isa ang pupunta roon?

"Akala ko ba susunduin mo 'ko? Sana nagsabi ka man lang sa 'kin hindi 'yong pinaghintay mo lang ako sa wala!" Hindi ko napigilan ang emosyon ko at nasigawan siya. Sino ba naman kasing hindi magagalit 'di ba? We've talked about it tapos iiwan niya lang pala akong mag-isa sa ere.

"I'm sorry Queen. I thought Molly's going to fetch you. Hindi rin ako nagkotse kasi sinundo ako ni Liam."

So kaya niya pala ako kinalimutan dahil sinundo siya ng boylet niya? Napakababaw naman niyang kausap. He should've told me earlier para makapag-isip agad ako ng plan B.

"Molly's not answering my call. Mukhang hindi siya pupunta doon."

"Sorry talaga, Queen. Kung gusto mo babalikan ka-----"

"No, it's okay," putol ko sa sinabi niya. "Mukhang malapit na rin naman kayo." I added.

"Queen...."

Kaagad kong pinatay ang tawag. Ayokong humaba pa ang usapan namin. Nakakahiya naman kay Liam na naririnig ang pag-uusap namin. Ang damot talaga ng tadhana sa 'kin. Kung kailan ako pinayagan, saka naman magkakaroon ng ganitong sitwasyon. I think I'll be staying at home tonight.

Buo na sana ang desisyon ko na mag-stay na lang sa bahay pero natigil ako nang katukin ni King ang pinto ng kwarto ko.

"Ate Queen! May naghananap sa'yo sa baba." Napaisip ako saglit kung sino ang taong tinutukoy ni King na nasa baba. Imposible naman kung si Molly dahil mukhang nagtatampo sa 'min ni Billy 'yon.

"Sino raw? Babae ba? Lalaki? Kilala mo ba?" kinakabahan kong sagot sa kanya. Nanginginig pa rin ang tuhod ko habang pinagbuksan siya ng pinto.

"Babain mo na lang. Kanina pa 'yon naghihintay." Hindi na ako nakapagsalita dahil agad siyang umalis at bumalik sa kwarto niya. Nakakainis din talagang kausap ang isang 'yon.

Ramdam ko ang unti-unting paglalim ng hininga ko habang naglalakad pababa ng hagdan. Bumibilis na rin ang tibok ng puso ko. Naagaw agad ang atensyon ko nang makita ko ang isang lalaking nakatalikod at kasalukuyang kinakausap ni Papa. My mind keeps on telling me that it was not him but my heart says his name.

"Red?" I tried to call his name but he didn't listen. Akala ko mahina ang pagkakasabi ko kaya nilakasan ko ng konti ang boses ko but still hindi niya pa rin ako nilingon. Why is he ignoring me?

Bahagya akong lumapit sa kanila hanggang sa mapansin ako ni Papa. Ngumiti siya sa 'kin at sinuklian ko rin naman ng isang matamis na ngiti.

"Andito na pala ang hinihintay mo," wika ni Papa sa kausap niya dahilan para lumingon ito sa 'kin. My eyes widen when I recognize who he really was. Am I dreaming? Oh God! I can't believe it.

"Dominique?" pabulong kong tawag sa pangalan niya. Ngumiti muna siya bago sinundan ng isang malutong na tawa. "Ikaw nga!"

"Yeah, it's me." He said smoothly, the baritone of his voice is reverberating through my ears. Ang laki na nga talaga ng ipinagbago niya. Matagal na rin pala since the last time na nagkita kami way back noong nasa probinsiya pa lamang kami. "How have you been?" He asked.

BROKEN SCALPELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon