Chapter 19

327 22 22
                                    

Chapter 19

Billy's_POV

Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita-kita nina Queen at Molly. Panay chat lang muna ako sa kanila. Kailangan ko kasing magseryoso at bumawi ngayong darating na finals dahil baka tuluyan na kong pahintuin or worst ay palayasin pa sa bahay. Kaya naman panay basa at review ng lessons ginagawa ko sa gabi at kapag may vacant time sa university.

"Would you mind if I sit here?" Nag-angat ako ng mukha at tumingin sa harapan.

Everyone is busy reading books and writing notes on their notebooks. Stress na ba ako kaya kung ano-ano na naririnig ko?

"Your name is Billy right? Billy Zabala?" I immediately stand up after I heard that voice again. Kulang na lang umangat ang isang paa ko sa kilig at tuwa nang makita ko ang pogi niyang mukha. Shocks nakakapanghina.

Tumango na lamang ako bilang tugon sa tanong niya. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko at pamamawis ng likod ko. Pag-ibig na ba this? Sign na ba 'to para magkajowa ako?

"Liam Patterson," sambit ko sa pangalan niya.

"So? Is this seat taken?" aniya.

"No, it's not," sagot ko. "And you can have me na rin," bulong ko.

"May sinasabi ka?"

"Sabi ko i-mine na kita pwede ba?" Bahagya akong lumingon para di niya marinig.

"Lakasan mo naman para marinig ko. Ano ulit 'yon?" pansin ko ang paglukot ng noo niya. Shocks ang gwapo niya pa rin. Bagay na bagay sa kanya ang eyeglasses niya.

"Ahhh ano... sabi ko sige tabi na tayo tutal mag-isa rin naman ako." Wow ang smooth ha. Makati ka pa yata sa higad, Billy.

Kaagad naman siyang umupo sa tabi ko. As usual, hindi ako makapagfocus sa binabasa ko. May mga sandaling sinusulyapan ko siya. Gusto kong magsalita pero pinapangunahan ako ng hiya. Besides, nasa library kami ngayon kaya bawal mag-ingay.

"Kanina ka pa nakatingin. May sasabihin ka ba?" Nagulat ako sa sinabi niya. He caught me secretly staring at him.

"Uhhmmm. Madalas ka bang tumambay rito?" bigla kong tanong sa kanya.

"Not really. I'm here 'cause I'm doing my sister's favor," sagot niya habang abala sa pagkuha ng litrato sa pages ng libro. "...at dito ako umupo dahil ito ang table na pinakamalapit sa book section na kinunan ko nitong book."

Ouch! Pighati at its finest. Ba't pa kasi ako nagtanong. Ang ilusyonada ko naman para isiping ako ang rason kung bakit tinabihan niya ako. Mabuti na lang talaga at wala rito sina Queen at Molly dahil talagang kahihiyan ang aabutin sa kanilang dalawa.

"Nabanggit nga rin pala sa 'kin ng mga kaibigan ko na ilang araw ng hindi pumapasok si Yarah sa class nila. I hope she's okay," dagdag ko.

Pagkatapos niyon ay hindi na siya nagsalita. Hindi na rin ako nag-abala na magsimula ng bagong topic. Baka lalo lang akong mahiya sa sarili ko. Nagpatuloy na lamang ako sa pagbabasa at pagsusulat ng notes.

"Madalas ka ba rito?" Napalagok ako ng laway nang muli siyang magsalita.

"Ahh... Oo," sagot ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit kapag siya ang kausap ko kinakabahan ako. I tried to roam my eyes inside the library to check kung pinagtitinginan na ba kami. Mabuti na lang at hindi.

"Siya nga pala, thank you doon sa Macao Imperial Tea with Cream Cheese Uji Matcha flavor. Hindi kasi ako nakapagpasalamat ng maayos that day." Lakas maka-throwback gagi. Halatang naubusan na ng sasabihin. Shocks!

BROKEN SCALPELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon