Chapter 23

183 7 5
                                    

Queen's_POV

Hindi pa rin talaga ako kumbinsido sa mga narinig kong paliwanag kanina nina Molly at Red. I don't know how to say it but something is off. Pakiramdam ko kasi may tinatago silang dalawa sa akin. I gave them benefit of the doubt dahil nagtutugma naman ang mga paliwanag nila.

"Queen? Are you alright?" Napalingon agad ako sa kanya.

"I'm so sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo na andito ako. Ang totoo niyan ay gusto sana kitang.... sorpresahin," aniya.

Bakit ganoon? Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling lang siya? Am I really the reason why she came here? Kung sabagay talagang nasorpresa ako sa nasaksihan ko kanina.

"True! Chinat nga ako ni Mollycules tungkol sa pasurprise party mo sana," dagdag ni Billy na kaagad ding napatakip ng bibig.

"Surprise party?" pag-uulit ko. Pinanliitan ng mata ni Molly si Billy.

"Y-eah," tipid niyang sagot.

I do trust Molly dahil bestfriend ko siya but these past few days, parang nag-iba ang ikinikilos niya. Hindi ko naman mabasa ang ekspresyon sa mukha ni Red. Wala kasing kahit anong bakas na makapagsasabing nagsisinungaling siya. Siguro nga ay nag-ooverthink lang ako kanina. Baka nagkataon lang din na wala siyang alam kanina tungkol sa kanila ni Billy at Molly noong tinanong ko siya.

"Alam niyo namang hindi na ako bata para sa mga party party. Besides, baka bawal dito ang mga ganoon klaseng ideya," pagbibirong sagot ko sa kanila.

Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan ay umayos ako ng upo at hinawakan ang kamay niya.

"Patawad kung iba ang naisip ko kanina ah. Alam ko namang walang rason para magselos ako." I laughed. "But I'm happy that you're here. Masaya akong kompleto tayong tatlo."

Lumapit bigla si Billy at hinaplos ang mga ulo namin at kaagad din namang nauwi sa yakapan. Mayamaya pa ay biglang kinuha ni Billy ang phone niya pagkatapos ay nag-groufie kami. Another day, another memory to be treasured. Kung wala sila rito siguradong hindi ako mag-eenjoy sa activity na ''to.

After mag dinner ay pinatawag kaming lahat ni Mr. Fraga. He reminded us for tomorrow's activity kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin lalo pa't nasa remote area kami. Nag-assign din siya ng mga estudyante para sa documentation at gagawa ng article para sa publication. Bago siya umalis ay binigyan niya kami ng oras just in case may gagawin pa kami.

Pagkatapos umalis ni Mr. Fraga ay nagkanya-kanya na ang iba sa kanilang mga paandar. May ibang naglalaro ng cards na may laman na questions, may mga couple na nagdi-date, may mga kumakanta, may mga nagnenetflix and chill at may grupo na nagkukwentuhan lang at may iba rin naman na piniling bumalik sa kanilang mga rooms.

Mas pinili kong maglakad-lakad hanggang sa tuluyan akong makahanap ng isang bench sa di kalayuan. Maliwanag ang gabi dahil sa buwan na nagsisilbing tanglaw sa dilim.

Umupo ako habang pinagmasdan ang mga nagkikislapang tala sa kalangitan. I miss doing this. Ganito kasi ang ginagawa ko dati sa paborito kong tambayan malapit sa dagat noong nasa probinsiya pa lamang kami. Nakahiligan din ito ni Nikko dahil sa akin.

"Tama nga ang hinala ko. Andito ka nga." Napalingon agad ako para makita kung sino ang nagsalita. I was right, it's Nikko. Bahagya siyang ngumiti bago tuluyang umupo sa tabi ko.

"Paano mo nalamang andito ako?" tanong ko sa kanya.

"Of course kilalang-kilala na kita. Isa pa, this is the perfect spot para mag-stargazing." Hindi na ako nag-react sa sinabi niya. He was partly correct but other than that gusto ko rin munang mapag-isa.

BROKEN SCALPELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon